Hindi Pinakinggan ng Binata ang Kaniyang Lola sa Payo Nito; Ito pala ang Magiging Dahilan ng Pagkawala ng Matanda
“Allen, hinahapo ako, apo. Nahihirapan akong huminga. Pakikuha mo nga nang mabilis ang nebulizer ko at gamot,” utos ni Mila sa kaniyang binatang apo.
“Lola, itong nebulizer lang po ang narito. Pero wala na pong gamot,” sambit naman ni Allen.
Agad kinuha ng matanda ang kaniyang pitaka at naglabas ng limampung piso.
“Ito, apo. Dalhin mo muna sa botika at bilhan mo ako ng gamot. Dalian mo,” wika ng matanda.
Dali-daling umalis si Allen upang bumili ng gamot. Nagmamadali siya na makauwi sapagkat nag-aalala siya sa kalagayan ng kaniyang lola.
Pag-uwi niya ay agad niyang inayos ang nebulizer ng kaniyang lola upang umayos na rin ang paghinga nito.
“Kumusta po ang pakiramdam niyo, lola?” pag-aalala ni Allen.
“Ayos na, apo. Maraming salamat sa iyo,” nakangiting sambit ng matanda.
“Sa tingin ko, lola, kailangan niyo na pong magpatingin sa doktor. Madalas na po kasi kayong inaatake ng hika nyo. Baka kung mapano na kayo niyan, lola,” sambit muli ng binata.
“Wala ito. Basta nariyan ang nebulizer ko ay agad bubuti ang pakiramdam ko. Kailangan lang ay hindi ako nawawalan ng gamot,” sambit pa ng kaniyang Lola Mila.
Mahirap ang buhay ng mag-lola. Pinagkakasya ang kanilang mga sarili sa pinagtagpi-tagping barung-barung sa tabi ng riles ng tren. Maaga kasing naulila sa magulang itong si Allen kaya ang lola na niya ang nagtaguyod sa kaniya. Ngunit tumatanda na rin si Mila at may karamdaman pa kaya hindi na rin ito nakakapaglako ng isda.
Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na nagawa pa ni Allen na makapagtapos ng pag-aaral. Tumutulong siya sa kaniyang lola sa pamamagitan ng pangangalakal.
Isang araw ay nakita ni Mila ang apo na nilalapitan ni Bochok, isang kilalang tulad ng ipin@gbab@wal na g@mot sa kanilang lugar. Agad na tinawag ng matanda ang apo.
“Tigilan mo ang pakikipag-usap diyan kay Bochok, apo. Alam mo naman kung ano ang hilatsa ng bituka niyan. Ayokong mapalapit ka sa kaniya,” saad ni Aling Mila.
Sumunod naman si Allen. Bukod kasi sa natatakot siyang mapagbintangan ay natatakot din siya sa pwedeng gawin sa kaniya nitong si Bochok.
Ngunit isang araw ay inatake ng matinding hika ang kaniyang Lola Mila. Dahil hindi na makuha sa gamot ay kinailangan na niya itong dalhin sa ospital.
“Kailangan ng lola mo na manatili dito ng ilang araw para maobserbahan. Marami na siyang iniindang sakit. Hindi lamang ang kaniyang hika. May mga gamot ding kinakailangang bilhin agad upang mapainom sa pasyente,” saad ng doktor kay Allen.
Ngunit kahit anong bilang niya sa dala niyang pera ay hindi ito kakasya para sa lahat ng gastusin sa ospital.
Dito ay naisipan na niyang lumapit kay Bochok. Inutusan siya nitong dalhin ang ipinagb@bawal na g@mot. Takot na takot noon si Allen ngunit sa pagnanais niyang maisalba ang buhay ng matanda ay nilakasan niya ang kaniyang loob.
Nang matapos ang transaksyon ay binigyan ni Bochok ng pera si Allen.
“L-Limang libong piso? H-hindi pa ako nakakahawak ng ganitong kalaking pera buong buhay ko. Seryoso ba ito?” laking gulat ni Allen.
“Oo naman! At marami pa ‘yan kung sasama ka sa akin,” saad pa ni Bochok.
