Kinutuban ng Masama ang Dalaga nang Makitang Pumasok ang Lalaki sa Bakanteng Bahay Kasama ang Aso’t Pusa; Ito Pala ang Ginawa Niya sa Dalawa
Pauwi na si Nathalie ng gabing iyon. Naglalakad lamang siya at ayaw sumakay, sapagkat mas nakakatipid nga naman. Malapit lang naman ang bahay niya sa kantong binababaan mula sa kaniyang trabaho. Paliko na sana siya sa may eskinita nang mamataan ang isang sasakyang itim na huminto sa tapat ng bakanteng bahay sa lugar nila.
Salubong ang kilay habang sinusundan ni Nathalie ang lalaking bumaba sa sasakyan. Binuksan nito ang pintuan ng likurang bahagi ng sasakyan at pinalabas ang isang aso at pusa.
Hindi man naririnig ni Nathalie ang sinasabi ng mamâ ay nakikita naman niyang kinakausap ng lalaki ang mga alaga. Matapos kausapin ay pinausod nito ang alagang aso papasok sa bakanteng bahay, habang karga ang pusa.
Gustuhin man ni Nathalie na huwag nang alalahanin ang mamâ at ang mga alaga nito’y hindi niya mapigilang mag-isip ng masama. Kaya hinintay niyang lumabas ang lalaki. Ngunit mas lalo siyang kinabahan nang lumabas itong wala nang dala at kasama.
“Kuya,” agad niyang tawag sa lalaking tila natakot nang makita niya. “Nasaan na po ang mga alaga mo?”
“H-ha? Ahh,” nauutal na wika ng lalaking nagmamadaling buksan ang sasakyan.
“Inabandona mo lang ba sila? O pin@tay mo sila sa loob ng bakanteng bahay na iyan?” Kinakabahang tanong ni Nathalie.
Mas okay nang malaman na inabandona na lamang nito ang alagang aso at pusa, kaysa malamang pin@tay nito iyon. Ngunit hindi na nakuhang sumagot ng mamâ, nagmamadali na itong pumasok sa loob ng sasakyan at pinatakbo iyon ng mabilis.
“Lintik naman oo!” Mura ni Nathalie ng wala sa oras.
Kinakatakutan ang bakanteng bahay na iyon. Dahil sabi-sabi’y Haunted House daw ang naturang bahay at marami ang nagpaparamdam sa loob. Ngunit nilamon ni Nathalie ang takot sa multo, masiguro lang na ligtas ang aso at dalawang pusa.
Lakas loob niyang pinasok ang bahay at hinanap ang mga hayop sa pamamagitan ng ilaw ng kaniyang selpon. Nang marinig niyang kumahol ang aso ay agad na nabuhayan ng loob si Nathalie.
“Salamat naman at hindi niya kayo pin@tay,” ani Nathelie, nang tuluyang makita ang aso at ang kasama nitong pusa na parehong nakatali sa bintanang rehas.
Kahol ng kahol ang aso na tila ba nagpapasalamat sa kaniya. “Bakit niya ba kayo iniwan? Hayaan niyo dadalhin ko muna kayo sa bahay,” kausap niya sa tatlong hayop.
Pansamantalang dinala ni Nathalie ang aso at pusa sa bahay nila at hinanap ang may-ari ng mga ito sa pamamagitan ng plate number na nakuhanan niya noong gabing iniwan nito ang alaga.
“Nasa akin po ngayon ang dalawang pusa at ang aso ninyo. Alam kong inaabandona niyo na sila. Pero gusto ko pong malaman kung bakit? Sana ipinaampon niyo na lang sila sa mga taong handang mag-alaga sa kanila.
Paano kung hindi ako ang nakakita sa inyo no’ng araw na iyon? Paano kung walang nakakita sa ginawa niyo? Nama*tay na sa gutom at uhaw ang mga alaga niyo doon sa bakanteng bahay na iyon!” Dire-diretsong litanya ni Nathalie sa may-ari ng nakuha niyang hayop na nakilala niya sa pangalang Henry.
“Kung may batas lang sanang pwedeng ipataw sa mga may-ari na inaabandona ang mga alaga nila’y ipinataw ko na sa inyo!” Naiinis na dugtong ni Nathalie.
“Patawarin mo ako,” humihikbing wika ni Henry. “Hindi ko rin naman gustong iabandona sila. Nagkataon lang na wala na akong pagpipilian pa. May sakit akong can*cer. Nahihirapan na akong intindihin ang sarili ko.
Hindi ko pa malapitan ng tulong ang pamilya ko. Kaysa ipambili ng makakain nila’y mas uunahin kong bilhin ang gamot ko. Desperado na rin ako, miss. Sinubukan kong ibigay sila sa mga kakilala ko, pero ayaw nila.
‘Yong iba ang dahilan ay wala nang lugar sa kanila ang mga alaga ko. Ang iba naman ay ayaw nila sa alaga ko, na animo’y may dala na ring sakit na makakahawa sa kanila. Pakiramdam ko mula noong nagkasakit ako ng malala’y tinalikuran na ako ng mundo.
Pati ang mga alaga ko’y nadamay sa’kin. Ayokong mawalay sila sa’kin, dahil sila lang ang tanging nand’yan noong tinalikuran ako ng lahat. Pero wala akong pagpipilian. Hindi ko naman kayang makita silang nagugutom, dahil wala na akong pambili ng pagkain nila,” mahabang paliwanag nito habang panay ang iyak.
Nakaramdam ng matinding habag si Nathalie, para sa lalaking kaharap.
“Alagaan mo silang maigi. Mababait ang mga alaga kong iyon. Sadyang wala na talaga akong kakayahan upang alagaan sila. Sana mapatawad mo ako sa naging desisyon ko,” muling wika ni Henry.
“Pasensiya ka na kung nagalit ako sa’yo. Ngayong alam ko na ang dahilan mo’y saka lang kita naunawaan,” mahinahong wika ni Nathalie. “Pangako aalagaan ko ang mga alaga mo. Maswerte pa rin sila, dahil nandoon ako no’ng gabing iyon.
Hindi sila hinayaan ng mga anghel nilang mapahamak. Pangako hindi ko sila pababayaan, habang ginagamot mo ang sarili mo. Kaya sana magpagaling ka para makasama mo ulit sila,” aniya saka kinamayan si Henry.
Hindi naging maganda ang ginawa ni Henry sa mga alaga niya. Salamat na lang at naroon no’ng gabing iyon si Nathalie. Anong mangyayari kung nagkataong wala si Nathalie doon? Pwedeng mapahamak ang aso’t pusa sa loob.
Kaya sana sa mga taong may alagang hayop, kaysa basta-basta niyo na lang iwan ang mga alaga niyo’y ibigay niyo na lang sila sa kayang alagaan sila.