Inday TrendingInday Trending
Pinagtitiisan ng Dalaga ang Nobyo Alang-alang sa Hiling ng Ina Nito; Magagawa Niya Pa Kaya Ito Kahit Nasasaktan na Siya?

Pinagtitiisan ng Dalaga ang Nobyo Alang-alang sa Hiling ng Ina Nito; Magagawa Niya Pa Kaya Ito Kahit Nasasaktan na Siya?

Marami mang nakikitang kahina-hinala si Reah sa mga kinikilos ng kaniyang nobyo simula nang makabili ito ng condo sa Makati, ni minsan, hindi siya nakapagsabi rito. Bago pa kasi siya makapagbahagi ng saloobin niya, palaging sabat nito, “Kung mag-iinarte ka lang o gagawa ng bagay na pag-aawayan natin, manahimik ka na lang kung ayaw mong hiwalayan kita.”

Ito ang dahilan para kimkimin niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman sa lahat ng hindi magandang bagay na ginagawa nito sa kaniya. Unang-una na rito ang palagi nitong pagsama sa mga barkada nito para mag-inuman sa bar nang hindi nagpapaalam sa kaniya.

Sa katunayan, wala naman talagang problema sa kaniya ang paglabas nito upang makipag-inuman sa barkada. Ang tanging hiling niya lang rito ay magpaalam o magsabi sa kaniya. Kaya lang, madalas, nalalalaman niya na lang na nag-iinom ito sa iba’t ibang bar sa pamamagitan ng mga litrato nilalagay ng mga tropa nito sa social media.

Bukod pa roon, napapansin niyang mayroong dalaga na palagi nitong katabi sa mga litrato. Nagkokomento at nagla-like rin sa mga post nito ang nobyo niya dahilan para ganoon na lang siya maghinala.

Ngunit nang sabihin niya ito sa binata, ang sabi lang nito, “Kaibigan ko lang ‘yon. Isipin mo kung anong gusto mong isipin,” na lalong nagbibigay ng kaba at takot sa kaniya.

Kung tutuusin, matagal na naman niya talagang gustong hiwalayan ang binata. Hindi niya lang ito magawa dahil nangako siya sa nanay nitong nasa kabilang buhay na na aalagaan niya ito hanggang sa abot ng makakaya niya.

Kaya kahit anong hirap, sakit o pagkabaliw ang maranasan niya dahil sa mga kalokohan ng binata, lahat ito’y kaniyang tinitiis.

Isang araw, muli niyang naalala ang huling mga salitang binilin sa kaniya ng nanay nito bago tuluyang mawalan ng buhay.

“Kapag nararamdaman mong gusto mo nang iwan ang anak ko dahil sa ugali niya, isipin mong lalo siyang mawawala sa tamang landas kapag nawala ka sa buhay niya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, hija, ‘wag mo siyang pababayaan.”

Nang muli niyang marinig ang boses nito sa kaniyang isipan, siya’y agad na nagdesisyong puntahan ang binata sa condo nito.

Bumili rin siya ng mga pagkaing kanilang pagsasaluhan at naghanap sa internet ng pelikulang pupwede nilang panuorin.

“Tagal na rin ang nakalipas simula nang huli kaming makapanuod nang pelikula,” masaya niyang sabi habang nasa biyahe.

Ilang oras pa ang lumipas, tuluyan na nga siyang nakarating sa condo ng kaniyang nobyo. Kaya lang, nasa ikapitong palapag pa ito ng gusali kaya siya’y agad na nagmadaling sumakay sa elevator.

Kaya lang, pagkapasok niya, naroon din ang dalagang pinagseselosan niya at suot pa nito ang jacket at pajama na niregalo niya sa kaniyang nobyo. May bitbit-bitbit pa itong mga pagkaing paborito ng nobyo niya.

Labis man siyang nanghihina dahil sa mga nakita, kinumbinsi niya ang sarili na kumalma.

“Baka naman parehas lang sila ng damit. Baka rin dito rin siya nakatira, huwag ka agad magalit, Reah,” pagpapakalma niya sa sarili.

Kaya lang, pagkalabas niya ng elevator, lumabas din ito at nauna pang maglakad patungo sa condo ng kaniyang nobyo. Alam din nito ang password ng pintuan ng condo dahilan para agad itong makapasok.

“Hindi pa rin ba ako dapat magalit?” mangiyakngiyak na niyang sabi saka siya nagdesisyong buksan din ang pintuan, tutal alam niya rin ang password nito.

Nanginginig man at kinakabahan sa kung anong pupwede niyang makita sa loob nito, naglakas loob pa rin siyang buksan ito. Katulad ng kinakatakutan niya, nakita niyang magkayakap ang dalawa habang nanunuod ng pelikula.

“May magkaibigan pa lang nagyayakapan habang nanunuod ng pelikula,” sabi niya dahilan para makuha niya ang atensyon ng dalawa.

“Reah, hayaan mo akong magpaliwanag!” natatarantang wika ng binata.

“Siguro naman, hindi na magagalit sa akin ang nanay mo, ‘no? Ginawa ko naman ang lahat para manatili sa tabi mo pero patuloy mo akong tinutulak palayo,” aniya saka agad nang umalis sa naturang condo.

Mabigat man para sa kaniya ang ginawang pag-iwan sa binata dahil nga sa pangako niya sa nanay nito, mas pinili na niyang protektahan at mahalin ang sarili niya ngayon.

“Matagal ko na rin pong pinagtiyagaan ang anak niyo. Katulad po ng hiling niyo, inalagaan ko po siya sa abot ng makakaya ko. Kaya lang po, siguro, hanggang dito na lang po ang kaya ko,” magalang niyang sabi sa puntod ng ginang habang hinihintay niyang maubos ang tinirik niyang kandila.

Simula noon, tuluyan niyang nilimot ang lalaki at mas tinuon ang atensyon sa sarili na talagang nagbigay ng taos pusong saya at kapayapaan sa puso’t isip niya.

Advertisement