Inday TrendingInday Trending
Hinusgahan ang Babae Dahil Bigla na Lamang Nitong Iniwan ang Kaniyang Asawa; May Mabigat na Dahilan Pala Ito

Hinusgahan ang Babae Dahil Bigla na Lamang Nitong Iniwan ang Kaniyang Asawa; May Mabigat na Dahilan Pala Ito

Nagulantang na lang ang buong pamilyang Hernandez nang biglang dumating si Georgina sa bahay nila bitbit ang dalawa nitong anak.

“Georgina, biglaan yata ang pagdalaw mo. Hating gabi na anak,” naguguluhang wika ng kaniyang butihing ina na si Perla.

“Mula ngayon mommy ay dito na ulit ako titira kasama ang mga anak ko,” diretsong wika ni Georgina.

“Ha? Pero bakit naman? Naghiwalay na ba kayo ni Samuel?” Sunod-sunod na tanong ng ina.

“Nagsasawa na akong makasama siya, mom. Basta… ayoko nang mag-explain.” Iwas ni Georgina sa usapan. “Inaantok na ang mga anak ko kaya aakyat na kami sa dati kong silid,” anito at walang sabi-sabi ay nilampasan ang ina.

Ilang araw na rin mula noong umalis si Georgina kasama ang mga anak niya sa bahay nila ni Samuel. Mukhang nakarating na nga yata ang masamang balita sa pamilya ng asawa niya kaya heto ngayon ang pamilya nito. Kini-kwestyon ang kaniyang naging desisyon sa pag-iwan sa anak nitong si Samuel.

“Masyado ka naman yatang naging padalos-dalos, Georgina. Sana inisip mong mabuti nang isang daang beses kung anong mangyayari kapag nasira ang pamilya mo,” puno ng hinanakit na wika ng ina ni Samuel.

“Georgina, ang pag-aasawa ay pang-habambuhay. Hindi por que nagsawa ka na sa asawa mo at hindi ka na masaya ay basta-basta mo na lamang itong hihiwalayan. Alalahanin mo, nangako kayo sa harapan ng Diyos Ama, na magsasama hanggang sa huling hininga. Tapos ano ngayon? Nagsawa ka lang ay iiwanan mo na ang anak ko. Dala-dala mo pa ang mga apo ko!” galit na wika ng ama ni Samuel.

“Sabagay! Ano ba naman ang inaasahan niyo sa isang spoiled brat?” segunda naman ng kapatid ni Samuel.

Kahit kailan talaga ay may pagka-kontrabida rin itong hipag niya, kahit noon pa. Nginitian niya ito bago nagsalita. “Sabagay. Sino ba sa’ting dalawa ang spoiled brat? Hindi ba’t ikaw iyon, Samantha?” Nang-iinis niyang wika.

Spoiled brat siya dahil nag-iisang babae siya sa pitong magkakapatid na lalaki. Pero mula noong napangasawa niya si Samuel ay sinikap niyang baguhin ang mga bagay na nakasanayan niya. Nagpakatino siya, tapos susuklian lamang siya nang panloloko ni Samuel.

“Alam niyo po? Hindi ako ang dapat kinakausap ninyo tungkol sa bagay na iyan,” kalmadong wika ni Georgina. “Hanggang sa huli ay nais ko pa rin pong hindi maging masama ang tingin ng pamilya ko kay Samuel, kaya ginagawa ko ang lahat upang pagtakpan siya, kahit na ako pa ang lumabas na masama. Ngunit pa, dapat sa anak mo mismo sabihin ang mga sinabi mo sa’kin kanina. Malay niyo mahimasmasan siya,” nanatili pa ring kalmado ang boses niya kahit na ang totoo ay naiinis na siya.

“Bakit si Samuel ang kakausapin namin kung ikaw itong tila wala nang pag-ibig na basta-basta na lang umalis,” sagot naman ng ina ni Samuel.

“Alam mo ba ang sinasabi sa’yo nang ibang tao? Irresponsableng asawa ka raw,” segunda naman ng kapatid.

Lahat ay may sinasabi tungkol sa ginawa niya. Kini-kwestyon siya at nais pang kunin ang kaniyang dalawang anak, dahil baka pati raw ito ay iwanan na lamang niya bigla. Nanatiling tahimik at mapagmasid lamang ang kaniyang pamilya. Magulo na ang lahat ayaw na niyang dumagdag pa ang mga ito.

Maya-maya ay biglang pumasok ang pamilyar na anino ng lalaki— si Samuel, ang kaniyang asawa. Sa wakas! Umuwi na rin ito matapos ang isang buwan na walang paramdam sa kanila.

“Oh! Nandito na pala ang asawa ko,” tabinging ngiting sambit ni Georgina. “Samuel, bakit hindi mo ipaliwanag sa pamilya mo kung bakit mas pinili ko ang iwanan ka.”

“Georgina, pag-usapan natin ‘to na tayo lang,” nakikiusap na wika ni Samuel.

“No! Tutal nandito na rin naman kayong lahat. Sige! Aamin na ako, kung bakit nawala na nang tuluyan ang pagmamahal ko kay Samuel,” matapang niyang wika.

“Hindi ba’t lagi mong ginagawa ang umalis nang hindi ko alam kung saan ka pupunta. Ilang buwan kang nawawala, na akala ko p*tay ka na. Tapos bigla ka na namang susulpot na parang walang nangyari.

Sa t’wing umaalis ka ay wala kang binibigay sa’min ng mga anak mo. Kaya madalas wala kaming nakakain, kung ‘di pa ko manghihingi sa magulang ko. No’ng una hinayaan kita, kasi inisip ko baka business trip lang. Baka may inaasikaso ka lang. Pero malalaman ko na lang Samuel, na nag-eenjoy kang mambabae, at sino-sino na lang ang babae mo sa t’wing umaalis ka!

Mas masaklap pa dahil nitong huli, pati b*kla ay pinapatulan mo na. Tao ka pa ba?” Mangiyak-iyak na rebelasyon ni Georgina.

“Georgina, patawarin mo ako,” nakaluhon at umiiyak na wika ni Samuel.

“No! Nandidiri na ako sa’yo. Hindi na kita kaya pang makasama, ayaw ko nang makita ka!” Singhal niya. “Iisa na lang ang pakiusap ko, Samuel. Maghiwalay na tayo at magkalimutan na lang nang tuluyan,” aniya at walang ano-ano ay tinalikuran ang asawa.

Kung kanina ay labis nilang sinisisi si Georgina, dahil sa walang dahilang pang-iiwan nito kay Samuel. Ngayon naman kasali ang pamilya niya’y galit ang lahat sa lalaki.

Minsan ang mga babae, kahit nasasaktan na ay nagagawa pa rin nilang protektahan ang taong minamahal nila, kahit pa sa kanila mabuntong ang sisi ng madla. Sa sitwasyon ni Georgina, tama na rin ang ginawa niyang rebelasyon sa harap ng bawat pamilya. Ngayon ay kailangan niyang maging mas matibay at unahin ang kapakanan ng mga anak niya, at hindi ang pagtakpan ang kalokohan ng asawa niya.

Advertisement