Inday TrendingInday Trending
Napakahilig Manilip ng Lalaking Ito; Nangilabot Siya nang may Kakaibang Masaksihan sa Maliit na Butas kung Saan Siya Gumagawa ng Kalokohan

Napakahilig Manilip ng Lalaking Ito; Nangilabot Siya nang may Kakaibang Masaksihan sa Maliit na Butas kung Saan Siya Gumagawa ng Kalokohan

Likas na sa ugali ni Berto ang pagiging many*ak. Ilang beses na siyang naging laman ng barangay dahil sa pambabastos sa mga kababaihan. Kung minsa’y sapilitan pa niyang kinukuha ang numero ng babae at saka hahaplusin ang hita o kaya naman mga braso.

Kolehiyo si Berto nang palipatin siya ng kaniyang magulang sa Maynila upang doon mag-aral. Paraan na rin para kung sakali man, e magbago ang bastos na pag-uugali ng binata.

Bago pa lamang si Berto sa Maynila noon. Sa isang lumang paupahan siya tumuloy. Wala naman kakilala o malapit na kamag-anak doon, kaya mas pinili niyang mag bed space na lamang.

Luma na talaga ang paupahan. Papasa na rin itong haunted house dahil sa nakakakilabot na awra, pero dahil iyon ang mura, iyon ang pinili ni Berto. Kukupitin na lamang niya ang sosobra sa ibibigay ng magulang. Mukhang wala rin naman siyang magiging problema.

“Mukhang maraming chikabebot rito ah? Pag sinusuwerte ka nga naman,” nakangising sabi ni Berto.

Nag-ikot-ikot siya upang makita ang kabuuan ng building. Talaga naming halos lumuwa ang mata niya nang makitang puro babae ang nangungupahan doon. Sa kaniyang pag-iikot, nakapag-uwi pa siya ng bagong labang salawal ng isa sa mga babaeng nangungupahan doon.

“Tamang-tama ang desisyon kong dito umupa. Magiging masaya ata ang pananatili ko rito,” tatawa-tawang saad ng lalaki.

Bumaba si Berto upang bumili ng sigarilyo at makakain. Nang pabalik ay napansin niya ang maputi at magandang babae na pumasok sa kwartong katabi ng tinutuluyan niya. Halos lumuwa ang mga mata ni Berto sa nakita.

“Hi, miss sexy! Ako pala yung gwapo mong kapitbahay. Kapag malamig ang gabi at gusto mong magpainit, katukin mo lamang ako,” nakangising sabi ni Berto.

Isang malamig na titig lamang ang isinukli sa kaniya ng babae at saka ito pumasok sa silid.

Kinapa-kapa ni Berto ang pader na naghahatid sa dalawang kwarto. Gawa lamang iyon sa kahoy. Nakaisip siya ng masamang plano.

“Bubutasin ko ito para may free viewing ako sa sexy na kapitbahay,” bulong niya sa sarili.

Nakapa ni Berto ang masking tape na nakatapal sa pader. Nababalutan ito ng pintura kaya hindi agad mapapansin.

“Talagang lumalapit na sa akin ang swerte!”

Unti-unting tinanggal ni Berto ang tape at saka gumawa ng butas. Tanaw na tanaw niya mula sa maliit na butas ang hita at katawan ng nakahigang babae. Abot-langit ang ngiti ng lalaki dahil doon.

Hindi pa doon natapos ang kalokohan ng lalaki, minsa’y kumukuha siya ng video nang palihim sa mga babaeng naliligo sa common CR at saka itinatago sa cellphone. Wala pa naman nagrereklamo dahil walang nakakaalam, pero kumakalat na ang balitang mayroon nagnanakaw ng mga nakasampay na panty.

Pasado alas tres ng madaling araw nang mabulabog sa pagkakatulog si Berto. Nakarinig siya ng boses na tila ba kahali-halina sa kaniyang tenga. Parang boses ng babae na umuungo*l. Hinanap ng binata ang pinanggagalingan at laking tuwa niya nang marinig mula sa butas sa pader na kaniyang tinuklap.

Sinilip kaagad ni Berto iyon, ngunit madilim ang looban at wala siyang makita. In-enjoy na lamang niya ang tunog na nanggagaling roon, ngunit biglang may malamig at malakas na hangin ang lumabas sa butas patungo sa kaniyang tenga.

Napatunghay si Berto at napatalon nang makarinig ng malakas na pagkalabog. Agad na tinakpan ng lalaki ang butas at saka tumakbo sa kama at nagtalukbong. Hindi siya nakatulog pa dahil nakakaramdam na siya ng matinding takot.

Lumipas pa ang mga gabi, tila ba nauulit lamang ang mga pangyayari. May boses ng babae na tila ba nang-aakit kasunod ng malamig na hangin at malakas na pagkalabog. Naisip ng lalaki na sabihin na ito sa landlady dahil hindi na siya napagkakatulog sa nangyayari.

“Aling Celia, sino ba iyong nangungupahan sa katabing kwarto ko?” inis na tanong ng binata.

“Bakit totoy? May problema ba?” balik na tanong naman ng matanda.

“E paano, hindi na ako nakakatulog sa ingay na ginagawa gabi-gabi. Pwede niyo bang pagsabihan? Nakakaabala na e!” reklamo pa ni Berto.

“Hijo, pasensya na ha? Pero kasi wala namang tao sa katabing kwarto mo. Matagal na rin iyong bakante at walang nangungupahan. Kaya’t baka nagkakamali ka o guni-guni mo lamang iyon?” paliwanag ng babae.

“P-pero nakita ko pa siya na pumasok sa silid niya e? Nakita ko pa siya sa…” natiligan naman si Berto dahil baka madulas siyang naninilip siya mula sa butas sa pader.

“Kung anuman ang marinig mo, ‘wag mo na lamang intindihin. Pero ipagtatapat ko na sa’yo ang totoo, hijo… hindi ko pinaupahan ang kwartong iyon dahil pumanaw na ang huling nangupahan doon. Umalis na ang dating taga-pangalaga ng building na ito kaya’t hindi ko alam ang buong istorya,” paliwanag ng matanda.

Nangilabot si Berto sa narinig. Hindi niya alam kung totoo ba o sinasabihan lamang siya ng babae dahil halos lahat ay itinuturong siya na nga ang nangunguha ng nawawalang mga panty.

Alas tres ng madaling araw nang marinig na naman ni Berto ang maliliit na pag ungo*l. Sa pagkakataong ito, nilakasan na niya ang loob at tiningnan ang nagaganap. Sa kaniyang pagsilip, nakita niya ang isang lalaki na hinahaplos ang mga hita ng maputing babae.

“Eto talagang si Aling Celia o! Tinakot pa ako. E mukhang magkasintahan na gumagawa ng milagro lamang ito e!” natatawang saad pa ng lalaki.

Tuwang-tuwa pa sa pinapanood ang lalaki hanggang sa napansin niyang sinasakal na ng lalaki ang babae habang tinatakpan ang bibig. Gumawa ng malakas na ingay iyon na para bang tunog na umuung*ol. Nangilabot si Berto dahil iyon ang parehong tunog na naririnig niya.

Lalo pang nangilabot ang pilyong binata nang makita sinuntok nang malakas ang babae at saka ibinalibag sa lapag dahilan para makarinig ng malakas na kalabog. Kitang-kita kung paano umagos ang dugo mula roon.

“Diyos ko!” usal ni Berto.

Eksena ng naganap na krim*en pala roon ang naririnig niya gabi-gabi. Nanginginig ang buo niyang katawan at tila ba hindi maigalaw hanggang sa biglang nagkaroon ng matinding katahimikan.

Sa huling pagkakataon sinilip ni Berto ang butas ngunit napasigaw siya nang makita nakasilip din roon ang babaeng dugu*an.

Agad na tinakpan ng lalaki ang butas, ngunit pagtalikod niya’y nakatayo na sa harapan niya ang babaeng kaninang sinisilip lamang. Umurong ang dila at bay*g ni Berto sa labis na takot.

“White lady!!!” tili ni Berto na para bang babae sa sobrang tinis.

Sumabog ang ihi ng lalaki habang kumakaripas ng takbo palabas. Sa loob ng simbahan nagpalipas ng magdamag ang binata sa sobrang takot.

Kinabukasan, ipinatawag si Berto sa barangay. Napakaraming estudyanteng babaeng naroroon dahil natagpuan sa silid niya ang mga nawawalang salawal. Ilang suntok at sampal ang inabot niya dahil doon.

Umuwi si Berto sa probinsiya nang tulala. Dahil sa trauma na inabot, hindi na niya inulit pa ang mga kabastusang gawain noon. Isang malaking aral ang iniwan ng karanasan na iyon sa buhay ni Berto. Isang white lady lamang pala ang babago ng buhay niya.

Advertisement