
Isang Dayuhan ang Nagpalaboy-laboy at Nagmukhang Taong Grasa Matapos Perahan ng Dalagang Pinay; Isang Pamilya ang Tutulong sa Kaniya
“Oyy! Sonya, balita ko may ampon ka raw na foriegner ah! Sa bakanteng lote mo pinapatulog?” Tsismosang-tsismosang usisa ni Lorena sa kapitbahay.
Marahang tumango si Sonya. “Oo. Bakit, bibigyan mo ba ng tulong?”
“Ayy! Ano naman ang tulong na maiaabot ko? Mas mahirap pa nga yata kami sa daga e,” nakaismid na wika ni Lorena.
Agad naman natawa si Sonya sa sinabi ni Lorena. “Sabagay pareho lang tayo,” sang-ayon pa ni Sonya. “Sa katunayan ay humingi na kami ng tulong sa Barangay upang makauwi si Steven sa bansa niya. Nangako naman ang mga opisyal ng Barangay na tutulungan nila si Steven.
Ang kwento kasi niyan ay umuwi siya rito sa ‘Pinas, upang makipagkita sa nobya niyang Pilipina. Ang kaso’y pinerahan lang siya nito at nang maubos ang kwarta niya’y bigla na lamang naglaho ang babae at iniwan siyang nagpalaboy-laboy sa kung saan.
Ito namang asawa ko’y nakita nga niya si Steven na animo’y taong grasa sa dungis, kaya naisip niyang iuwi at sa bakanteng lote na lang patulugin. Ang anak ko naman si Fabio ay tinulungan siya upang asikasuhin ang mga papeles niya pauwi ng Amerika,” mahabang paliwanag ni Sonya.
“Kawawa naman ano,” malungkot na wika ni Lorena. “Hindi na rin talaga kataka-taka kung bakit ang sama-sama na ng tingin sa’tin ng mga dayuhan. Minsan din kasi may mga babae ring kagaya ng nobya ni Steven, kaya ayon nadadamay ang ibang mababait na Pilipina,” dugtong pa niya.
“Tama ka d’yan. Pero dapat pa ring magpasalamat si Steven, kasi meron mang isang babaeng nanloko sa kaniya, marami namang tao rito sa’tin ang handang tulungan siya,” nakangiting wika ni Sonya.
“Sabagay tama ka riyan, Sonya. Ilang taon na ba iyang si Steven? Baka gusto niya’y ipa-asawa ko na lang itong tamad kong dalaga sa kaniya,” ani Lorena na ang tinutukoy ay ang panganay na anak.
“Sa’king tantiya’y nasa bente pa mahigit.”
“Ayy! Sakto! Pakisabi sa kaniya na kung gusto niyang mag-asawa’y narito ang anak ko. Siguradong hindi siya iiwan nito, tamad nga ‘tong maglinis ng bahay e. Malamang tamad din ‘tong umalis at iwanan siya,” biro pa ni Lorena.
Makalipas ang dalawang Linggo’y naasikaso na nga nina Fabio at Steven ang mga papeles na kakailanganin nito pauwi sa pinanggalingang bansa.
“Oh! Steven, few more days and you will go back to your home town huh,” natatawang wika ni Fabio, ingles barok na salita.
“Thank you so much, Fabio and to your whole family. If Tatay Ernesto didn’t find me. I don’t know where am I now,” seryosong wika ni Steven.
Agad namang lumapit si Fabio sa kaibigan sabay tapik sa balikat nito. “It’s alright Steven, God know’s you have a good heart that’s why he let Tatay Ernesto finds you. Ahh, next time bro, if you really want to married a Filipina women, be more selective and choose wisely,” natatawang wika ni Fabio.
Aang dami niyang nais sabihin kaso limitado lamang ang english vocabulary na alam niya.
“I know, bro. I’ve learned so much from what Anna did to me,” malungkot na wika ni Steven. “Salamat at nakilala ko ang pamilya mo, Fabio. I promise to come back here in your country. And when it happens I know where to stay,” slang na tagalog ni Steven na animo’y may singaw sa dila.
“You are always welcome my friend,” ani Fabio saka tumawa at tinapik ang balikat ni Steven.
Makalipas ang limang araw ay nakauwi na rin si Steven sa bansang pinanggalingan niya sa tulong ng mga opisyal sa Barangay nila at siyempre sa tulong na rin ni Fabio at ng pamilya niya.
Nangako si Steven na babalik sa Pilipinas at nangakong hinding-hindi puputulin ang komunikasyon nito sa kanila. Minalas man si Steven na makatagpo ng Pilipinang tunay na magmamahal sa kaniya, sinuwerte naman siyang makatagpo ng pamilya rito sa ‘Pinas.
Pinabayaan man siya ng babaeng lubos niyang pinagkatiwalaan at minahal, tapos inubos lang ang dala niyang pera dahilan upang maging palaboy siya at nagmukhang taong grasa. Sinuwerte naman siya mula ng matagpuan siya ni Tatay Ernesto at bukas palad siyang tinulungan ng pamilya nito na walang hinihinging kapalit.
Kaya walang rason upang magtanim siya ng sama ng loob sa mga Pilipino. Minalas siya sa iisang tao, ngunit ang kapalit naman niyon ay higit pa.

Ginamit ang mga Larawan niya Upang Manloko ng Ibang Tao; Ito pala ang Magiging Tulay Upang Makilala niya ang Lalaking Magmamahal sa Kaniya Habang Buhay
