Inday TrendingInday Trending
Ang Matinding Sigalot ng Magkumare

Ang Matinding Sigalot ng Magkumare

Magkapitbahay ang dalawang babae na si Marisa at Jacke. Bukod sa magkapitbahay ay magkumare pa ang dalawa, dahil inaanak nila ang anak ng isa’t isa. Bilang matalik na magkaibigan ang dalawa at lagi nagkakasundo ito sa mga kalokohan, at nagdadamayan din sila sa oras ng kahirapan.

Ngunit hindi nila inaasahan na isang hindi pagkakaintindihan lamang pala ang sisira sa kanilang pagkakaibigan.

Malapit sa palengke ang lugar na tinitirahan ng dalawang magkumare. Dahil dito, makasabay na naisipan ng dalawa na magtinda ng mailit na negosyo sa harap ng kanilang tindahan. Si Jacke ay napiling magtinda ng palamig at kakanin. Si Marisa naman ay nagtayo ng palabunutan. Parehas na naeenganyo ang mga bata at mamimili sa kanilang negosyo. Maraming bata ang nahuhumaling sa palabunutan ni Marisa, lalo na at may premyo itong mga tsitsirya. At ang mga ito naman, ay naakit din na bumili sa palamig ni Jacke.

Naging magkatambal ang dalawa sa kanilang negosyo, ngunit nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan ng may dumaan na tanod sa kanilang lugar.

“Simula po bukas ay mahigpit na po naming ipapatupad ang pagbabawal na pagtinda sa mga bangketa,” paulit-ulit na anunsyo ng mga tanod habang paikot sa kanilang lugar.

Dahil magkapitbahay ay iisang bangketa lamang ang pinagpu-puwestuhan ni Marisa at Jacke. Nangamba ang dalawa na makompiska ang kanilang mga paninda sa oras na lumagpas sila sa pinapayagang lugar lamang ng barangay.

“Jacke, okay lang bang iusog mo ng kaunti ‘yang lamesa mo para maiakyat ko yung maliit kong lamesa sa baba,” pakiusap ni Marisa kay Jacke.

Mas mahaba kasi ang gamit na lamesa ni Jacke dahil sa mga palamig nitong tinda. At dahil hindi naman lumalagpas sa puwesto si Jacke ay sa kanya na lamang nakiusap si Marisa na kung maari ay magbigay ito ng pwesto. Isang lamesa lang naman kasi ang meron si Marisa, ngunit dahil nga palabunutan ito ay malapad ang lamesang gamit ni Marisa, kaya kinakailangan umusog ni Jacke ng pwesto.

Pumayag naman si Jacke. Dahil mabigat ang lamesa ay nagsabi ito na bukas na lang umaga ng umaga nito iuusog ang lamesa.

Hindi naintindihan ni Marisa ang naging sagot ni Jacke na bukas na lang niya iuusog ang lamesa kaya nagbiro ito.

“Sus, sige na mars. Halos ikaw na nga ang sumakop ng lugar na yan sa laki ng lamesa mo, kaya pagbigyan mo na ako,” birong sabi no Marisa.

Kaso kahit biro lang ang sinabi ng kumare, at hindi nagustuhan ng tainga ni Jacke ang narinig. Agad niya na lang inusog ang lamesa, upang manahimik na ito. Hindi naman napansin ni Jacke ang pagbabago ng itsura at kilos ni Marisa, alam niya kasing biro niya lang iyon kaya hindi niya inakalang nagalit na oala ang kaibigan nito sa kanya.

Para kay Jacke ay sinumbatan siya ng kaibigan na mapagangkin ito ng pwesto dahil sinabihan siya nitong sinakop na halos ang lugar. Mababaw man ay tila sumama talaga ng loob ni Marisa sa kumare.

Ilang araw ng nagdaan at patuloy na hindi nagkikibuan ng maayos ang dalawa. Pilit na kinakausap ni Marisa si Jacke kung may mali pa itong ginawa, ngunit paulit-ulit din nitong sinasagot na wala at hindi na masyadong kinakausap ang kaibigan.

Hanggang sa lumipas ang iang linggo at tuluyan na ngang nasanay ang dalawa na hindi nagkikibuan. Nagpatuloy ang kanilang pagtitinda, kahit na hindi na sila nagkakausap. Pasulyap-sulyap na lang sila sa isa’t isa at walang pakialamanan.

Hanggang sa mas lalong nag-init ang ulo ni Jacke kay Marisa. Isang araw kasi ay umuwi ang asawa ni Marisa na may dala-dalang gamit na pang-scramble na inumin, ‘yung nilalagyan ng gatas na powder at matatamis na syrup. Napanalunan ito ng kanyang asawa sa trabaho, kaya agad-agad namang tinimpla ni Marisa kinabukasana at hinakayat ng asawa nito na magtinda ito ng scramble sa pwestong palabunutan.

Nag-alangan si Marisa noong una.

