Pasabog ni Mister sa Honeymoon Nila, Kayanin Kaya ni Misis?
Ngayong tapos na ang nag-iisang anak nila Nelson at Grace na si Lovely sa kolehiyo ay tapos na rin sa mabigat na responsibilidad ang padre de pamilya na si Nelson sa pagbabayad ng mahal na matrikula ng dalaga.
“Pa, tapos na ang anak natin sa pag-aaral. Baka naman pwede mo akong pagbakasyunin diyan sa Saudi,” paglalambing ni Grace sa kaniyang asawa.
“Sa totoo lang iyan talaga ang balak ko, magpunta ka dito para makapagbakasyon naman tayo,” sagot ni Nelson sa kaniyang misis.
“Aayusin ko na lahat ng kailangan mo, mga isang buwan o dalawang buwan ka dito para naman makapagbonding tayo,” dagdag pa ng lalaki.
Napatalon naman sa tuwa si Grace dahil sa dalawang dekadang pagtratrabaho ng kaniyang asawa ay ngayon lamang siya makakarating sa ibang bansa. Technician si Nelson sa Saudi, malaki ang sinasahod ng lalaki at masinop naman sa pera si Grace kaya kahit papano ay nakapagpundar sila habang pinag-aaral ang kanilang anak.
“Anak, dalawang buwan lang ako mawawala ha? Maghoneymoon lang kami ng papa mo. Kaya umayos ka dito sa Pilipinas, huwag pasaway at huwag magdadala ng kung sino-sinong barkada sa bahay,” bilin ni Grace sa kaniyang anak.
“Ma, mahal na mahal kita!” sagot naman ni Lovely sa kaniyang nanay.
“Hoy! hindi pa ako aakyat sa langit, kung makapagsalita ka namang bata ka,” baling ng ale sa kanyang anak. Ngunit hindi ito sumagot, imbes niyakap lamang siya ng mahigpit nito.
Simula nang maging mag-asawa si Nelson at Grace ay sa ibang bansa na nagtrabaho ang lalaki, kada dalawang taon ang uwi ng lalaki sa Pilipinas na tumatagal lamang ng dalawang buwan rin. Maraming nagsasabi na swerte daw si Grace dahil hindi niya naranasan ang hirap ng buhay dahil sa malaking sahod ng kaniyang asawa, ngunit hindi nakikita ng marami ang lungkot na dala rin nito.
Nasanay na siyang matulog na mag-isa sa loob ng dalawampung taon: nangungulila sa yakap, lambing at amoy ng kaniyang mister. Si Nelson lang kasi ang kaisa-isang naging nobyo ni Grace at mahal na mahal niya ito.
Habang nasa eroplano ay natatawa at kinikilig-kilig pa si Grace habang iniisip ang mga gagawin nilang mag-asawa lalo na ngayong magkakasama na sila. Naiisip na niya na maliligo sila sa swimming pool at iinom ng alak, saka sila mag-uusap ng mga bagay bagay.
Makalipas ang mahabang oras na byahe ay nagkita na rin sa wakas ang mag-asawa, nagyakap ang dalawa at naghalikan kahit pa nakaparaming taong nakapaligid sa kanila.
“Namiss kita, sobra,” bulong ni Grace sa kaniyang asawa sabay siksik ng kaniyang mukha sa leeg ng lalaki upang amoyin iyon.
“Ako rin, salamat at dumating ka,” sagot naman ni Nelson sa babae.
Kumain ang dalawa, nag-ikot sa mall at buong araw na nagtitigan. Buong pusong pinaparamdam ni Grace ang pagkalumbay niya sa asawa, hindi nito binibitiwan ang kamay ng lalaki at palagi rin niyang tinititigan ang asawa. Masayang-masaya ngayon si Grace, at walang mapaglagyan ang kanyang kaligayahan.
“Pa, mag gagabi na. Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Grace sa kanyang mister.
“Malapit na tayo ma, kapag nandoon ka na sa bahay ay huwag ka sanang magugulat sa mga nakatira doon ha. Alam mo naman na sama-sama kami doon,” paliwanag ng lalaki.
“Walang problema iyon papa, saka nasabi mo naman na sa akin iyan dati pa,” saad pa ni Grace dito.
