Inday TrendingInday Trending
Hindi Lang Ikaw Ang Nabigla

Hindi Lang Ikaw Ang Nabigla

Halos isang buwan rin ang tinagal sa ospital ng batang si Cassandra, nagkaroon kasi ng maraming komplikasyon si Tanya nung pinanganak niya ang bata.

“Mahal ko, uuwi na tayo. Mahal na mahal ka ni mama,” umiiyak na sabi ni Tanya sa bata habang hawak ang sanggol.

“Pa, ayos na ba ‘yung bill natin? Ilalabas na si baby sabi ng doktor, ‘bayaran na natin para mailabas ko na ang anak mo,” saad ng babae sa telepono.

“Ma, naghahanap pa ako ng pera, ha? Halos dalawang daang libo rin ang bayarin natin kay baby,” wika ni Patrick ang mister ng babae.

“Ang tagal ko nang sinasabi na malaki ang magiging gastos natin sa bata, tapos ngayon na lalabas na ay ganito na naman tayo. Akala ko ba handa ka na? Asan na ‘yung yabang ng nanay mo, yabang mo? Bwisit na buhay ‘to,” baling ni Tanya sa asawa.

“Halos singkwentamil na ang pinadala ni mama, nakautang na rin ako sa mga tiyuhin at kakilala ko. Bale singkwentamil na lang kulang para mailabas na natin si baby,” sagot ng lalaki.

“Sabihin mo sa nanay mo magpadala pa siya para sa apo niya! Nababaliw na akong magpabalik-balik sa ospital para sa anak mo, baka bukas makalawa ay mabinat na ako. Hindi ko na kaya ang ganitong hirap naman, Patrick. Gusto ko na lang mamat*y,” umiiyak na sagot ng babae.

“Wag ka na umiyak diyan, ako na gagawa ng paraan,” matigas na sagot ni Patrick sa asawa. Saka siya bumuntong hininga. Hindi na niya alam kung saang kamay ng Diyos niya kukuhanin ang mga perang kailangan nila para sa kaniyang anak.

Hindi na niya gusto pang dagdagan ang iniisip ni Tanya dahil alam niyang matinding hirap ang pinagdaanan nito nung nanganak ang babae. Kaya nga kahit parang makakalbo na siya sa konsumisyon at pagaalala ay pilit siyang nananatiling malakas.

Masayang-masaya si Tanya sa paguwi nila sa bahay, kapiling ang kanilang anak. Silang dalawa lamang sa bahay dahil mas pinili ng babae na bumukod at huwag makisama sa pamilya ng bawat isa.

Lumipas ang anim na buwan at ngayon nila nararamdaman mag-asawa kung gaano kahirap ang magkaroon ng pamilya. Si Patrick ay halos tatlong trabaho na ang pinapasok para lamang matustusan ang kanilang pangangailangan. Samantalang na permi naman si Tanya sa bahay at hindi nakabalik sa trabaho, mas pinili niyang bantayan ang kaniyang anak.

“Patrick, bakit hindi ko na nakikita ‘yung motor?” tanong ng babae sa kaniyang mister.

“Isinangla ko muna,” sagot ng lalaki.

“Punyet*ng buhay ‘to! Ikaw ba bumili nun? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin ha? Saan mo ginamit ang pera, animal ka?!” baling ng babe.

Mabilis na nagpanting ang tenga ni Patrick sa pahayag ng kaniyang misis ngunit mas pinili niyang huminga ng malalim at saka siya sumagot.

“Pinangdagdag ko sa pambayad nung bill ni baby sa ospital,” saad ng lalaki.

“Anong klaseng buhay talaga ‘to, ikaw na nga nanganak at nahihirapan ngayon ay ikaw pa ang nawalan ng motor. Ito na nga bang sinasabi ko sa paasa-asawa na buhay, hindi naman pala kaya. Bakit kasi pinakasal pa tayo,” sagot ng babae.

