Matapang na Umamin ang Lalaking Ito ng Pag-ibig sa Babaeng Inakala Niyang Isang Tomboy, Mahal din Pala Siya Nito
Mabilis na pinahid ni Czarina ang lipstick na nasa labi niya, kinuha niya rin ang towel at pinunasan ang mga kolorete sa kanyang mukha. Nataranta siya dahil narinig niyang paakyat na si Troy, ang bestfriend ng kanyang kuya na matagal na niyang iniibig. Kaya lang may sabit, akala kasi nito, tomboy pa rin siya. Oo, PA RIN dahil dati na siyang naakit sa kapwa babae pero nagbago lahat iyon nang dumating ito. Kaso lang, hindi na niya mabawi ang ‘tomboy image’ niya dahil masyado na itong nagtiwalang kagaya ng kuya niya, tropa sila. Kaya nga hindi na rin siya naiilang dito, kahit pa sobrang lakas ng tibok ng puso niya kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya ay nagmamaang maangan lang siya at iirapan ito. Iismid naman ito at sasabihan siyang ‘pikon’. “Oy Tombs, ang tagal mong magbihis. May sasabihin pa naman ako sana,” sabi nito sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto. “G*go ka wag kang papasok!” sigaw niya rito. “Bakit? Ba.. dalaga ka na tombs? Hahaha” tawa pa nito habang nang aasar. Totoo namang dalaga na siya, hello, 23 taong gulang na siya at 26 naman ito, kaedad ng kuya niya. Bakit ba kasi naisipan niya pang maglagay ng kolorete? G*ga! Gusto mong magpaganda para sa kanya diba? sagot ng isip niya. Maya maya pa ay narinig niyang pumipihit ang doorknob. Buti na lang, nabura niya na ang make up. Kaya lang ay hindi niya pa naitatali ang hanggang balikat na buhok, medyo basa pa kasi iyon dahil kaliligo niya lang. “Tombs-” hindi naituloy ni Troy ang sasabihin dahil napatulala ito sa kanya. Nakasando lang siya at sanay na naman ito doon, ang kinagulat nito ay ang buhok niya, sanay kasi itong nakatali ang buhok niya o kaya naman ay naka-sumbrero siya. “Ano?!” pagalit niyang sigaw dito habang nagsusuklay. ‘W-wala.” sabi lang nito at lumabas na sa kwarto. ‘G*go! istorbo!” sigaw niya rito. Ano naman kaya ang nangyari sa lalaking yon? Kinagabihan ay masayang naggigitara si Czarina kasama ang kuya Edmond niya at si Troy. “Sayang, bakit hindi kita niligawan.. ngayon ako’y nanghihinayang kasi naman, tatanga tanga pa ako noon, walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon..” kanta ni Troy. “Oy, ang lalim ng hugot mo ah. Nasabi mo na ba sa kanya?” nang iinis na sabi ng kuya niya. “Tumahimik ka dyan Edmond,” seryosong sabi ni Troy. Hala! Kanino? pagpapanic ni Czarina. Tatawa tawa naman ang kuya niya at tumayo para pumunta sa kusina, kukuha ito ng juice. “Troy, kanino?” hindi naiwasang tanong ni Czarina. “Di mo kilala, maganda yun at sexy at mahinhin at mahal na mahal ko.” sabi ni Troy, ayaw lang naman ng lalaki na mahalata ni Czarina ang nararamdaman niya pero di niya akalaing babakas ang sakit sa mukha ng babae. Bakit? Diba tomboy siya? “Sige pre, dito lang ako.” sabi ni Czarina at akmang tatayo na, hirap na nga siyang tanggaping may iba si Troy ay ipapamukha pa nito sa kanya ang katangian ng babaeng minamahal. “Huy! Anong drama yan, nagkakantahan pa eh?” sabi ni Troy na naalarma kaya hinawakan ang kamay ng babae. Pareho naman silang tila nakuryente nang ma-realize na magkahawak sila ng kamay. “Wala, feeling ko lang kasi hindi tayo magkaibigan kasi, hindi mo sinasabi sa aki-” naiiyak na sabi ni Czarina. Pesteng luha! Bakit siya pinapahiya ng mga mata niya? Hindi dapat sya umiyak dahil mahahalata siya ni Troy! “Mahal kita Czarina.” sabi ng lalaki. Nanlaki ang mata ni Czarina nang marinig iyon, anong? paanong..? “Bata pa lang tayo, kaya nalungkot ako nang sabihin ng kuya mo na tomboy ka. Mas pinili kong kaibiganin ka at samahang manligaw para malapit pa rin ako sayo.. pero nung makita kita kanina na nakalugay ang buhok, ang ganda ganda mo talaga. Mahal kita,” bulong nito sa kanya. Hindi na sumagot si Czarina at hinalikan niya na lang ang lalaki. “Hay, nagkaaminan din.” sabi ni Edmond na kanina pa pala nakikinig. Makalipas ang ilang taon ay ikinasal ang dalawa at ngayon ay mayroon nang dalawang taong anak na kambal, 7 buwang buntis rin si Czarina sa ikatlo nilang anak. Sino’ng mag aakalang totomboy tomboy siya dati? Totoo nga ang sinasabi nila. Kung kaya talaga ang nakatadhana, bali-baliktarin man ang mundo, paglaruan man ng kapalaran ang buhay mo, mauuwi ka parin sa taong inilaan ng Panginoon sayo. Maaaring naligaw at nalito si Czarina sa kanyang kasarian ngunit hindi tumigil si Troy na mahalin siya. Hay, napakasarap magmahal at mahalin. Kaya sa mga kapatid nating naghihintay pa rin ng taong nakalaan sa kanila, kapit lang. May mas magandang plano ang Diyos sa iyo. Marahil ay inihahanda pa niya ang pinakamalupit na surpresa sa buhay mo.