Hindi na Ako Papasulsol sa Biyenan Ko
Larawan ng isang masayang pamilya, ang pamilya nila Belinda at ang asawa nitong si Danny. Si Belinda ay isang midwife at si Danny namanay pumapasada ng jeepney. Salat man sa yaman at luho ng buhay, masaya ang mag-asawa lalo na nang magbunga ang kanilang pagmamahalan.Biniyayaan sila ng isang malusog na anak na lalaki at pinangalanan nila itong Daniel.
Tatlong taon ang nakalipas, pinilit ng mag-asawa na palakihin ng maayos ang kanilang anak. Sabay din nilang itinaguyod ang kanilang pamumuhay. Nagdesisyon ang mag-asawa na huminto na lamang muna sa paghahanapbuhay si Belinda at pagtuunan ang pag-aasikaso ng pamilya, lalo ng kanilang kaisa-isang anak. Lalo namang pinaghusayan ni Danny ang kanyang pamamasada upang makapag-uwi ngmalaking pera sa kanyang mag-ina.
Ngunit hindi sang-ayon sa ganitong set-up si Aling Miling, ang biyenan ni Belinda. Nais nito ay magtrabaho rin si Belinda, dahil lagi nitongsambit na mas may pinag-aralan siya kaya mas malaki ang maiuuwi nitong salapi sa tahanan. Lagi niya ito isinisiksik sa kanyang mga payo samag-asawa.
Isang araw ay dumalaw si Aling Miling sa kanilang tahanan. Tuwang tuwa naman si Daniel na makita ang kaniyang Lola. Habang nagsasampay si Belinda, nasa bakuran naman si Aling Miling at ang apo nito. Masayangpinapanood ni Danny ang mag lola.
“Kayod kalabaw ka na! Yumaman ka ba sa pamamasada mo?” sambit ni Aling Miling sa anak.
“Nay, nakita n’yo naman hong ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko, hindi ho ba?” pagpapaliwanag ni Danny.
“Ngunit hindi naman sumasapat iyang ginagawa mo. Bakit hindi mo pagtrabahuhin si Belinda? Aba, lumalaki na ang anak ninyo! Noong ikatlong kaarawan niya, nakita n’yo, kahit pang pansit wala kayo! Susunod niyan, mag-aaral na yan. Kanino kayo kukuha ng pampaaral gayong saibang gastusin ay kulang na kulang kayo?” mariing sambit ni Aling Miling.
“Bakit hindi mo kasi pagtrababuhin yang asawa mo?” giit pa ng matanda. “Malaki naman na itong si Daniel. Maari ko na itong alagaan. Indemand sa abroad ang midwife. Mas makaluluwag kayo!”
“Alam nyo naman ho kung gaano kahirap ang mawalay sa pamilya, saka nay, kinakaya naman namin,” paliwanag ni Danny.
“Kung hindi mo masabi kay Belinda, ako na ang magsasabi!”
“Huwag na kayong makialam, nay. Basta ako ang kakayod. Si Belinda ay dito lang para alagaan ang anak namin!”
Ang hindi alam ng mag-ina, hindi sinasadyang narinig ito ni Belinda. Hindi niya alam ang mararamdaman sa kanyang narinig, ngunit sa isang banda ay naisip niya na marahil tama ang biyenan niya. Mas makaluluwagnga naman sila kung makakapaghanapbuhay siya sa ibang bansa.
Naghahanda kinagabihan si Belinda ng hapunan.
“Bakit daw hindi na dito maghahapunanan ang Nanay Miling?” ani Belinda sa asawa.
“Ayaw niya raw gabihin sa biyahe kaya umalis na kaagad,” sagot ni Danny.
“Mahal, narinig ko ang usapan ninyo ng nanay mo kanina. Marahil ay tama sya, siguro ay kailangan ko ng-”
Hindi pa tapos si Belinda sa kanyang sinasabi nang barahin ito agad ni Danny.
“Hindi ka magtatrabaho! Ako ang lalaki, ako ang maghahanapbuhay! Tapos.”
Hindi na sumagot pa si Belinda at marahan na lamang sumubo ng hapunan.
Isang linggo ang lumipas,
“Danny! Danny!” kinakahabang tawag ni Belinda sa asawa.
“Napakataas ng lagnat ni Daniel. Pangalawang araw na ito. Tingin ko kailangan na natin syang dalhin sa ospital.”
Agad naman nilang isinugod sa ospital ang bata. Na-admit sa ospital si Daniel at matapos ang masusing pagsusuri ng mga doktor, nalaman nga na may dengue pala ito.
“Nako Belinda,” sabi ni Aling Miling. “Bakit nagkaganito ang bata. Bakit mo naman hiyaang kagatin ng lamok!”
“Hindi ko naman po ginusto ang pangyayare, nay. Pwede ho ba, wag na muna natin itong pagtalunan? H’wag na muna tayo magsisihan,” sagot ni Belinda.
“O tulad nito, ang laki ng gagastusin nyo sa ospital. San kayo kukuha ng ipambabayad dito? Kung nagtatrabaho ka lang eh ‘di sana, hindi nyona ito poproblemahin.”
Natahimik na naman si Belinda. Masakit sa loob niya ang lahat ng narinig niya sa biyenan ngunit wala nang mas sasakit pa sa makita ang sariling anak na may sakit.
