Inday TrendingInday Trending
Dinuraan ng Kabit ang Mabait na Misis ng OFW, Matapos ang Ilang Buwan ay Matinding Kahirapan ang Dinanas Niya

Dinuraan ng Kabit ang Mabait na Misis ng OFW, Matapos ang Ilang Buwan ay Matinding Kahirapan ang Dinanas Niya

Anim na taon nang nag aabroad si Erwin, nagtatrabaho sya bilang welder sa isang company sa Saudi. Mayroon siyang tatlong anak sa Pilipinas na inaalagaan ng kanyang misis, si Marisol. Tapos ang babae sa kolehiyo at matalino rin pero piniling manatili na lamang sa bahay upang matutukang mabuti ang mga anak.

Tuwing Linggo ay tinatawagan niya ang misis pero sa halip na makipagkwentuhan rito at sulitin ang oras na magkausap sila ay wala siyang ibang ginawa kundi awayin ang babae.

Masyado kasi siyang seloso.

“Bakit ang tagal mong sumagot? Siguro may ka-chat kang iba no?” bungad ni Erwin sa kanyang misis nang medyo ma-late ito sa pagsagot sa tawag niya.

“Pasensya kana love, nilalagnat kasi ang bunso natin. Nagmamanya, ayaw magpababa,” paliwanag ng baba. Kitang kita naman sa videocall na hirap na hirap itong buhatin ang umiiyak na bata.

“Dinahilan mo pa ang anak natin Marisol. Sinasabi ko lang talaga sayo! Wag kang pahuhuli sakin kasi kakasuhan kita. Sisirain ko talaga buhay mo,” nagbabanta niyang sabi rito.

Ang misis niya naman, bilang sanay na sa paggaganoon niya ay hindi na lamang kumibo. Alam ng babae na lalong lalalim ang usapan pag sumagot pa ito, inisip nalang nito na nasa abroad siya at baka sakaling magbago kung uuwi sa Pilipinas.

Pero hindi mangyayari iyon. Dahil ang totoo, takot lamang sa sarili niyang multo si Erwin. Siya kasi itong may ibang babaeng kinakalantari sa Pilipinas. Nasa probinsya ang mag iina niya at mayroon siyang pinadadalhan ng pera sa Maynila, si Joan.

“Love, kumusta pala ang trabaho mo?Yung pambili nga pala ng gamot ni bunso inutang ko lang kay Mareng Virgie, hinihintay ko pa ang padala mo kasi- ” pag iiba ni Marisol sa usapan, kahit di na ito magkandaugaga ay pinipilit nitong makipagkwentuhan. Katwiran niya ay pagod ang mister at ito na lamang ang oras na makakausap sila nito.

“Ewan ko, wag mong ibahin ang usapan. Badtrip ako sayo, bobo ka kasi ang tagal mong sumagot,” sabi ni Erwin at binabaan na ng tawag ang misis. Ilang beses pang sumubok tumawag si Marisol sa kanya pero binabaan niya na ito.

Tinatawagan niya na kasi si Joan.

“Ling, musta ka?” malambing niyang bati sa babae. Malandi namang ngumiti ito sa camera.

“Okay lang Ling, kailan ka uuwi dito?” nakangusong sabi nito.

“Sa isang Linggo na.. konting tiis nalang Jo, maikakama na ulit kita. Sabik na sabik na ko sayo Ling..” sabi niya rito. Humagikgik naman ang babae at ipinakita pa ang dibdib nito sa kanya.

“Eto ba miss mo? Miss kana rin nito,” sabi nito at kumindat pa.

“Huy, wag ka namang ganyan. Nag iinit ako lalo Ling,”

“O edi umuwi kana. Sabi ko kasi sayo, dito ka na lang. May apartment na naman tayo dito sa Manila diba? Iwan mo na ang tontang Marisol,” pangungumbinsi nito.

“Darating rin tayo dyan Ling,” sabi nya. Ilang sandali pa ay natapos na ang tawag.

Mabilis lumipas ang isang Linggo ay sumapit na ang araw ng pag uwi ni Erwin sa Pilipinas, pero walang kaalam alam ang misis nito sa probinsya na sa Maynila siya magtutuloy. Ang sabi niya lamang dito ay magiging busy siya sa loob ng isang buwan at di makakatawag.

Bahala na itong mag isip sa gastusin, tutal ay ilang buwan na rin naman niya itong tinitipid dahil na kay Joan lahat ng pera niya. Magagawan na nito ng paraan ang kakainin ng mga bata.

Si Marisol naman ay napilitang gumawa ng paraan dahil walang kakainin ang mga anak niya kung di siya kikilos. Di nagpapadala ang kanyang mister, buti nalang ay niyaya siya ng kanyang tita sa Maynila na doon na muna tumira. Bitbit niya ang mga bata na nagbyahe sila, saka na siya magpapaalam kay Erwin.

Nag apply siya sa isang call center at dahil matalino naman ay agad na natanggap ang babae. Unang araw niya sa trabaho at talagang inagahan niya ang pasok, pero pag minamalas ka nga naman, madaling araw palang ay traffic na.

Tutal ay kaunti na lamang naman ang distansya, naisip niyang bumaba na sa sinasakyang jeep at lakarin nalang ang kumpanyang pinapasukan. Ang sabi ng tita nya, mas masasama na ang tao sa Maynila ngayon kaya alerto siya.

Bawat nakakasalubong ay hinihigpitan niya ang bag, lingon rin siya nang lingon sa paligid. Pero kakalingon niya, isang di inaasahang tanawin pala ang kanyang makikita. Sa tapat ng motel, ay lumalabas ang isang kumekembot pang babae, at ang kasama nito?

Walang iba kundi ang kanyang mister, si Erwin.

Hindi alam ni Marisol kung ano ang nag udyok sa kanya pero nilapitan niya ang dalawa. Gulat na gulat si Erwin habang ang kasama nitong babae ay taas ang kilay, matapang pa.

“Ito na pala ang tinatrabaho mo ngayon,” simpleng sabi ni Marisol. Hindi makasagot ang kanyang asawa.

“Oo ako bakit?” matapang na sabi ng kabit. Imbes na sumagot si Joan ay tinignan niya lang ito mula ulo hanggang paa.

Alam ng Diyos na hindi siya sanay sa mga ganitong away pero ito na yata ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.

Tila na-imbyerna naman ang babaeng kaharap sa ginawa niyang pagtingin kaya dinuraan siya nito.

“Pwe! Kaya ka iniiwan! Losyang!” sabi nito at inulit pa ang pagdura.

Nakatatlong buntong hininga si Marisol, pilit na pinipigilan ang galit.

Bumwelo siya nang isa, tapos ay nagsalita, “Hindi kita papatulan kasi bali-baliktarin man ang mundo, habangbuhay kang kabit at ganyan kana lang,” sabi niya at tumalikod na.

Narinig niyang nagmura ito pero di na niya pinansin, tuloy tuloy lang siya sa paglakad at tuloy tuloy lang rin sa pagdaloy ang kanyang luha.

Dahil sa pangyayaring iyon ay lalong lumakas ang loob ni Marisol sa buhay, ginalingan niya sa trabaho at agad siyang na-promote ilang buwan lamang ang nakalipas. Dahil sa malaking sahod ay nagpagawa siya ng sariling bahay at ngayon naman ay unti unti nang lumalago ang kanyang negosyo.

Isang araw ay nasa mall siya at nago-grocery nang makasalubong niya ang dalawang pamilyar na mukha. Pero sa halip na maging mapagmataas tulad ng dati ay tila sinubok na ng buhay ang mga ito. Medyo marumi ang kasuotan, halatang hirap sa buhay. Pareho ring nakatungo, buntis ang babae at iika-ika namang maglakad ang lalaki.

“Erwin? Ikaw na ba yan?” di maiwasang itanong ni Marisol.

Nahihiya itong tumango, kasama pa rin nito ang babaeng taas noo noon, pero di na makatingin sa kanya ngayon.

“Ano na ba ang nangyari sa iyo Erwin?” naaawang sabi nya.

“N-naaksidente ako sa Saudi, binayaran naman ako pero naubos rin agad. Di na ako makakapag abroad d-dahil pilay na ako habang buhay, sobrang hirap ng buhay kasi magkakaanak na rin kami. T-tapos nabaon pa sa utang dahil may maintenance na akong gamot..” nahihiyang pag amin ng lalaki.

Nakakaunawang napatango nalang si Marisol, kahit paano ay nalulungkot siya sa sinapit ng kanyang dating asawa. Ang babae sa tabi nito ay nananatiling walang imik. Hawak lamang nito ang tiyan na siguro ay nasa walong buwan na.

Kumuha ng pera si Marisol sa kanyang wallet at iniabot iyon sa nagulat na babae, “Para sa baby mo,” sinserong sabi niya. Walang halong galit.

Di naman makapaniwala ang babae, “Ang sama sama ko sayo..” naiiyak na sabi nito.

“Ikaw yon. Pero walang kasalanan ang baby sa ginawa nyong dalawa, hindi sya dapat na magbayad,” sabi nya at tumalikod na.

Naiwan ang dalawa na naiiyak at kinakain ng kunsensya at pagsisisi.

Sabi nga nila, wag tayong mag iisip, o gagawa ng masama sa kapwa dahil nariyan lang ang karma. Higit sa lahat, nariyan ang Diyos na nakakakita ng lahat. Laging tandaan, ang mataas ay ibinababa, ang nasa baba ay itinataas.

Advertisement