Inday TrendingInday Trending
Tinakbuhan ng Babaerong Binata ang Dalagang Nabuntis Niya; Masakit na Singil ang Ipapataw sa Kaniya

Tinakbuhan ng Babaerong Binata ang Dalagang Nabuntis Niya; Masakit na Singil ang Ipapataw sa Kaniya

Kahit isang buwan pa lang nakilala ni Apple ang kasintahang si Jigo ay ibinigay na agad niya ang sarili rito.

“Ji-Jigooo… mahal kita…” sambit ng babae habang pinagsasaluhan nila ang masayang sandali.

“Ang bango mo, Apple…” sagot naman ng lalaki na pinagsasawaan ang kabataan at ka-inosentehan ng dalaga.

Disi nuwebe anyos pa lang si Apple nang makuha ni Jigo kaya suwerteng-suwerte niya. Ilang beses pang naulit ang pagpapaubayang iyon ng dalaga sa nobyo ngunit ang hindi nito alam ay pinaglalaruan lang siya ng lalaki.

“Akala naman ng g*gang ito, eh, seseryosohin ko siya. No way, hindi pa ako nagsasawa sa buhay binata. Kaya habang tayo pa ay pagsasawaan muna kita pagkatapos ay iiwan din,” tatawa-tawang wika ni Jigo sa isip.

Certified babaero ang lalaki na nagbibilang lang ng mga babae na magogoyo at kakagat sa pain niya at kapag nagsawa na siya ay itatapon niya na parang basahan.

Mabilis namang kumagat si Apple na estudyante pa lang. Nakilala nito si Jigo nang yayain ito ng mga kaklase sa bar. Madali itong naakit ni Jigo sa taglay na kaguwapuhan at sa mabulaklak na pananalita kaya bumigay agad ang dalaga. Ang akala ni Apple ay talagang gusto siya ng lalaki kaya siya mismo ang nagbigay ng motibo, siyempre lalaki lang din si Jigo na madaling madarang sa tukso kaya ayun, sinunggaban agad ang pagkakataon at nadali nga ang dalaga.

Dahil walang pag-ibig na namamagitan sa kanila ay mabilis na nagsawa si Jigo at…

“W-wala na si Jigo, balita ko’y umuwi na sa probinsya,” sabi ng may-ari sa inuupahan nitong apartment nang puntahan ni Apple.

“A-ano po? H-hindi maaari! Pinagtataguan na niya ako porket may dapat siyang panagutan sa akin?” naluluhang sagot ng dalaga nang malamang nagdadalantao siya at si Jigo ang ama ng dinadala niya.

Pilit na kinontak pa rin ni Apple ang lalaki ngunit hindi ito sumasagot at nagre-reply sa mga tawag at text niya. Napabayaan na rin niya ang pag-aaral at hindi na pumapasok sa klase. Mula nang iwan at talikuran ni Jigo ay palagi nang tulala ang dalaga at hindi na lumalabas ng bahay. Lumipas ang mga linggo, makaraang takbuhan ng nobyo ay nabalitaan na lang ng mga kaklase at kaibigan na nagpatiw*kal ito. Natagpuan ang dalaga na wala nang buhay sa loob ng kuwarto nito, uminom ng lason na tumapos sa buhay nito at ng sanggol sa sinapupunan. Hindi matanggap ni Apple na iniwan siya ng lalaki at tinakasan kaya nagdesisiyon itong tuldukan na lang ang sariling buhay dahil sa sobrang kahihiyan.

Nakarating kay Jigo ang nangyari sa kasintahan at tinawanan lang niya ito.

“Ganoon talaga ang buhay. Walang maloloko kung walang magpapaloko. Kilala niyo naman ako ‘di ba, mga pare? Sanay ako sa fling, fling lang. Maski kaninong tsiks ay pumapatol ako basta magustuhan ko,” aniya sa mga kaibigan habang kainuman ang mga ito.

