Inday TrendingInday Trending
Sa Piling ni Tiyong

Sa Piling ni Tiyong

Dapit hapon na ay nasa labas pa ng bahay si Isabela, walong taong gulang. Tinawag na ng kani-kanilang magulang ang mga kalaro niya, sa totoo lang ay hindi siya nakaramdam ng inggit. Mas gusto niya nga rito sa labas, hawak niya ang patpat na ginamit kanina nang maglaro sila ng bahay-bahayan.

Natatandaan niya pa, bago pumanaw ang kanyang ama dalawang taon na ang nakalipas ay madalas silang maglaro. Kahit maskulado ito ay pumapayag na magpanggap na prinsesa mapasaya lamang siya, naglulutu-lutuan sila, dinadamitan ang mga paperdolls na nabili nito sa palengke bago ito umuwi mula sa trabaho sa construction. Dumadalaw rin sila sa lola at tita niya na kamag anak ng kanyang ama.

Iyon na yata ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay. Kaya lang, kinuha sa kanila ang kanyang ama. Naaksidente ito sa pinaggagawaang building at hindi na umabot sa ospital. Grabe ang iyak ng bata, alam niya na hindi na magiging tulad ng dati ang lahat.

Isang taon ang nakalipas, nakilala ng kanyang ina si Tiyo Rodel. Mabait naman ang lalaki noong una. Responsable ito, palagi pa siyang ikinakandong at nilalaro. Akala niya nga, may pumalit na sa kanyang tatay. Pero hindi pala.

“Isabela! Uwi!”

Napapitlag ang bata nang marinig ang galit na boses ng kanyang tiyong. Labag man sa loob niya ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay.

“T-Tiyong, pwede ho bang hintayin ko nalang si nanay rito sa bakuran?” tanong niya, nakasilip lang sa pinto.

Ang kanyang ina kasi ang kumakayod ngayon. Ewan ba niya, mahal na mahal nito ang kanyang tiyong kaya kahit na nananakit at batugan ay di pa rin iniiwan. Ito pa nga ang nagpapakahirap ngayon na magtrabaho sa pabrika ng plastic sa bayan. Alas nuwebe pa ng gabi ang dating ng ginang.

“Diba pinapapasok kita?” angil ng lalaki.

Mabigat ang loob na naglakad papasok ang bata, doon nalang siya sa kwarto at maglalaro ng paperdolls. Sa ganoon ay naalala niya ang kanyang ama.

“Papa, nakikita mo kaya ako? Miss na miss na kita papa,” sabi niya sa kawalan.

Ilang minuto pa ay muli siyang tinawag ng kanyang tiyong, “Ibili mo ko ng alak. Ito ang bote o, para di kana magde-deposito. Wag kang tanga ha? May sukli pa yan. Ibili mo nalang ng yosi,” utos nito.

Tumalima ang bata, dahil sa liit at payat niya ay hirap na hirap siyang buhatin ang dalawang malaking bote ng alak. Ilang oras na naglango ang lalaki.

Kinakabahan si Isabela nang muli ay tawagin siya nito.

“T-Tiyong?”

“Halika, kandong ka sa tiyong,” yaya ng lalaki.

Tumitig lang ang bata, ayaw lumapit.

“P*ta, ke bata bata pa ay bingi na! Sabi ko, halika rito!” galit na wika nito.

Nanginginig na lumapit siya, kumandong rito. Sinamyo nito ang leeg ng bata at hinawi pa ang buhok roon.

“Mmmm, kamukha mo ang nanay mo. Pero mas mabango ka,” nakakadiring sabi ng kanyang tiyong, umiiyak na si Isabela.

Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Noong una ay patingin-tingin lang ang lalaki sa bata, hanggang naglakas loob nang hawakan siya.

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ng bata, pero nakahinga siya nang maluwag nang biglang bumukas ang pinto.

“Nay!” takbong iyak niya sa kanyang ina, yumakap siya sa bewang nito at doon ay humagulgol.

Natulala naman ang babae, “Ano’ng ginagawa mo sa bata?”

Padabog na tumayo ang kanyang tiyong, nagsuot ng T-shirt at lumapit sa pinto.

“Palagi ka naman kasing wala Gilda. Masisisi mo ba ako? Kamukha mo siya, nananabik lang naman ako sayo. Kung aayaw kana pagkatapos nito, ayos lang. Ako nalang ang aalis.”

Parang may tinik na nabunot sa dibdib ni Isabela, pero bumaon ulit iyon at doble pa nang marinig ang isinagot ng kanyang ina.

“Huwag! R-Rodel naman, pasensya kana kung nagkulang ako. Huwag mo naman akong iiwan, mahal na mahal kita eh. Kailangan kita.. sige na, lahat gagawin ko,” desperadang sabi ng kanyang ina. Lumuhod pa sa harap ng lalaki.

Diyos ko po, ano ba namang buhay ito? Bakit ganito kalupit?

“Lahat?” sabi ni Rodel, may nakakalokong ngiti.

“Lahat.”

Dumako ang tingin nito sa kanya, at tila alam na ng kanyang ina ang ibig nitong sabihin. Tinawag siya ng babae, ikinandong sa sofa at tinanggal ang butones ng kanyang mga damit.

“Nanay huwag,” hagulgol ni Isabela.

“Sshhh. Wag kang maingay. Sa una lang masakit ito, wag kanang umiyak ha? Pasasayahin lang natin ang tiyong, mahal mo ba ang nanay?”

Tanging iyak ang naisagot ng bata.

“Kung mahal mo ang nanay, gagawin mo ito. Kasi dito ako sasaya, pag masaya si tiyong Rodel mo,” parang baliw na sabi ng babae.

Inalalayan pa nito ang dalawa niyang hita upang bumukang mabuti.

Matutuloy na sana ang kahayupan ng dalawa nang biglang mapalingon ang mga ito sa pinto.

“Mga hayop kayo! Hayop!” naroon ang lola at tiya niya, mga kamag anak ng kanyang ama.

Napatayo ang nanay niya habang si Rodel naman ay hindi malaman kung ano ang unang gagawin, magdadamit ba o tatakbo. Si Isabela ay tulala na lamang sa sofa.

Sumilip ang mga kapitbahay at nang malaman ang ginagawa ng dalawa sa kanya ay kinuyog ang mga ito. Parehong nakulong ang kanyang ina at tiyo.

Si Isabela ay tulala pa rin, isang Linggo na ang nakalipas. Dito na siya nakatira sa bahay ng kanyang lola.

“Pasensya kana, kung hindi ka namin nakuha noon. Kasi ay ayaw naman naming lumabas na nakikialam dahil may nanay ka,” sabi ng kanyang tiya, umiiyak.

“Apo, alam mo ba kung paano namin nalaman na kailangan ka naming kunin?” tanong ng kanyang lola, napalingon naman ang bata. Nagtatanong ang mga mata.

Bumuntong hininga muna ang matanda bago muling nagsalita, “Napanaginipan ko ang tatay mo. Sabi niya, puntahan ka namin ngayon na. Hindi ko alam kung totoo iyon pero sinunod na rin namin ng tiya mo dahil wala namang mawawala. Doon namin natuklasan lahat. Apo, alam kong mahirap kalimutan pero narito kami. Higit sa lahat, nariyan ang papa mo na laging nakabantay sayo,” lumuluhang sabi nito.

Umiyak nang umiyak ang bata, sobrang sakit ng kanyang pinagdaanan pero ang kaalamang di siya pinabayaan ng kanyang ama ay napakalaking kaluwagan sa dibdib niya. Hindi pala siya iniwan ng kanyang papa.

Tila nasagot ang tanong niya kagabi kung nakikita siya nito, hindi lang pala nakikita- binabantayan pa.

“Salamat po papa, mahal na mahal po kita,” bulong niya sa kawalan.

Kahit nasa kabilang buhay na ay hindi napuputol ang pagmamahal ng isang ama. Wala man sila sa ating tabi, lagi naman sila sa ating puso at nakagabay sa atin.

Images courtesy of www.google.com

Advertisement