Nakaramdam ng Pagkalungkot ang Misis Matapos Mawala ang Alindog Niya Nang Manganak, Buti na Lamang Ay Pinayuhan Siya ng Kumare
Siyam na buwan na matapos manganak si Ella ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaniyang dating alindog. Nariyan pa rin ang mga stretchmarks, bilbil at nangingitim na mga parte ng kaniyang katawan.
“Ginawa ko naman na lahat mare, halos hindi na ako kumakain ng marami para lang mabawasan ang mga taba ko.” wika niya sa kumareng si Josie.
“Mare ganyan talaga, minsan nga ay taon pa ang inaabot niyan.” sagot nito.
“Pero mare baka hindi na ako magustuhan ng mister ko, mamaya ay maghanap pa yun ng mas sexy at makinis.” malungkot na sabi niya.
Lalo pang nag alala si Ella sa kaniyang itsura nang naging madalang na ang paglalambingan nila ng mister na si Marvin.
“Mahal, sa tingin mo ba ay pangit na ako?” Minsang tanong niya rito.
“Ano ka ba naman mahal, maganda ka pa rin, kahit medyo tumaba ka ay hindi naman nagbago iyon.” paniniguro ng lalaki sa kanya.
“Eh bakit hindi mo na ako niyayakap? Tsaka napansin ko bihira mo na akong lambingin.” nakanguso niyang tanong rito. Lumapit naman ang lalaki at hinapit siya sa bewang.
“Pasensya kana ha, talagang pagod lang ako sa trabaho, madalas paguwi ko ay mas gusto ko na lang matulog.”
Naiintindihan ni Ella ang dahilan ng mister kaya’t sinubukan niyang paniwalaan ito. Ngunit kahit anong pilit niya ay palagi pa rin niyang tinititigan ang sarili sa salamin, naroon pa rin ang pagdududa at takot. Sobrang insecure niya na.
“Ang pangit ko, ang taba ko na. Bakit naman nagkaganito?” Tanong niya sa sarili.
Lahat ng paraan upang maibalik ang dating katawan ay sinubukan niya, maging ang mga produktong pagpapaputi at pagpapapayat ay ginagamit niya. Ngunit parang hindi naman iyon umeepekto sa kaniya.
“Mare ano na bang gagawin ko? Ayokong mawala ang pagtingin sa akin ni Marvin.” Tanong niya kay Josie.
“Ano ka ba naman wag kang magisip ng ganyan, alam mo namang mahal ka ng asawa mo. Ang mabuti pa ay sumama ka na lang sakin sa pagsuzumba, alam mo nas madaling makapayat ang pag eehersisyo kesa diyan sa mga iniinom mo.”
“Talaga ba? O sige sa susunod sa pagsu-zumba mo ay isama mo ako ha.”
Napagkasunduan ng magkaibigan ang mag- zumba tuwing hapon at talaga namang nakapagpagaan iyon ng loob ni Ella.
“Naku mahal ang sarap pala magzumba, pakiramdam ko ay unti unti akong pumapayat. Nakikita mo ba tong bewang ko? Lumiliit na kahit papano.” wika niya sa asawa habang nananalamin.
“Mahal masaya ko na nageenjoy ka sa ginagawa mo, pero gusto ko ding malaman mo na kahit ano pang itsura mo at kahit gaano ka pa tumaba ay hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa iyo.” Sagot naman nito.
Lubusang kinilig si Ella sa mga nasambit ng asawa. Naisip niyang napaka swerte niya dahil sobrang maunawain at tapat ang pagmamahal nito para sa kanya.
“Mare alam mo kinilig ako sa sinabi ni Marvin, sabi niya ay mahal naman niya ako kahit pa tumaba pa ako.” wika niya sa kaibigan habang sila ay nagsu- zumba.
“Sinabi ko naman sayo eh, pero magandang ituloy natin ito para siyempre maging sexy ulit tayo, di lang para sa mga asawa natin kundi para sa sarili natin.” Sabay tawa ng mag-kumare.
Sa madalas na pagsu zumba ay nakikita na ang pagpayat muli ni Ella, kasabay nito ay itinuloy niya ang paggamit ng mga vitamins at siya na mismo ang nakaramdam sa magandang pagbabago sa kaniyang katawan.
“Wow mahal, mukang maganda ang naidudulot ng pagsuzumba sa iyo ah. Baka naman mapabayaan mo ang baby natin niyan.” Wika ni Marvin, titig na titig ito sa magandang katawan ng misis.
“Salamat mahal, pero wag kang magalala, nililimitahan ko naman ang oras ng pagsuzumba ko at natutuwa naman si mama na makasama ang apo niya tuwing hapon.”
Unti-unti na ngang bumabalik ang dating alindog ni Ella na kaniyang ikinatuwa. Masaya siya sa mga progreso ng kaniyang pageehersisyo. Laking pasalamat niya sa kumare na nag- udyok sa kaniya na simulan ito.
Lalong naging masaya ang pagmamahalan ng mag-asawa dahil dito. Patuloy na iningatan ni Ella ang kaniyang katawan at kalusugan para sa maalab na relasyon nila. Di nga naglaon ay nasundan pa ang kanilang anak, ngunit hindi na nabahala dito si Ella.
Samantala kahit pagod ay hindi na mapigilan ni Marvin na hindi lambingin ang misis. Napagtanto rin niyang kailangan din niyang ipakita rito na interesado pa rin siya sa asawa kahit may anak na sila.
Mahalagang panatilihin ang kilig at romansa sa isang mag-asawa. Isang malaking bagay din ang pagpapanatili ng interes sa isa’t isa upang manatiling matamis at masaya ang pagsasama.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!