Isang Sandata Lamang ang Laging Hawak Ngayon ng mga Bayaning Frontliner; Ano Kaya Iyon?
Kanina pa nakatayo si Police Inspector Velasquez at ang mga kasama niyang pulis sa gitna ng daan habang tirik na tirik ang araw. Bukod sa kanilang mga pulis ay may mga kasama rin silang nurse na nag-che-check ng body temperature ng mga tao.
“Sir tubig po oh,” abot ni Jao ng isang mineral water sa mga kasamang nagbabantay sa daan.
Isang tanod si Jao kaya ito madalas ang nag-aalaga sa mga kasamahang frontliner.
“Salamat, Jao. Ang init-init talaga ngayon, kasi bukod sa summer e, mainit rin itong PPE na suot natin,” wika ni Poice Inspector Velasquez.
“Tama ka d’yan sir. Ang init na nga ng panahon napaka-init pa ng suot natin. Kasi ito ang kailangan natin sa ngayon upang ma-protektahan ang sarili natin sa kumakalat na virus,” wika ni Beatriz, ang nurse.
“Sana matapos na ang pandemyang ito ma’am, para bumalik na sa dati ang lahat,” malungkot na wika Jao.
“Sana,” sabay-sabay na wika ng lahat.
Mahaba pa ang araw. Kapag naman lumubogbang araw ay hindi rin sila pwedeng umuwi sa mga pamilya nila, dahil ayaw naman nilang isugal ang kalusugan ng mga mahal nila sa buhay.
“Pastora, magandang umaga po,” masiglang bati ni Nurse Beatriz kay Pastora Jane.
Kilala si Pastora Jane sa Barangay na ito dahil sa mabuting ugali nito at halos lahat ng taong nadadaanan nito, kilala man o hindi ay ipinagdadasal nito palagi at laging pinaaalalahanan ng mga salita ng Diyos.
At iyon ang kailangan ng lahat sa panahong ganito. Kailangan mo ang Diyos at ng kaniyang salita upang ipaalala na nar’yan lamang siya at hindi tayo pinapabayaan.
“Maayos naman ako. Kayo ba rito?” Nag-aalalang tanong ni Pastora Jane.
“Ito po ilang araw na ring hindi nakakauwi sa mga pamilya namin at nakikipagsapalaran pa rin kami sa buhay sa kabila nang alam naman nating delikado tayo ngayon dahil sa pandemya,” malungkot na wika ni Police Inspector Velasquez.
“Tama ka d’yan sir. Napakadelikado talaga ng panahong ito. Hindi natin nakikita ang ating kalaban,” sang-ayon ni Pastora Jane. “Pero kahit gano’n pa man ay napakalaki ng pasasalamat namin sa inyo. Kasi kahit alam ninyong pwede kayong mapahamak sa ginagawa ninyong pagbabantay ay naririto pa rin kayo at ginagawa ang trabaho niyo,” ani Pastora Jane.
“Mahirap po talagang mawalay sa mga kaniya-kaniya naming pamilya pastora. Sa totoo nga po ay miss na miss ko na ang mga anak ko pero kailangan kong magsakripisyo. Kasi kung hindi ako magsasakrispisyo baka sila naman ang mapahamak,” wika naman ni Nurse Beatriz.
“Huwag naman sana. Alam niyo sa ganitong panahon ay wala talaga tayong ibang sandata kung ‘di ang magdasal nang magdasal at mas tibayan ang pananampalataya natin sa kaniya.
Maaari nating isipin na isa lamang ito sa pagsubok na ibinigay ng Panginoong Diyos para mas manalig at magtiwala tayo sa kaniya. Minsan kasi ay nakakalimot talaga tayong mga tao na nariyan lang siya palagi. Isipin niyo na lang na ang nangyayaring ito ay panggising lamang niya sa mga tulog na pananampalataya natin,” mahabang paliwanag ni Pastora Jane.
“Nananalig po kami sa kaniya pastora, lalo na sa mga ganitong pagkakataon. Makasalanan ang lahat ngunit napakabuti ng puso ng ating Ama, upang tanggapin at patawarin niya ang mga kasalanan ng kaniyang mga mahal na anak,” wika naman ni Jao na kanina pa nakikinig sa usapan.
“Tama ka d’yan hijo,” nakangiting wika ng pastora.
“Pastora, maaari niyo ba kaming samahan sa aming pagdadasal?” ani Police Inspector Velasquez.
“Sure, isang karangalan sa’kin ang hinihingi niyo sir,” nakangiting wika ng pastora saka inutusan ang lahat na yumuko at nagsimulang magdasal.
“Almighty God, our Father in Heaven, this week, we Your children enter into the most solemn time of the liturgical year. We pray You protect everyone throughout the world from the present angel of illness and dea*th. Welcome into your kingdom all those who have fallen asleep in the Lord from this disease. Finally, may the Most Holy Mother of God extend her blessed mantle of protection over all of us. Almighty Lord, we humbly beseech You to hear and grant our prayer. Amen”
Nang matapos magdasal si pastora ay nagpasalamat agad sila rito saka nagpaalam. Malaking bagay na rin ang dasal at salita ng Diyos na hahawakan nila bilang sandata sa araw-araw na pakikipagsapalaran nila sa kalabang hindi natin nakikita.
Sa mga ganitong panahon ay mas tibayan ang paniniwala, pananalig, pananampalataya at huwag mawalan ng pag-asa na matatapos rin ang lumalaganap na pandemya at krisis sa mundo.
Dasal lang talaga ang tanging sandata na kailangan mong bitbitin, panlaban sa nangyayaring ito.