Naipagamot na ni Allen ang kaniyang lola. Nailabas na rin niya ito ng ospital nang hindi naghihirap sa pambayad.
“Saan ka kumuha ng pambayad sa ospital, apo?” pagtataka ng matanda.
“M-marami pong tumulong sa akin, lola. H’wag niyo na pong isipin ‘yon ang mahalaga ay mabuti na po ang kalagayan niyo,” pagsisinungaling ng apo.
Ngunit nagdududa na dito si Mila. Alam niyang may kakaibang ginagawa ang apo.
Samantala ay hindi na naiwasan pa ni Allen ang palaging pakikisama kay Bochok. Palagi kasi siyang nagkakapera sa simpleng gagawin niyang paghahatid ng epektos. Hanggang sa hindi na naiwasan pa ni Allen na maging siya ay gumagamit na ng b@wal na g@mot.
Isang araw ay nakita mismo ni Aling Mila sa bulsa ng shorts ng apo ang b@wal na g@mot.
“Ano ang ibig sabihin nito, Allen? Hindi ba sinabi ko sa iyo na h’wag na h’wag kang gagamit nito. Nabuyo ka na ba ni Bochok, ha? Ano ano ang demonyong pumasok sa isip mo, apo?” sigaw ni Aling Mila sa binata.
“Ginawa ko lang po ang bagay na iyon dahi gusto kong mailabas kayo sa ospital. Hindi ba kayo masaya na hindi na kayo naghihirap pa? May pambili na kayo ng gamot! Kaya kung maaari ay pabayaan niyo na lang ako at nakikinabang naman kayo!” sigaw din ng binata sa matanda.
“Nakalabas na ako ng ospital, Allen! Itigil mo na ang masama mong gawain! Wala kang magandang kahihinatnan d’yan! Sinasabi ko sa’yo, Allen, mas nanaisin ko pang m@matay kaysa ibigay mo ang buhay mo sa demonyo!” saad pa ng matanda.
Ngunit naging matigas ang ulo ni Allen. Hindi siya nakinig sa kaniyang lola. Sa sobrang inis niya sa kaniyang lola ay napagsalitaan niya ito ng masama.
“Mabuti nga ay may naipapalamon pa ako sa inyo. Kung aasa lang tayo sa paggawa ng tama ay hindi talaga tayo mabubuhay! Lalo na kayo, ang dami-dami niyong kailangang gamot!” sambit pa ni Allen at tangkang aalis ng kanilang bahay dahil sa inis.
“Saan ka pupunta? Pupuntahan mo ang demonyo mong kaibigan at magpapakasasa akayo sa masamang gawin! Sige, umalis ka na kung gusto mong tuluyan ng masira ang buhay mo! Simula nang mawala ang mga magulang mo ay ang tanging nais ko lang ay mapalaki ka nang maayos!” sambit ni Aling Mila.
Ngunit hindi pa nakakalabas ng bahay si Allen ay bigla na lamang sumikip ang dibdib ng matanda at unti-unti itong bumagsak sa sahig.
Agad naman siyang tinungo ng binata.
“Lola, ano po ang nangyayari sa inyo?” Lola! Lola!” pag-aalala ni Allen.
Isinugod niya sa ospital ang kaniyang Lola Mila ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay.
“Inatake sa puso ang lola mo. Pasensiya na pero wala na kaming magagawa pa. Wala na ang pasyente,” saad ng doktor.
Nang gabing iyon ay bigla na lamang natauhan si Allen. Tila nagbiro sa kaniya ang tadhana. Napasok siya sa masamang gawain upang maisalba ang buhay ng kaniyang loila ngunit ito rin pala ang pagiging dahilan sa pagkasawi nito.
Labis ang pagsisisi ni Allen. Kung sumunod na lamang siya sa kaniyang lola ay sana’y buhay pa ang matanda. Hindi niya akalain na siya pa pala ang magiging dahilan ng kasawian ng kaniyang lola.
Lubusan ang pagtangis ni Allen. Ipinangako niya sa mga labi ng kaniyang Lola Mila na kahit kailan ay hindi na siya babalik sa maling gawaing iyon at itutuwid na niya ang kaniyang buhay.