Inday TrendingInday Trending
Pakiusap! Tulungan Niyo Ako!

Pakiusap! Tulungan Niyo Ako!

Ilang araw nang hindi lumalabas si Gemma sa kanyang bahay, ikinulong kaso ito ng kinakasamang si Luis sa loob ng kanyang sariling bahay. Pinagbubuhatan niya ito ng kamay, at pinagbabantaan na babawian niya ito ng buhay sa oras na tangkain nitong tumakas.

Pinagbibintangan niya kasi si Gemma na may kinakitang ibang lalaki. Maayos namang pinaliwanag ni Gemma sa kasintahan na ang lalaking nakita nito na kasama niya noong nakaraang araw ay pinsan niya lamang. Kahit may katibayan na ay hindi pa rin tumitigil si Luis sa pananakit kay Gemma. Sumobra ang pagkahumaling ni Luis kay Gemma, na malapit nang maging sanhi ng pagkakasira ng kanyang pag-iisip.

Kahit na nanghihina na ay kinakailangan pa rin maging matatag ni Gemma upang makaisip ng paraan para makalabas ng bahay at makahingi ng tulong. Matapos ang mahaba-habang pagpaplano sa kanyang isip ay ginamit niya ang nahiwang paa nito mula sa patalim na itinututok ni Luis sa kanya. Nakiusap si Gemma kung maari ba siyang dalhin ng lalaki sa ospital para maipatahi ang malalim na sugat.

“Luis, parang awa mo na. Tulungan mo ako, dalhin mo ako sa ospital para maipatahi ko ang sugat na ito,” pagmamakaawa nito kay Luis.

Hindi pumapayag si Luis, hanggang sa mapilit niya ito basta hindi ito gagawa ng eskandalo o ano mang pagkakamali. Dahil sa oras na magsumbong si Gemma kahit kanino man, ay sinisiguradong raw niyang nakakasa ang armas na dala-dala at handa niyang ipuputok kay Gemma ito.

Dinala ni Luis si Gemma sa ospital. Pinagsuot niya to ng jacket ang pantalon upang hindi makita ang mga pasa nito sa katawan. Agad naman silang nagtungo sa istasyon ng nars para humingi ng paunang lunas sa sugat. Ipinalabas ng dalawa na nahiwa ang paa nito ng malaglag ang bote ng alak na hawak nito habang nagkakaroon ng kasiyahan sa kanilang tahanan.

Dahil malalim ang naging sugat ay kinailangang tahiin ito upang maghilom. Pinaupo ang dalawa sa waiting area para sa operating room, hinihintay ang doktor habang inihahanda ang mga gagamitin rito. Maya-maya ay inutusan ng nars si Gemma na umihi muna or gumamit ng banyo dahil sa oras na matahi ang sugat ay hindi ito pwedeng magtungo sa mga lugar na marurumi upang maiwasan ang impeksyon.

Kontra man si Luis ay hindi niya ito pinakita dahil baka paghinalaan siya ng mga tao rito. Inalalayan naman ng nars si Gemma patungong banyo. At habang nasa banyo, gumawa ng maliit na liham si Gemma upang gamitin para humingi ng tulong.

Habang papalabas ng banyo ay hawak-hawak ni Gemma ang maliit na papel. Nais man niyang iabot ito sa umaalalay sa kanyang nars ay baka mahuli sila ni Luis dahil ihahatid niya ito sa waiting area kung saan naghihintay si Luis.

Kaya nang dumaan sila sa estasyon muli ng nars ay pasimple niyang iniabot abg maliit na papel sa isabg nars at dirediretsong nagtungo sa waiting area, naupo ito at palihim na nananalangin upang sana ay matulungan siya ng mga tao sa ospital.

Nagtaka naman ang nars na inabutan nito ng papel, at dali-dali ring binasa ang nakasulat rito.

