Inday TrendingInday Trending
Pakiramdam ng Babaeng Ito ay Mapalad Siya sa Kaniyang Napangasawa; Doon Siya Nagkakamali Dahil Hindi Pala

Pakiramdam ng Babaeng Ito ay Mapalad Siya sa Kaniyang Napangasawa; Doon Siya Nagkakamali Dahil Hindi Pala

“Ibibigay ko ang lahat ng mga bagay na makapagpapasaya sa iyo, mahal ko. Huwag kang mag-alala. Magtiwala ka lamang sa akin. Paliligayahin kita. I love you…”

“Yes!”

Hindi matangkalang hiyawan ang narinig. Kinuha ni Morgan ang kamay ni Elisse at isinuot dito ang kaniyang singsing. Isang masuyong halik ang iginawad nila sa isa’t isa.

Balitang-balita ang nalalapit na kasalan nina Morgan at Elisse. Masaya si Elisse dahil sa lahat ng mga lalaking dumaan at umalis sa kaniyang buhay, tanging si Morgan lamang ang nakita niyang iginalang ang pagkababae niya.

Sa tatlong taon na naging sila, hindi nito hiniling sa kaniya na makuha ang pagkababae niya. Nagkakasya lamang sila sa pahalik-halik, payakap-yakap, subalit hindi nito kailanman sinabi sa kaniya na ibigay ang sarili sa kaniya, na kung tutuusin ay puwede naman nilang gawin.

Nasa hustong gulang na naman sila pareho. Hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. 28 si Morgan, 26 si Elisse.

Matuling dumaan ang ilang buwan hanggang sa mangyari na nga ang pinakaaabangan ng lahat nilang mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala: ang kanilang pag-iisang dibdib.

Matapos ang programa sa reception, isa-isang inestima nina Morgan at Elisse ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho na imbitado nila.

“Elisse, puwede ka bang makausap?”

Napatingin si Elisse sa pinsan ni Morgan na si Adriana. Mukhang seryoso ang mukha nito.

“Ano’ng problema, Adriana?”

Inaya siya ni Adriana sa isang sulok na hindi matao upang malaya silang makapag-usap.

“Gusto lang kitang balaan…”

“Balaan? Kanino?”

Magsasalita pa sana si Adriana nang biglang dumating si Morgan.

“Mahal… nariyan ka lang pala. Anong ginagawa ninyo rito? Masinsinan yata ang pinag-uusapan ninyo?” nakangiting tanong ni Morgan, lalo na kay Adriana.

“Ah w-wala n-naman, Morgan, kuwan, binabati ko lang si Elisse bilang bagong miyembro ng ating pamilya,” tila nauutal na paliwanag ni Adriana.

Nagtataka naman si Elisse sa ikinilos ni Adriana. Palaisipan din sa kaniya ang babalang sinabi nito.

Matapos ang reception, sa wakas ay humupa na rin ang mga tao. Nagsiuwi na ang mga panauhin at mukhang nakaramdam na hindi na dapat pinapaabot ng gabi ang kasiyahin para sa unang gabi ng mag-asawa.

“Sa wakas, masosolo na kita,” bulong ni Morgan sa kaniyang misis. Agad na silang nagpalit ng karaniwang damit.

Binuhat na siya nito papasok sa kanilang hotel na tutuluyan, at wala itong pakialam kahit na pinagtitinginan sila ng mga panauhin at mga hotel staff. Hanggang sa loob ng elevator ay hindi siya nito ibinaba. Nakapagkit ang kanilang mga labi sa isa’t isa.

Literal na ibinalibag ni Morgan ang misis sa malaking kama ng kanilang hotel room. Nagsimula nang mailapag ang kanilang mga saplot sa sahig…

Narating nila ang rurok…

Ngunit nagulat si Elisse nang makatapos si Morgan. Nag-iba ang timpla ng mukha nito. Ngayon lamang niya nakita ang mabalasik na mukha nito, malayong-malayo sa mala-prinsipe at maamo nitong awra.

“Hindi pala ako ang nakauna sa’yo? Akala ko pa naman birhen ka! Pwe!” sabi nito.

“M-Mahal… hindi ba sinabi ko na sa iyo dati na naka-tatlong relasyon ako?” naninibagong sabi ni Elisse sa kaniyang mister.

“Oo, pero hindi ko naman akalain na nagpagalaw ka na sa kanila. Masarap ba sila, ha? Anong posisyon ang pinakamasarap gawin? Para kang isdang bilasa!” pang-uuyam ni Morgan kay Elisse. Kinuha nito ang alak na inorder nito at nagsimulang uminom.

Iyon na pala ang simula ng bangungot ni Elisse.

Ang inakala niyang perpektong lalaki para sa kaniya, ay may kakaiba palang kondisyon sa utak.

Tunay ngang makikilala mo lamang ang isang tao kapag nakasama na ito sa iisang bubong.

Ikinagulat ni Elisse ang mga kakaibang bagay na ipinapagawa sa kaniya ng mister sa tuwing magtatabi sila.

Nariyang babayuhin siya nito habang nasa loob siya ng refrigerator.

Tinatali ang kaniyang mga kamay at paa sa kama, at kung ano-anong bagay ang ipinapasok sa kaniyang pagkababae gaya ng saging, pipino, talong, ampalaya, at kung ano-ano pa.

Panghuli, nagsama pa ito ng dalawang kaibigang lalaki at inutusan ang mga ito na panoorin silang mag-asawa habang ginagawa ang bagay na iyon, na hindi na kinaya ni Elisse, kaya naman ginawa niya ang lahat upang makawala sa kaniyang asawa. Hindi naisakatuparan ang maitim nitong balak.

Agad siyang nagtungo kay Adriana at sinabi rito ang mga pinaggagawa ng pinsan nito.

“Iyon sana ang nais kong sabihin sa iyo, Elisse, noong nag-uusap tayo subalit biglang sumingit si Morgan,” pag-amin ni Adriana kay Elisse.

“Paano mo naman nalaman ang tungkol sa kaniya?”

“Marami nang nakarelasyon si Morgan na iyan ang reklamo sa kaniya, Elisse. Hindi ko sinabi sa iyo dahil sa pag-aakala kong magbabago pa siya. Ikaw lang kasi ang inalok niya ng kasal…”

Hindi kinaya ni Elisse na makisama pa kay Morgan kaya naman nakipaghiwalay siya rito sa pamamagitan ng annulment. Ayaw man ni Morgan, mas pinili na lamang nito ang ibigay ang gusto ni Elisse kaysa kasuhan pa siya ng iba pang kaso.

Makalipas ang ilang taon ay naging malaya na rin si Elisse matapos maaprubahan ang kanilang annulment. Ipinangako niya sa sarili na mas magiging maingat na sa pagpili ng taong makakasama niya habambuhay.

Advertisement