
Kinalulugdan ng mga Kapitbahay ang Lola at Apo Nito; Napaiyak ang mga Ito nang Malaman ang Tunay na Sitwasyon ng Mag-Lola
Bagong salta ang Mag-lola na sina Manang Adriana at Obet sa Barrio Krus na Pula kay’di maiwasan na pag-usapan sila ng mga taga-roon.
“Alam niyo ba kung saan nanggaling ang matandang ‘yan at kasama niyang bata?” tanong ni Mang Lino.
“Balita ko ay nagmula ang mag-lola na ‘yan sa kabilang barrio. Napag-alaman ko rin na ang matanda na lang at ang apo niya ang magkasama sa buhay,” kuwento naman ni Aling Dandeng.
“Naaawa nga ako sa mag-lola, e. Biruin mo dalawa na lang silang magkasama. Parang hinang-hina na iyong matanda at iyong batang lalaki ay napakabata pa para mag-alaga ng lola,” wika naman ni Caloy.
“Minsan nga ay makausap ang dalawang iyan. Dapat na makilala rin sila ng iba nating mga kapitbahay para kung kailanganin man nila ng tulong ay may tutulong sa kanila,” sabi pa na Mang Lino.
Sa tuwing makikita ng mga tao ang mag-lola na naglalakad ay napapalingon ang mga ito. Hindi naman kaawa-awa ang mga hitsura ng mga ito ngunit gayon na lang ang paghanga nila sa apo nitong si Obet na hindi talaga binibitawan ang lola nito saan man magtungo. Kahit sa pagtawid sa makitid na tulay ay akay-akay ng batang lalaki ang kaniyang lola. Marami ang nakapansin na kahit makitid at nakakatakot na dumaan sa naturang tulay ay balewala sa mag-lola. Nakaalula kasi ang tanawin kapag tumingin sa ibaba ng tulay. Isang malalim na bangin ang nasa ibaba niyon.
“Nakita ko si Manang Adriana at Obet na tumatawid sa makitid na tulay. Nakakahanga iyong bata na sa kabila ng nakakatakot na daanang iyon ay balewala lang sa kaniya na tumawid doon na akay-akay pa ang kaniyang lola. Ako nga ay bihira akong tumawid sa tulay dahil nanginginig ang tuhod ko,” sabi ni Mang Lino.
“Nakatutuwa nga ang batang iyon. Walang araw na hindi niya inaalalayan sa paglalakad ang kanyang lola. Napakasuwerte naman ni Manang Adriana sa apo niya,” wika ni Caloy.
“Naiinggit nga ako kay Adriana, mukhang napakabuti ng kaniyang apo. Samantalang ang mga apo ko ay hindi man lang ako magawang akayin,” himutok ni Aling Dandeng.
Nang mapansin nila naglakakad pauwi ng kanilang bahay ang mag-lola. May bitbit na bayong ang bata habang akay-akay ang kaniyang lola.
“Hayyy, napakasuwerte naman talaga ni Manang Adriana. Sana sa pagtanda ko ay may apo rin ako na aalalay sa akin saan man ako magpunta,” inggit na sabi ni Mang Lino.
“Sadyang may mabuting kalooban lang talaga ang batang iyan. Sana gayahin siya ng apo ko na pasaway at sobrang tigas ng ulo,” hayag ni Aling Dandeng.
Nang sumunod na araw ay nakasalubong ni Mang Lino ang batang si Obet na mag-isang naglalakad.
“O, Obet, bakit mag-isa kang naglalakad ngayon. Nasaan po ang lola mo?” tanong ng lalaki.
“Masama po kasi ang pakiramdam ni lola kaya nagpapahinga po muna siya sa bahay. Ako na lang po ang bumili ng gamot niya,” sagot ng bata.
“Ganoon ba, kaya pala hindi mo kasama ang lola mo. Pakisabi sa kaniya na magpagaling siya para makita ulit namin kayong magkasamang naglalakad. Nakatutuwa kasi kayong pagmasdan ng lola mo na palaging magkasama lalo na’t palagi mo siyang inaalalayang maglakad.”
“Napakabait kasi ng apo kong si Bridget. Mula nang maagang pumanaw ang mga magulang niya sa aksidente ay sa akin na pumirmi ang batang iyan. Napakalambing at napaka-maalalahanin niya kaya naman mahal na mahal ko ang apo ko. Nahihiya na nga ako sa kanya, kung wala lang akong katarata sa mata ay hindi ako papayag na alalayan pa niya ako sa aking paglalakad samantalang siya dapat ang inaalalayan ko,” wika ng matanda.
“Gusto ko po kasing palaging inaalalayan sa paglalakad ang lola ko, gusto ko po siyang kasama saan man po kami magpunta dahil alam ko pong bilang na ang mga araw ni lola. May malubha po siyang sakit at wala na pong magagawa sa kaniya ang mga doktor. Sabi po niya sa akin, malapit na raw po siyang mawala kaya gusto ko pong samahan siya sa kung saan man po siya magpunta dahil gusto kong samantahin ang mga oras na nariyan pa po si lola,” maluha-luhang sabi ng bata.
Dahil sa isinawalat ng bata ay hindi napiglang maluha ni Mang Lino. Nakaramdam siya ng awa sa mag-lola. May taning na pala ang buhay ni Manang Adriana at nalalapit nang tuluyang maulila ang batang si Obet sa oras na mawala na ang matanda.
Nang malaman ng mga kapitbahay ang totoong sitwasyon nila ay napaiyak din ang mga ito at bumuhos sa kanila ang sari-saring tulong mula sa kanilang mga mababait na kapitbahay. Ipinangako rin ng mga ito na hindi nila papabayaan ang apong si Obet sa oras na dumating na ang oras nang pamamaalam ng matanda. Nakahanda nilang ampunin at bigyan ng bagong pamilya ang bata kapag tuluyan nang mamaalam si Manang Adriana. Natuwa naman at naging panatag ang matanda dahil hindi na mangungulila at maiiwang mag-isa ang pinakamamahal na apo dahil may mga taong may mabuting puso na handang alagaan at mahalin ito.

Tila Nabura ang Mala-Diyosang Ganda ng Babae Dahil sa Malagim na Aksidente; Ibigin pa Kaya Siya ng Tanging Lalaking Pinag-alayan ng Puso Gayong Iba na ang Kaniyang Hitsura?