Pagdating nila sa tinitirhan ni Nelson ay nagulat si Grace na maraming nagkalat na laruan ng bata doon.
“May bata pala kayo dito, hindi mo nabanggit sa akin. Ilang taon na?” pabulong na tanong ni Grace sa lalaki.
“Sampong taong gulang na ma,” sagot naman ni Nelson sa babae.
Ngunit natigil ang mundo ni Grace at tila ba nabingi siya ng mga sandaling iyon nang tawagin ng bata si Nelson na “PAPA”.
“Ma, si Nelson Jr nga pala. Anak ko,” pakilala ni Nelson sa bata.
Hindi nakapagsalita si Grace at pinilit niyang tumayo ng maayos. Napalunok siya ng kaniyang laway at napahawak sa kanya singsing. “Kailan pa?” matapang na tanong ni Grace dito.
“Sampung taon na rin, nasa kabilang kwarto yung nanay ng bata, matagal na kaming nagsasama dito. Kaya kita pinapunta dito dahil ayaw kong sa Pilipinas mo malaman ang lahat. Gusto kong makita mo ito. Makita mo yung buhay ko dito kung bakit ako nagkaroon ng iba. Noong una ay laro lang ang lahat sa amin pero katagalan ay nahulog na ako sa kaniya. Sa mga pag-aalaga niya sa akin, kaya nga nagsama na kami bilang isang pamilya,” paliwanag ni Nelson.
“Alam ba ito ng anak mo?” nagpipigil ng iyak na tanong muli ng babae.
“Matagal na niyang alam pero hiniling kong huwag sabihin sa’yo dahil gusto kong ako ang magsabi, ako ang magpakita ng lahat ng ito,” sagot ng lalaki sa kanyang asawa.
“Ako, kami ni Lovely o itong bata at ang pamilya na sinasabi mo? Mamili ka!” wika ni Grace sa kaniyang mister.
“Pasensya ka na ma, pero matagal ko nang pinag-isipan ito. ‘Yong pagmamahalan kasi natin ay hindi ko na naramdaman ng mahabang panahon at pakiramdam ko ay umuuwi na lang ako sa ‘Pinas para magbakasyon dahil nandito na ang totoo kong pamilya. Pasensya ka na talaga pero sila ang pipiliin ko,” sagot naman ni Nelson.
Hindi sumagot ni Grace at lumabas ito, bumalik siya sa airport at bumili kaagad ng ticket pauwi ng Pilipinas.
“Ma, mas gugustuhin ko pang magwala ka. Magalit ka, sampalin mo ako, kasuhan mo si papa o kung ano mang makakapaglabas diyan sa galit mo. Hindi yung ganyan ka, hindi ka kumakain, hindi ka nagsasalita,” umiiyak na wika ni Lovely sa kaniyang ina.
“Bakit pa? E matagal niyo na akong niloloko! Ano pa bang silbi ko dito sa mundo. Hindi na ako kailangan ng tatay mo, hindi mo na ako kailangan kaya mas mabuting mawala na lang ako!” sagot ni Grace sa kaniyang anak.
“Tatapusin ko na lang ang buhay ko,” dagdag pa ni Grace.
“Ma, alam kong may kasalanan si papa at sobrang sakit ng nararamdaman mo ngayon. Alam ko rin na galit ka sa’kin dahil naglihim ako sa’yo. Pero mama, hindi pa ito ang katapusan ng buhay mo!” sigaw ni Lovely at doon nahimasmasan ang babae.
“Mama, nandito pa ako. Hindi ako nawala sa’yo, hindi lang si papa ang mundo mo. Kakayanin nating malampasan ito,” dagdag pa ni Lovely.
Doon nagising si Grace na tama ang kaniyang anak, wasak man siguro ang pamilya nila ngunit hindi siya maaring bumigay sa pagiging ina.
Bumangon ang babae at nagsimulang muli sa buhay, nagtayo siya ng maliit na negosyo upang pagkakitaan habang sinusuportahan ang kaniyang anak sa pagiging guro nito. Kahit nawasak ang kanyang puso nang dahil sa dating asawa, unti-unti niya itong nabuong muli sa tulong ng mapagmahal niyang anak na ni minsan ay hindi siya iniwan.
“Im