“Naku baka magdamdam si Jacke sa akin dahil kinalaban ko ang palamig niyang tinda,” wika nito sa asawa.

“Wag mong intindihan ang sasabihin niya. Hindi naman na kayo nag-uusap at saka wala namang masama sa ginagawa mo,” sagot asawa nito.

Kinahapunan ay sinumulan na ngang magtinda ng scramble ni Marisa sa kanyang puwesto. At dahil bago sa mata ng mga bata, ay mas napansin ito at mas binili. Maagang naubos ang tindang scramble ni Marisa, samantalang ginabi naman si Jacke sa pagpapaubos sa palamig na tinda.

Tulad ng inasahan ni Marisa, ay sumama nga lalo ang loob ni Jacke sa kanya.

“Alam na niyang palamig ang tinda ko, tapos magtintinda siya ng scramble?!” gigil na nagbuhos ng sama ng loob si Jacke pagkasara at pagkapasok nito sa loob ng bahay.

“Talagang kinakalaban niya ko ha!” patuloy na bulong nito dahil sa labis na inis.

Nagpatuloy ang isang linggo na nagtitinda si Marisa ng scramble, at isang linggo na rin naging matumal ang palamig ni Jacke. Hanggang hindi na napigilan ni Jacke ang inis nito.

“Hoy Marisa! Talagang iniinis mo ako ha?! Pagkatapos mong pag-initan ang pwesto ng lamesa ko, ngayon kinakalaban mo naman ‘tong paninda ko!” nanggigil na sinabi ni Jacke ito sa harap ng maraming tao.

Gulat na gulat naman si Marisa sa ginawa ng dating kaibigan, at tila ay nag-init din ang ulo ng marinig na sinigawan siya nito.

“Aba Jacke! Ikaw pa talaga ang may ganang magalit ng ganiyan?! Pagkatapos mong hindi namansin ngbilang buwan ay bigla ka na lang maghihimutok ng ganyan?!” pasigaw sa sagot din nito kay Jacke.

“Hoy! Hoy! Hoy Marisa! Ikaw nga itong ang bintang na sinasakop ko ang pwesto ng bangketa eh hindi ko naman ito pinagdamot sa iyo,” ani Jacke.

“Ano yang sinasabi mo Jacke? Tungkol ba ‘yan sa nangyari dati? Talagang dinibdib mo iyon no? Kahit na nagbibiro lang ako sayo. Kelan ka pa hindi natutong tumanggap ng biro Jacke?!” sagot naman ni Marisa.

Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa umabot na sa pagkasira at pagkatapon ng mga paninda ng mga ito.

Pinuntahan din sila ng mga barangay upang maawat na ang bangayan dahil nakakaistorbo na sila sa kanilang mga kapitbahay.

Nang makarating barangay ay agad silang kinausap ng kapitana na malapit din sa kanilang dalawa. Pinagsabihan niya ito upang kahit pa-paano ay magkapatawaran na ang dalawa.

“Marisa at Jacke, nagsimula kayo bilang magkaibigan. Marami na kayong bagay na pinagsamahan at pinagdamayan, huwag niyo hayaan na ang mga hindi pagkakaintindihan na ito ang sumira sa pagkakaibigan niyo,” panimula ng kapitana.

Ikaw Marisa, intindihin mo ang pinanggalingan ng sama ng loob ng kaibigan mong si Marisa. Marahil ay hindi niya nagustuhan at nasaktan ito sa birong nasabi mo noon. At kapag nangyayari ang mga pagkakataon na ito ay huwag niyong palampasin ang pagkakataon na humingi ng patawad at paumanhin,” dagdag ng kapitana.

Kahit nakakunot ang mga ulo, ay tahimik lang na nakinig ang dalawa. Kilala kasi sila ng kapitana at nahihiya ang mga ito na makita silang nag-aaway.

“Ikaw naman Jacke, hindi lahat ng bagay ay idinadaan sa init ng ulo. Hanggat kaya mo ay matuto kang habaan ang iyong pasensiya sa mga pagkakataon na hindi maganda para sa iyo ang mga sinasabi nila, mas umunawa at kung maari ay laging idaan ang di pagkakaintindihan sa mahinanahong usapan,” pangaral ng kapitana kay Jacke.

“Magkumare pa naman kayo. Alam ko mainit pa ang ulo niyong dalawa, pero simulan natin sa paghingi ng simpleng kapatawaran. Mula sa paghihingi ng patawad ay matuto kaying uksan ang puso na magpatawad,” habilin ni kapitana sa dalawa.

Parehas na humingi nga patawad ang dalawa bago umuwi sa kani-kanilang tindahan. Hindi agad nanumbalik ang dating pagkakaibigan ng dalawa, pero sa maliliit na paraan ay unti-unting bumabawi sila sa isa’t isa. Sa huli, naging matimbang pa rin ang pagkakaibigang pinahahalagahan.

Advertisement