“Hindi mo naman kasalanan ang pagkam*tay ni Apple, eh. Kasalanan niya ‘yon dahil siya ang tumapos sa buhay niya at hindi ikaw, pare,” wika ng isa niyang kaibigan.

“Talaga! Masyado lang siya umasa na seseryosohin ko siya at papakasalan. Alam niyo naman na hindi ako married type na lalaki,” tugon niya.

Nang mawala si Apple ay ipinagpatuloy ni Jigo ang pambababae. Hindi nagbago ang istilo niya para makabingwit ng bago niyang mabibikt*ma. Kung kani-kanino pa rin siya pumapatol hanggang sa makilala niya si Glena. Maganda at seksi rin ito na gustung-gusto niya sa isang babae.

“Game ka ba ngayong gabi? Game ako!” sabi niya rito nang yayain niya na magpunta sila sa motel.

“Ako pa ba? Sanay na sanay ako riyan! Baka hindi ka umubra sa akin ha?” natatawa pa nitong sagot sa kanya.

At humantong nga sila sa lugar kung saan nila inilabas ang init ng kanilang mga katawan.

“G-Glena, napakaganda mo talaga…” sambit ni Jigo habang pinaliligaya ang babae.

“Sige lang, Jigo… pagsawaan mo ako…” sagot naman ni Glena.

Magdamag silang nagbabad sa kasiyahan. Nang matapos ay lupaypay si Jigo. Tulog na tulog ito sa kama at walang kamalay-malay na pinagmamasdan siya ni Glena na may malapad na ngiti sa mga labi.

“Nahuli rin kita sa bitag ko, Jigo. Nagpunta ako sa ibang bansa para buhayin, pag-aralin at bigyan ng magandang kinabukasan ang nag-iisa kong kapatid na si Apple… pero sinira mo ang buhay niya! Nagawa kong magbenta ng katawan para lang tustusan siya kaya ako nagkaroon ng A*DS. Dahil sa ginawa mong panloloko sa kapatid ko na naging dahilan ng pagkawala niya’y ibinigay ko lang sa iyo ang karapat-dapat na kaparusahan na para sa mga gaya mong matakaw sa laman. Amanos na tayo!” sabi ng babae.

Si Glena pala ang nakatatandang kapatid ni Apple na nang malaman ang nangyari sa bunsong kapatid ay nangakong igaganti ito sa kaapihang dinanas kay Jigo. Walang kaalam-alam ang lalaki sa ganti ni Glena sa kanya. Wala iyong kasing sakit at dadalhin niya habang siya ay nabubuhay.

Mula noon ay hindi na nagpakita si Glena kay Jigo. Nakaramdam din ang lalaki ng kakaiba at pagbabago sa kanyang katawan kaya naisip niyang magpakonsulta sa doktor at laking gulat niya sa sinabi nito.

“Sorry, but it’s positive, Mr. Hernandez. May A*DS ka,” bunyag ng doktor.

“Ho? H-hindi maaari!” aniya na halos hindi makapaniwala sa resulta ng check up niya.

Paglabas niya sa ospital ay wala siya sa sarili at hindi matapus-tapos ang pagluha sa kinasapitan niya.

“G-God… kaninong babae ako nahawa?”

Lugmok na lugmok si Jigo sa mga sandaling iyon. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nagkaroon siya ng ganoong sakit. Gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa Diyos na patawarin siya sa mga nagawa niyang kasalanan sa mga babaeng niloko at ginamit lang niya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na maaalis sa katawan niya ang bagsik ng ganti ni Glena na nanghawa sa kanya.

Dahil sa nangyari ay itinigil na niya ang pagiging babaero. Nang malaman ng mga kaibigan niya na nahawaan siya ng sakit ay unti-unting lumayo ang mga ito sa kanya. Pinandirihan siya at itinatwa ng mga ito. Ngayon ay nararamdaman na niya kung gaano kasakit ang iwanan at talikuran. Si Glena ang naging ‘karma niya.

Advertisement