Inday TrendingInday Trending
Ipinilit ng Ginang na Kunin ng Anak ang Kursong Accountancy Kahit Hindi Nito Gusto, Laking Panlulumo Niya nang Makita Niya ang Negatibong Epekto Nito sa Binata

Ipinilit ng Ginang na Kunin ng Anak ang Kursong Accountancy Kahit Hindi Nito Gusto, Laking Panlulumo Niya nang Makita Niya ang Negatibong Epekto Nito sa Binata

“Gusto ko kumuha ka ng Accountancy, Mickey.” Huling taon palang ng binatang si Mickey sa high school ay ito nalang palagi ang naririnig niya sa kanyang ina. “Ma, gusto ko po sanang mag-Journalism.” “Hay naku, wala kang mapapala sa ganyan! Maliit ang sahod n’yan,” iritableng ika ni Aling Letti. “Hindi kita pag-aaralin kapag hindi Accountancy ang kinuha mo.” Gabi-gabi itong pinagdarasal ni Mickey na sana isang araw ay magbago ang isip ng ina at payagan na siyang sundin kung anong kursong gusto niya. Ngunit tila hindi ito dininig dahil hanggang sa makagraduate siya at pasukan ng kolehiyo ay ganoon pa rin ang desisyon ng mama niya. “Anong course mo?” tanong ng cashier sa unibersidad na pinasukan niya. “Accountancy po,” malungkot niyang tugon. Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay nahirapan agad si Mickey. Noon pa man kasi ay hindi niya na gusto ang mga numbers, lalo na ang Math. Ngunit pilit niyang kinakaya dahil gusto niyang magkaroon ng college degree. “Ano ba naman ‘tong mga grado mo, Mickey puro pasang-awa!” galit na galit ang kanyang ina nang makita ang card niya sa unang semester. Hindi lamang doon naging disaster ang mga marka niya sa eskwela, hanggang sa makarating siya ng third year college ay ganoon pa rin ang reklamo ng kanyang ina. “Ma, pagod na po ako…” tila wala sa sarili at tulalang sabi ni Mickey. “Mag-aral kang lintik ka! Sayang pagpapaaral ko sayo!” walang pakialam na tugon ng kanyang ina. Isang araw ay nagtataka si Aling Letti dahil tanghali na’y hindi pa rin bumabangon ang kanyang anak. galit na galit siyang umakyat ng kwarto nito, “Hoy batugan! Bumangon ka na ‘dyan!” Ngunit muntik nang himatayin ang ginang nang gumulantang sa kanya ang napakagulong kwarto ng anak. Puro sulat ng numero ang dingding nito. Hinanap niya ang kanyang anak at laking-gulat niya nang tulala itong nakaupo sa sulok ng banyo. “Profits that are not paid out as dividends but are instead added to the company’s capital base.” Halos maluha si Aling Letti sa itsura ng anak. Ang gulo-gulo ng buhok at hindi pa nagpapalit ng damit, luhaan din ito. “Ma, patawarin mo ako kung bagsak ako. Mama, sinubukan ko naman para mapasaya ka..Patawarin mo ako, Mama.” lumuluhang sabi ni Mickey. Halos iumpog ni Aling Letti sa nangyari sa anak. Siya ang may kasalanan nito. Sa sobrang pagpupukpok niya dito upang magkaroon ng magandang kinabukasan ay hindi niya nakitang sinisira na pala niya ang buhay ng anak. “Hindi anak, ako ang patawarin mo . Hindi ko inisip ang kalagayan mo. Naging makasarili akong ina. Patawad anak.” Ipinangako niyang gagawin niya ang lahat upang maging maayos ulit ang samahan nilang mag ina. Susundin niya na rin ang ikasisiya ng kanyang anak. Minsan sa sobrang pagnanais nating mapabuti ang kalagayan ng ating mga anak, hindi natin nakikita kung ikasisiya ba nila ito. Bago natin ipilit ang plano natin para sa kanila, alamin muna natin kung ano talaga ang nilalaman ng mga puso nila. Dahil walang bobong estudyante kung mahal nila ang ginagawa nila. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement