Nais Tuldukan ng Babae ang Buhay ng Sanggol na Dinadala Dahil Ayaw Siyang Panagutan ng Ama Nito; Matuloy Kaya ang Masamang Plano?
Labing walong taong gulang si Dianne nang magbuntis siya nobyo na katawan lamang ang habol sa kaniya.
“Hindi! Hindi ko papanagutan ang batang iyan! Wala naman sa plano natin ‘yan ‘di ba?” sigaw ng lalaki.
“Pero anong gagawin ko? Nabuo na ito. ‘Wag mo naman akong iwanan ng ganito,” lumuluhang tanong ni Dianne.
“Ipalagla*g mo. Kung gusto mong maging maayos tayo, ipatanggal mo iyan! Wala akong ipapalamon sa inyo. Estudyante pa tayo parehas e,” seryosong sagot ng binata.
Hindi matanggap ni Dianne ang mga sinasabi ng nobyo. Totoo na estudyante pa lamang sila at walang sapat na pera upang sumuporta ng sanggol, subalit alam niyang mali na kumuha ng buhay, mali ang magpalagla*g.
Walang ibang matakbuhan si Dianne. Kaya tulala siyang umuwi. Hindi sinasadyang nakabungguan niya ang kababata at matagal nang manliligaw na si Terrence.
“Dianne, ayos ka lang ba? Anong nangyari sa iyo?” tanong ng binate.
Tanging mga luha lang ang naisagot ng dalaga.
“Pinaiyak ka na naman ba ng boyfriend mo? Lagi ka na lang sinasaktan ng lokong ‘yun ah! Resbakan ko na ba?” pagbibiro ng lalaki ngunit hindi umubra sa dalaga.
“Buntis ako, Terrence. Nagkamali ako at ibinigay ko ang lahat pero ayaw niya akong panagutan!” pagtatapat ng dalaga.
May kaunting kirot sa puso nang marinig ito ng binata. Matagal na niyang gusto ang dalaga tapos malalaman niyang ganoon lamang ang kahahantungan nito.
“A-anong sabi ng nobyo mo?”
“Ipalagla*g ko raw ang bata…”
“G*go pala talaga iyang nobyo mo e!” gigil na sabi ni Terrence.
“Sorry, Terrence. Aalis na ako!” tumayo si Dianne at saka nagmadaling lumakad pauwi.
Napaawa lamang si Terrence sa sinapit ng kababata. Kung siya na lang sana ang pinili noon ng dalaga, baka sakaling mas maayos ito ngayon at hindi umiiyak.
Isang linggo nag-iisip at hindi makatulog ang dalaga. Dumagdag pa ang nobyo niyang nahuli niya na may ibang babae sa kwarto. Kaya ngayon, hindi na alam ni Dianne kung ano na ang susunod na gawin.
Ayaw niyang iwan ang kasintahan, pero hindi rin naman niya kayang ipatangal ang sanggol sa tiyan niya. Kaya gulong-gulo siya sa dapat na maramdaman. Ibinigay na niya ang lahat-lahat kaya ngayon, wala nang natira sa kaniya.
Sira na ang buhay ni Dianne at pati na pag-aaral niya ay maaapektuhan. Wala na siyang ibang paraan kundi ang ipalagla*g nga ang bata. Mabuti na iyon hangga’t wala pang ibang nakakaalam sa pamilya niya at habang maliit pa ang tiyan niya.
Kilala sa kabilang barangay ang matandang babaeng eksperto sa pagpapalagla*g ng bata. Inalam ni Dianne ang buong detalye tungkol dito at lakas-loob na nagtungo doon.
“Pasensiya na, anak. Hindi ka pa man nakakasilay sa mundo mararanasan mo na agad ang kasamaan ng tao,” malungkot na bulong ni Dianne habang nakahawak sa sinapupunan.
Mahigit tatlong oras na nag-intay ang dalaga sa tagong klinika. Maga na ang mga mata niya sa sobrang pag-iyak dulot ng takot at lungkot na nadarama.
“Diyos ko… Mapatawad Ninyo sana ako sa gagawin kong ito. Tulungan Ninyo po ako,” taimtim na panalangin ng dalaga.
“Ma’am, kayo na po ang next. Pasok na po!” pagtawag ng nars doon.
