Iniba ng Drayber ang Ruta nang Makitang may Mali sa Kaniyang Pasahero; Tuluyan Kayang Nakaligtas ang Pasaherong Iyon sa Kapahamakan?

Kanina pa nanginginig ang buong katawan ni Vangie at kanina pa rin pag-agos ng kaniyang mga luha. Nakakaramdam na siya ng panghihina, ngunit ayaw niyang sundin ang sinasabi ng kaniyang katawang lupa. Gusto niyang puntahan kaagad si Allen, ang kaniyang matalik na kaibigan. Kaya ngayong naririto na siya mismo sa bakuran ng bahay nito’y mas lalo lamang nanikip ang kaniyang puso at mas lalo lamang nag-unahan sa kaniyang pisngi ang mga luha.

“Wala na si Allen, Vangie,” humihikbing wika ni Ate Mae, ang kapatid ng kaibigan.

Hindi magawa ni Vingie na sagutin si Mae, natatabunan ng emosyon ang kaniyang lalamunan. Gusto lamang niyang umiyak at makita si Allen sa loob ng kabaong nito. Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa marating niya ang mismong kinaroroonan ng kaibigan. Naalala niya pa ang naging usapan nila noong nakaraang buwan.

“Alam mo ba, Vangie, kagabi ay may nakakakilabot na pangyayari ang nangyari sa’kin,” ani Allen.

Salubong ang kilay na tinitigan niya si Allen. “Ano iyon?”

“Habang pauwi ako kagabi, nakita ako ng drayber na walang ulo, kaya iniba niya ang ruta, tapos bilin niya sa’kin na sunugin ko raw ang suot kong damit para mawala ang sumpa, na siya namang ginawa ko. Alam mo, naisip ko lang na paano kung ‘di nakita ni manong drayber iyon, baka naaksidente na kami at nam*tay na ako,” kwento nito.

Hindi napigilan ni Vangie ang mangilabot sa kinukwento ng kaibigan. Hindi niya maiwasang hindi ito yakapin. Hindi man siya ang nakasaksi sa pangyayari, ngunit base sa kwento nito’y nakakaramdam rin siya ng takot. Paano nga kung hindi naputol ng drayber ang sumpa? Baka hindi nya na nagagawang yakapin ngayon ang kaibigan.

“Magpasalamat pa rin tayo, Allen, kasi hindi natuloy ang sumpang iyon. Nandito ka, nakakausap kita at nayayakap. Palagi kang kang magdasal at humingi ng gabay sa Panginoon,” aniya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaibigan.

Advertisement

“Pero natatakot pa rin ako, Vangie,” malungkot na wika ni Allen. “Paano kung talagang malapit na akong mawala sa mundong ito? Paano kung malasin ako at matuluyan? Paano kung sinuwerte lang ako sa araw na iyon, ngunit kukunin pa rin ako? Hindi ko kayang isipin na maaga akong mawawala sa mundong ito, Vangie. Paano na ang maiiwan kong pamilya, alam mo naman na ako lang ang inaasahan ni mama at papa. Nand’yan nga si Ate Mae, pero s’yempre mas uunahin niya ang sarili niyang pamilya kaysa kila mama,” humihikbing wika ni Allen.

Hindi alam ni Vangie kung paano pagagaanin ang takot na nararamdaman ng kaibigan. Niyakap na lamang niya ito at mahinang umusal ng dasal na huwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan nito. Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin kapag nawala ito.

Hindi sila pala-simba ni Allen noon, ngunit simula noong nangyari ang bagay na iyon ay palagi niya itong sinasamahang magsimba at manalangin. Sinamahan niya rin itong mangumpisal sa lahat ng kasalanan, at sinasamahan niya ito sa lahat ng gusto nitong gawin kung saan alam niyang magiging masaya ito.

“Kung mangyari mang mawala ako sa mundong ito, Vangie, at least ngayon masaya na akong papanaw,” nakangiti nitong wika.

Agad niyang nasiko ang kaibigan. “Sira! Hindi ka mawawala, ‘no! Tatanda tayong pareho, kukulubot pa iyang balat mo at papangit iyang mukha mo. Kaya manahimik ka nga d’yan!”

Tumawa lamang si Allen at niyakap si Vangie, saka bumulong ng pasasalamat sa mabuting kaibigan.

Isang buwan ang nakalipas mula noong usapan nilang iyon, ngayon ay nasa kabaong na si Allen. Tinawagan siya kagabi ni Ate Mae upang ibalita ang masamang nangyari kay Allen. Pauwi na ito nang mabangga ng malaking truck, nawalan ng kontrol dahil nakatulog ang drayber. De*d on arrival si Allen.

Niyakap ni Vangie ang kabaong ng kaibigan at malayang pinakawalan ang mga luhang walang kapaguran sa pag-agos. Dinugtungan lamang ng isang buwan ang buhay ng kaibigan, ngunit kinuha pa rin ito.

Advertisement

“A-allen,” hagulhol niyang sambit. “Ang daya-daya mo naman, hindi ba’t sabi kong tatanda pa tayong dalawa? Bakit hindi mo nagawang takasan ulit si kam*tay@n? Paano na ako ngayon? Kami ng pamilya mo?” hikbi niya.

Naramdaman ni Vangie ang mahigpit na yakap ni Ate Mae sa kaniya. Wala siyang ibang nais gawin kung ‘di ang umiyak at ubusin ang luhang ayaw paawat. Kahit pala anong gawin mong pagtakas sa kam@t*yan ay hahanapin at hahanapain ka pa rin nito at kukunin. Kapag oras mo na pala talaga, oras mo na.

Maswerte pa rin si Allen dahil nabigyan siya ng babala. Nagawa pa niyang lasapin ang kaniyang oras na malapit nang maubos sa mundong ito. Kung nasaan man ngayon ang kaibigan, alam ni Vangie na masaya na ito.