“Ang ganda ng buhay ko dati, mahirap man kami pero nakakapagtabi ako. Nakakabili ng mga gusto ko kahit papano, pero ngayo’y pati pasador ay hinihingi ko sa’yo. Nabuntis lang, may pakasal-kasal pang nalalaman ang nanay mo dati. Anong silbi nung kasal kung nagdidildil naman tayo ng asin, aber,” wika ni Tanya. Sunod-sunod na naman ang reklamo ng babae na tila akala mo siya lamang ang nahihirapan sa buhay.

“Hindi lang ikaw ang nabigla, hindi lang ikaw ang may pakiramdam, hindi lang ikaw ang napapagod. Hindi lang ikaw ang tao rito, Tanya, ako rin,” mahinang sabi ni Patrick habang seryosong nakatingin sa kanilang anak.

Mabilis na tumindig ang balahibo ni Tanya sa sinabi ng kaniyang mister. Seryoso ang boses nito at alam niyang iba ang tono na iyon. Kaya naman napahinto siya sa kaniyang pagdakdak.

“Pasensya ka na kung pinilit ng pamilya kong maikasal tayo nung nabuntis kita, dahil ganitong klase lang palang buhay ang mabibigay ko sa’yo. Napakawalang kwenta siguro ng bawat araw na kasama mo kami ng anak mo, puro hirap na lang ang nararanasan mo. Pasensya ka na ha, ito lang ang buhay na kaya kong ibigay sa’yo,”

“Hindi lang naman ikaw ang nabigla, ako rin. Hindi lang naman ikaw ang may buhay dati na mas magaang iniwan na lang bigla, dahil nagkaroon ng pamilya. Halos itapon ko ang pangarap ko na makapagtapos maging tatay lamang sa anak ko, maging asawa mo.

Ginagawa ko lahat ng makakaya ko kasi ito na ‘yung buhay ko ngayon kahit ano mang gawin ko. Kaya pinaninindigan ko bawat responsibilad. Iniintindi kita kasi kakapanganak mo lang, pagod ka sa bata at marami kang iniisip. Pero, Tanya, tao rin ako. Napapagod din ako, kung makapagmando ka sa akin tuwing darating ako akala mo wala akong ginawa sa labas,” lumuluhang wika ng lalaki.

“Ginagawa ko lahat para lang sa’yo, ang hiling ko lang naman ay makita mo sana ‘yung mga sakripisyo ko sa buhay. Hindi naman ako nakahilata lang, hindi naman ako batugan. Ginagawa ko lahat pero hindi mo nakikita, puro pagod mo lang at sakripisyo mo ng napapansin mo. Paano naman ako? Tapos sasabihin mo sa akin na kasalanan lahat ito ng kasal natin? Gusto mo na bang makipaghiwalay? Ayaw mo na talaga? Hindi ka naman pipigilan ng kasal natin, umalis ka na lang kung talagang hindi mo na kaya. Napapagod din ako,” sabi ni Patrick at doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ng lalaki.

Ngayon lamang niya naiiyak ang lahat ng hinanaing sa misis at sa buhay na meron siya ngayon. Habang si Tanya naman ay tila nabuhusan ng yelo at nanlalamig ang kaniyang buong katawan. Ngayon niya napagtanto na napakareklamador na pala niya at nabulag na siya ng mga iyon.

Mabilis niyang niyakap si Patrick habang umiiyak at saka siya humingi ng tawad.

“Sorry, hindi ko nakikita ‘yung pagod at sakripisyo mo. Tama ka nga, puro sa akin lang ang nakikita ko, I’m sorry,” saad niya sa mister.

Mabilis naman na yumakap ang lalaki sa kaniyang asawa at doon na nagkaayos ang dalawa.

Ngayon ay pinagtutululangan nilang dalawa ang mga utang nila noong naospital ang kanilang anak. Mas namulat si Tanya sa katotohanan na hindi na niya maibabalik pa ang buhay niya noon dahil may bago na siyang kabanata ng buhay ngayon. At ito na nga ang pagiging isang ina at asawa. Hindi man siguro ganun kadali ang buhay ay ipinapangako naman niya ngayon na may oras pa siya para maging isang mabuting magulang at mapagpamahal na asawa.

Advertisement