Tumayo si Dianne at naglakad nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
“Dianne… Alam ko kung nasaan ka. Pakiusap ‘wag mong ituloy. Biyaya ang sanggol na iyan! ‘Wag kang magpadala sa takot o sa sulsol ng ex mo. Please, Dianne. Narito ako sa labas. Iniintay kita,” sabi ni Terrence.
Nakita kasi ng binata si Dianne noong umaga na tulalang umalis at tila ba malayo ang iniisip. Nagkaroon siya ng masamang kutob kaya sinundan niya ito. Hindi naman napansin ng dalaga iyon dahil nga sa problemang kinakaharap.
“I’m sorry…” iyan lamang ang tanging nasambit ng babae.
“Alam kong nahihirapan ka na, pero walang kasalanan ang sanggol sa pagkakamali ninyo. Dianne, halika na, iintayin kita rito. ‘Wag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo,” mungkahi pa ng binata.
Ibinaba ni Dianne ang tawag at tumingin sa nars. Habang pumapatak ang luha ay kaniyang kinausap ito.
“Nars, hindi ko po kayang ituloy. Hindi ko kayang gawin… I’m sorry,” madiing wika ng dalaga.
Ngumiti na lamang at tumango ang nars at saka siya tinapik sa balikat. “Tama ang desisyon mo. Maging matatag ka at maging mabuting ina. Kaya mo iyan,” mahinang bulong sa kaniya ng nars.
Tumango si Dianne at nagpasalamat. Kinuha niya ang bag niya at nagmamadaling lumabas ng klinika. Sasabihin na lamang niya ang totoo sa magulang. Mas mabuti na iyon.
Paglabas ng babae ay nakita kaagad niya si Terrence na nag-iintay doon. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Ayos ka lamang ba? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ng lalaki.
“Hindi… hindi ko kaya…” umiiyak na tugon naman ng babae.
Napangiti na lamang ang lalaki at saka niyakap ng mahigpit si Dianne.
“Wag ka nang malungkot. Tutulungan kita. Dianne, alam mo naman ang totoong nararamdaman ko sa’yo, hindi ba? Bata pa lamang tayo ay gusto na kita. Ako ang aako ng batang dinadala mo.”
“A-anong ba iyang sinasabi mo Terrence? Nahihibang ka na ba?”
“Iyon lamang ang magagawa ko para sa inyo ng magiging sanggol. Hayaan mong ako na ang maging ama niya. Aalagaan ko kayo. Alam kong hindi moa ko mahal, pero papatunayan ko na karapat-dapat ako. Ako na ang bahala,” pahayag ng binata.
Umuwi si Dianne na kasama si Terrence at doon ipinagtapat nila sa magulang ng babae na buntis si Dianne. Pero nanindigan si Terrence na susuportahan niya ang pagbubuntis ng babae pati na ang mga pangangailangan nila ng sanggol.
Wala naman din magawa ang mga magulang ni Dianne kundi pumayag dahil kailangan mapanagutan ang anak nila. Isa pa, maayos naman ang pamilya ni Terrence at mabait ang lalaki kaya hindi sila mag-aalala.
Maluwag rin ang naging pagtanggap ng magulang ni Terrence sa naging desisyon ng anak at nangakong magbibigay ng suporta.
Tumigil muna si Dianne sap ag-aaral habang si Terrence ang nagpatuloy. Napakabait ni Terrence at talagang maalaga ito. Hindi rin naiwasan mahulog ang loob ni Dianne dahil doon.
Nanganak si Dianne sa isang malusog na sanggol na pinangalanan nilang Jesse na ang ibig sabihin ay biyaya o regalo sa Bibliya.
Makalipas ang tatlong taon ay nagpakasal na rin sina Terrence at Dianne. Ang lalaki ang kinilalang tunay na ama ni Jesse at lubos naman ang kaligayahan na kanilang tinatamasa sa piling ng isa’t isa.
Nasagip si Dianne mula sa isang maling desisyon noon nang dahil kay Terrence. Kahanga-hanga ang lalaking iyon dahil sa tapang at pagtanggap na pinakita nito. Ngayon ay mas sasaya na sila dahil lalaki na ang kanilang pamilya, tatlong buwan na kasing buntis si Dianne sa pangalawang supling nilang mag-asawa!