“Pakiusap, tulungan niyo po ako. Ilang araw na akong kinukulong ng asawa ko sa aking bahay. Pakiusap, mahinahon at palihim kayong tumawag ng pulis. Pinagtatangkaan ng asawa ko na tapusin na ang aking buhay, may dala siyang armas ngayon kaya kung maari ay wag niyong ipaalam kahit kanina ang ito upang hindi magkaroon ng komosyon at higit sa lahat at dapat hindi niya ito malaman. Pakiusap, tulungan niyo po ako,” sulat ni Gemma sa papel na binasa naman ng dalawang nars na kasalukuyan noong nasa istasyon.

Walang pag-aalinlangan tumawag ang isang nars ng pulis at agad ikinwento ang sitwasyon sa mga ito. Ang isang nars naman ay tinimbrehan na ang gwardya tungkol sa nanagyayari at nakiusap na hintayin ang pulis bago tuluyan puntahan ang lalaki na kasama ni Gemma.

Maya-maya nga ay dumating na ang anim na pulis at agad-agad na inayos ang sitwasyon sa ospital. Pinalayo muna ang mga pasyente at mga madadaanang tao sa oras na dakipin nila ang lalaking may armas.

Dahan-dahang nagtungo ang mga armadong pulis sa waiting area kung saan naghihintay parin ang magkasintahang si Gemma at Luis. Dahil sa gulat ay bigla na lamang napatayo si Luis at tinangkang kunin ang armas na nakatago sa gilid ng sinturon, ngunit bago niya pa ito magawa ay agad na siyang nadakip ng mga ito at nalagyan ng posas sa mga kamay.

Agad na dinala si Luis sa loob ng pulis mobil at ibinyahe papuntang estasyon ng pulis upang makasuhan at maikulong.

Pagka-alis nga mga pulis kasama si Luis ay bigla na lang bumuhos ang luha ni Gemma, habang ikini-kwento ang mga nangyari sa kanya sa loob ng ilang araw sa kamay ng lalaking si Luis.

“Salamat sa inyong tulong,” hamahagulgol na sabi nito.

“Akala ko ay katapusan ko na at hindi na ako makakaligtas sa kanya,” patuloy na pagiyak nito.

“Ilang beses na akong nagtangkang tumakas pero nahuhuli niya ako kaya binubugbog niya na lamang ako,” dagdag pa nito.

Tahimik na nakinig ang naiwang babaeng pulis upang alalayan ang biktima at tanungin ito. Ipinakita naman ni Gemma ang mga natamong sugat at pasa nito mula sa pangbubugbig ng kinasamang lalaki.

Maya-maya ng mahimasmasan na ito ay inalalayan siya ng pulis upang dalhin sa prisinto para opisyal na makapagsampa ng kaso sa lalaking nanakit sa kanya.

Nang nakalabas ng waiting area ay tumakbo ito papunta sa estasyon ng nars upang yakapin at pasalamatan ang mga ito dahil hidni sila nagdalawang isip na tulungan siya.

“Maraming salamat sa inyo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Ay walang sawa ko kayong pasasalamatan dahil hindi niyonbinalewala at pinabayaan. Dahil sa inyong katapangan, ay nagkaroon ako ng pinabagong buhay para magsimula ulit na kapaling ang aking tunay na pamilya,” wika ni Gemma na patuloy pa rin sa pagluha. Maiyak-iyak din naman siyang niyakap ng mga nars, pinapatahan ito.

Nang makaalis na si Gemma, ay pinasalamatan ng mga pasyente ang kanayahinihang ipinamalas ng maga nars na hindi nag-alinlangang tulungan ang himihingi ng saklolong si Gemma.

Hindi naman pinalampas ng namumuno sa ospital ang kabayanihang nagawa ng mga nars at pinarangalan ang mga ito bilang ehemplo ng isang matapang na nars.

Samantalang, si Gemma naman ay nakita agad ang mga magulang na naghihintay sa kanya sa presinto. Agad na bumuhos ang mga luha nito sa labis na pag-aalala sa anak. Kahit na nagmama-kaawa ang lalaking si Luis ay hindi ito tinanggap ni Gemma at tuluyan na ngang sinamapahan ito ng kaso. Hindi niya magagawang palampasin ang pagkakataon makulong at maparusahan ang lalaking nagbanta sa kanyang buhay.

Advertisement