Labis na Nagtaka ang Dalagang Ito sa Mahabang Paghihinagpis ng Ina, May Ibang Rason Pa Pala

“Mama, limang buwan na ang nakalilipas simula nang mawala si papa. Siguro naman po, maaari na tayong magsimulang ulit. Tama na po ang pag-iyak niyo araw-araw. Siguro naman po, pupwede ka na ring lumabas dito sa silid mo at ipagpatuloy ang sarili mong buhay,” payo ni Preya sa kaniyang ina, isang umaga nang makita niya na namang itong nakabaluktot sa sariling kama at umiiyak.

“Hindi ko alam, anak, hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil hinayaan kong mangyari iyon,” sambit nito sa gitna ng mga paghikbi dahilan upang pansamantala niya munang ilapag sa lamesa ang dala-dala niyang kape.

“Wala ka namang kasalanan sa pagkawala ni papa, mama, eh. Nawala siya dahil sa sakit niya simula pa lang noong bata siya. Kailan nating tanggapin ‘yon at magpatuloy sa buhay,” wika niya saka niya ito mahigpit na niyakap mula sa likuran.

“Napakabilis ng mga pangyayari, anak, ayoko nang ganito. Wala akong magawa,” iyak pa nito habang yakap-yakap ang unang may damit ng kaniyang ama.

“Wala po tayong magagawa kung mabilis siyang binawi sa atin, mama. Kaya, pwede ba, lumabas ka na sa kwartong ito? Pangako, kahit saan mo gusto, sasamahan kita,” sambit niya saka niya ito pinilit na maupo.

“Hindi mo ako naiintindihan, anak,” tugon nito.

“Iintindihin kita, mama, sabihin mo lang sa’kin lahat,” sabi niya saka niya ito tignan sa mga mata at pinainom ng kapeng pinagtimpla niya habang patuloy pa rin ito sa pagluha.

Hindi madali para sa dalagang si Preya ang pagkawala ng kaniyang ama.

Advertisement

Bukod kasi sa malapit ang loob niya rito, ito pa ang tanging nagpapasaya sa kanilang pamilya. Maloko kasi ito at palaging nakangiti dahilan upang kahit pagod siya galing paaralan, kapag makita niya lang ang ama niyang ito na masayang nagkakape o nanunuod ng telebisyon kasama ang kaniyang ina, napapawi lahat ng kaniyang pagod at agad na napapalitan ng kasiyahan.

Lalo pa siyang nahihirapang makausad sa pagkawala nito dahil araw-araw niyang nasisilayan kung paano maghinagpis ang kaniyang ina. Tila sinisisi kasi nito ang sarili sa pagkawala ng kaniyang ama na hindi niya lubusang maintindihan dahil ang pagkakaalam niya, at base sa ospital, ito ay yumao dahil sa sakit nito sa baga na simula pagkabata, iniinda na nito.

Sa katunayan, kahit pa limang buwan na ang nakalipas simula nang mawala ang kaniyang ama, wala pa ring araw na hindi niya nakikitang umiiyak ang kaniyang ina. Kung minsan pa, sa gitna ng kanilang pagkain, bigla na lamang itong iiyak sa hapag-kainan. Nagtataka man siya sa labis na paghihinagpis nito, inuunawa niya na lamang dahil alam niya kung gaano kamahal ng kaniyang mga magulang ang isa’t-isa.

Noong umagang iyon, pinilit niyang lumabas ang kaniyang ina at pinagmaneho niya ito patungong Tagaytay. Tahimik lang ito habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at habang ninanamnam ang lamig ng panahon dito.

Maya maya, napabuntong hininga na lamang siya nang makitang may tumulo na namang luha sa mata ng kaniyang ina dahilan upang yakapin niya ito nang mahigpit. 

“Kahit siguro ikaw, hindi mo ako mapapatawad kapag nalaman mo ang ginawa ko,” sambit nito dahilan upang labis na siyang magtaka.

“Ano pong ibig niyong sabihin? Sabihin niyo na po sa’kin, mama,” sagot niya dahilan upang humarap ito sa kaniya at labis na humagulgol.

“Noong araw na mawala ang tatay mo, sobrang lungkot ko, nagkulong ako sa kwarto no’n habang nasa morgue ka at inaayos ang papeles niya.

Advertisement

Dumating sa bahay ang kapatid ng papa mo, niyaya niya akong uminom at may nangyari sa amin, anak,” sambit nito habang humagulgol dahilan upang manlambot siya, “Pinigilan ko siya sa abot ng makakaya ko pero sinaktan niya ako at pinagbantaan. Alam kong magagalit ang ama sa ginawa niyang iyon kaya nagkakaganito ako,” dagdag pa nito dahilan upang mapaluhod na lamang siya sa lupa.

Hindi man niya alam ang sasabihin sa ina, alam niya namang nakaranas ito ng pananamantala dahilan upang agad siyang magtungo sa pulis at ito’y isuplong.

Mabuti na lang talaga at may CCTV camera sa silid ng kaniyang mga magulang. Pinasadya ito ng kaniyang ama kahit na pribadong silid ito dahil nandito lahat ng kanilang yaman. Malaki ang naitulong ng bidyong nakuhanan sa pagpapadaling maipakulong ang tiyuhin niyang iyon. 

“Kaya pala ganoon na lang ang pag-iyak ng nanay ko. Nakausad man siya sa pagkawala ng tatay ko, hindi niya matanggap ang pambababoy mo!” sambit niya sa tiyuhin niyang iyon na nakakulong na sa presinto.