Kaya pagkalabas ni Daniel sa ospital ay dali dali siyang nag-apply ng trabaho sa ibang bansa. Pagkalipas lamang ng tatlong buwan, nakaalis agad siya. Mabigat man sa kalooban ay kailangan niya itong titiisin para sa kinabukasan ng anak. Naiwan naman si Daniel sa pangangalaga ng kanyang Lola Miling.
Hindi madali ang naging umpisa ng buhay ni Belinda bilang OFW sa Hong kong. Mabuti na lamang matitino at mababait ang natapat sa kanyang mga amo. Nagpapadala kada katapusan ng buwan si Belinda ng kanyang sahod at nagtitira na lamang ng kaunti para sa ipon at panggastos para sa sarili.
Dalawang taon ang kontrata ni Belinda, kaya dalawang taon ang tiniis niya makita para sa kanyang anak at asawa. Subalit lahat ng ito ay kaya niyang isakripisyo sa pag-asang isang araw ay makararaos din sila sa hirap lalo pa at isangbuwan na lamang ay makakauwi na rin sya. Sabik na sabik na si Belinda na makita at mayakap ang kanyang mag-ama. Lalo ang kanyang nag-iisanganak na si Daniel.
Isang tawag isang umaga ang nagpayanig ng mundo ni Belinda. Nawawala daw si Daniel at ilang araw ng hindi mahagilap. Dali-dali siyangnagpaalam sa amo na umuwi ng Pilipinas at pinayagan naman sya.
Huli raw nakita ang bata na naglalaro malapit sa isang tindahan ‘di kalayuan sa bahay nila. Abala raw sa pakikipagkwentuhan noon ang biyenannito, kaya hindi namalayan ang pag layo ng bata. Tiwala kasi ito na hindi lalayo sa paningin nya si Daniel.
“Pasensya ka na Belinda, nasa pasada ako nung nangyare. Hindi ko rin naman masabi sayo dahil ayokong lubha kang mag-alala. Akala ko kasimakikita namin sya kaagad,” paghingi ng paumanhin ni Danny.
“Kahit pa Danny, anak ko rin si Daniel. At karapatan kong malaman kung ano ang nangyayare sa kanya! Diyos ko! San ko hahanapin ang anak ko!” pagsusumamo ni Belinda.
Hindi lubusang akalain ni Belinda na mangyayare ito sa kanyang anak habang siya ay malayo at naghahanapbuhay. Sising-sisi siya na umalis pasiya. Kung hindi sana ganon at siya sana ang nag-aalaga sa kanyang nag-iisang anak, marahil hindi ito mawawala.
Ilang buwan ding naging abala ang mag-asawa sa paghahanap. Kung saan-saan sila nanawagan at kani-kanino nanghingi ng tulong. Lahat nayata ng pulisya ay napuntahan na nila. Ngunit walang makapagsabi kung nasaan na si Daniel.
Naapektuhan na din nito ang pag sasama nilang mag-asawa. Gusto ng makipaghiwalay ni Belinda kay Danny, ngunit naisip niya, kung makitaman si Daniel, hindi nito gugustuhin ng sirang pamilya. Bukod doon nakikita din naman niya ang effort ni Danny sa paghahanap sa kanilang anak.
Kumapit si Belinda sa kanilang relasyon. Inilapit nila sa Panginoon ang paghahanap. Natagalan naman ng natagalan ang pag-alis ni Belinda,hanggang kailangan na niyang bumalik sa muli Hong Kong.
Ayaw niyang sumuko sa paghahanap, ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan nilang tumigil upang makapaghanapbuhay siyang muli at mag karoon sila ng dagdag na panggastos sa pag hahanap kay Daniel.
Lumipad muli patungong Hong Kong si Belinda at ipinagpatuloy ang pagtratrabaho.
Isang araw habang naglalakad, may narinig siyang batang sumisigaw.
“Mama! Mama!”
Napahinto sa paglalakad si Belinda pagkat nakikilala nito ang munting tinig.
“Maari kaya? Ngunit paano?” bulong niya sa sarili.
Dahan-dahang lumingon si Belinda at doon nga tumambad sa kanya ang kanyang nawawalang anak. Madungis ito at namamalimos sa lansangan ng Hong Kong. Nakakapanlumo ang kalagayan nito. Pilay ito at putol ang isang daliri. Naging biktima pala ito ng sindikato.
Isa si Daniel sa mga batang nadukot upang ibenta sana ang mga parte ng katawan sa mga mahal ng ospital na nangangailangan ng mga organ donors.
Dali daling tumakbo si Belinda upang kunin ang anak na nakasalampak sa simento. Puno ng hinagpis ang puso ng ina ng makita ang anak saganitong kalagayan.
“Anak!!! Anong ginawa nila sa iyo? Bakit ka nagkaganito?!” napasigaw sa hinagpis ni Belinda.
“Hinding hindi na kita iiwan anak. Narito na ang Mama!” hagulgol ni Belinda habang yakap ng mahigpit si Daniel.
Agad silang lumapit sa embahada ng Pilipinas at doon humingi ng tulong. Agad namang inaksyunan ang naging malaking problema at tinulungan si Belinda na maiuwi ang anak. Nagpa-imbestiga na rin ang ang gobyerno tungkol sa masamang gawaing ito ng mga sindikato.
Nagpaalam si Belinda sa amo niya at nagpasya nang umuwi na lamang sa Pilipinas at doon nagtayo sila ng munting negosyo at namuhay silang mag-anak ng masaya, simple at sama-sama.