Palagi Niyang Isinasama ang Limang Taong Gulang na Anak sa Tuwing Siya’y Maglalako ng Paninda; May Pag-asa pa Kayang Gumaan ang Bigat na Kaniyang Pinapasan sa Araw-Araw?

“Papa, inaantok po ako,” wika ni Selena ang nag-iisang anak ni Simon.

Limang taong gulang pa lang ngayon ang anak niyang si Selena, dalawang taon ito nang pumanaw ang kaniyang asawang si Bebe. Pagtitinda ng kung ano-ano lamang ang pinagkukuhanan niy ng pagkain nilang dalawa. Bitbit ang mga paninda, habang kasa-kasama niya ang anak.

“Sige, hanap muna tayo ng mapu-pwestuhan, ‘nak. Iyong makakasilong tayo para makatulog ka nang maayos. Antok na antok ka na ba?” malambing na wika ni Simon.

Agad namang tumango si Selena. Namumungay na ang mga mata nito sa antok. Ngumiti si Simon upang maghanap ng masisilungan. Ninais man niyang iwanan ito sa bahay ay hindi maaari. Walang makakasama si Selena sa bahay nila at baka mapahamak lang ito.

Kaya kahit mahirap at alam niyang mapapagod ang anak ay pinipili ni Simon na dalhin ito habang nagtitinda siya. Sa gano’ng paraan ay alam niyang mas ligtas ito, kasama siya.

Nang makahanap ng masisilungan ay agad siyang huminto. Inilapag ang mga panindang dala at hinanapan ang anak ng mahihigaan. Kinuha niya ang saping palaging dala at inilatag upang higaan ng anak. Nang matapos ay agad niyang pinahiga si Selena. Wala pang ilang segundo ay nakatulog agad ito.

“Anak niyo, kuya?” Tanong ng isang babaeng namimili sa kaniyang inilalatag na paninda.

“Opo. Inantok habang naglalako kami, kaya ayan, pinatulog ko muna,” nakangiting sagot ni Simon.

Advertisement

“Kawawa naman,” anito. Kita ang awa at simpatya sa anak na mahimbing na natutulog. “Nasaan po ba ang mama niya, kuya?”

“Tatlong taon na ang nakakalipas ng pumanaw ang asawa ko. Mula noong nam@tay ang asawa ko’y ako na ang kumakayod at nagbabantay sa anak ko.

Kaysa iwanan siyang mag-isa sa bahay ay minabuti ko na lamang na dalhin siya sa kung saan ako magpunta. Mahirap pero dito kami nabubuhay sa paglalako ko ng mga paninda,” paliwanag ni Simon.

Matapos nilang magkwentuhan at matapos magbayad ay hiningi muna nito ang kaniyang selpon number at kung saan sila nakatira.

Nakangiti namang ibinigay iyon ni Simon. Hindi na inisip pa ang pangakong binitawan nito. Nang magising ang anak ay muli namang naglako si Simon.

Makalipas ang dalawang Linggo ay nagulat si Simon ng may biglang tumawag sa kaniya. Nagpakilala itong si Ara, ang babaeng minsan niyang nakakwentuhan. Sinabi nito ang dahilan ng biglaang pagbisita at nagulat siya sa dala ng dalaga.

“Ipinagawa ko po iyan, Kuya Simon, para hindi mo na kailangang maglakad habang naglalako,” nakangiting wika ni Ara.

Ibinigay ng dalaga sa kaniya ang isang tindahan na mayroong padyak sa gilid. Maari niyang isabit at ilagay roon ang kaniyang mga inilalakong paninda, habang pinapadyak iyon.

Advertisement

“Sa ilalim po niyan ay pwedeng d’yan matulog ang anak niyong si Selena. Para kahit antukin siya’y hindi niyo na kailangang huminto sa pagtitinda,” nakangiting wika ni Ara.

“Wala akong masabi, hija. Nahihiya ako’t nagpapasalamat sa kabilang banda. Pinapagaan mo ang bigat na dala ko, pero alam kong mahal ang pagpapasadya nito,” mangiyak-ngiyak na wika ni Simon.

“Marami naman po ang tumulong sa’kin, Kuya Simon. Naging daan lamang ako upang matupad at mapagawa ito para sa’yo. Nang makita ko kayo ng anak mo habang naglalako ka’y naawa ako sa’yo.

Inisip kong ang hirap ng buhay niyo at kailangan mo pa talagang isama ang anak mo sa paglalako. Mas na habag ako ng malaman ko ang kwento ng buhay mo. Kaya gumawa ako ng paraan upang mangyari ang ipinangako ko sa’yo, bago ako umalis sa araw na iyon.

At salamat sa Diyos dahil may mga kagaya ko pa ring tao sa mundo. Mga taong may malalambot na puso at handang tumulong na walang hinihinging kapalit. Hindi ko po magagawa ito kapag wala sila,” nakangiting paliwanag ni Ara.

Hindi na napigilan ni Simon ang umiyak. Salamat sa mga taong handang tumulong kahit hindi naman niya ito mga kaano-ano. Hindi niya kilala kung sino-sino ang mga ito pero labis siyang nagpapasalamat sa mga ito. Hulog ito ng langit para sa kaniya.

“Maraming-maraming salamat, Ara, kasama ang mga taong tumulong sa’yo upang mapagawa ito. Hulog kayo ng langit sa’min ng anak kong si Selena. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik sa inyo ang pabor na ginawa niyo sa’min ng anak ko. Diyos na lang ang bahalang magbiyaya sa inyo nang higit pa sa ibinigay niyo sa’kin, Ara,” taos-pusong wika ni Simon.

Bago umalis si Ara ay iniwanan siya nito ng pinansyal na suporta na mas laking tulong para sa kanilang mag-ama.

Advertisement

May mga tao talaga tayong makikilala na parang ibinigay ng Diyos upang magbigay rin sila sa’tin ng biyaya. Salamat kay Ara, kahit papaano’y gumaan ang bigat na pasanin niya sa araw-araw.