Inday TrendingInday Trending
Masarap Bang Humalik ang Nobyo Ko?

Masarap Bang Humalik ang Nobyo Ko?

Mag aanim na taon na ang magkasintahang Ken at Arianne. Sa tagal ng relasyon nila ay wala na silang ilangan sa isa’t isa.

“Sa dami ng pagsubok na kinaharap natin, ewan ko na lang kung may sisira pa sa atin Ken no? Siguro wala na, panatag akong wala na.” ani ni Arianne habang hinihimas-himas ang buhok ni Ken.

Dagdag pa rito, nagpasya na rin silang tumira sa iisang bahay. Habang nag-iipon pa ang magkasintahan, pinayagan sila ng mga magulang ni Arianne na manirahan muna sa bahay nila sa Alabang, wala namang nakatira doon bukod sa kapatid niyang si Manoy na palaging nasa lakwatsahan.

“Ganda rin pala ng bahay niyo rito love no? Ayos na ayos para sa atin!” buong siglang sabi ni Ken.

“Oo nga eh, sakto dito tayo sa malaking kwarto tapos si Manoy sa kabila.” ika ni Arianne.

“Ah, hindi ba kami ni Manoy dito? Tapos ikaw sa kabila?” pagtatakang sabi ni Ken.

“Ha?” pagtatanong ni Arianne, tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

“Eh syempre parehas kaming lalaki, tapos ikaw babae.” pagpapaliwanag ni Ken.

“Ang love ko naman napakasweet, syempre tayo na ang magkasama, tagal na rin naman natin eh. Huwag mo na isipin na dapat hiwalay ako sayo. Grabe talaga respeto mo sakin no?” sabi ni Arianne, medyo kinikilig-kilig pa.

“Ay oo nga, sa bagay.” pagsang-ayon ni Ken.

Kinabukasan, umalis na si Arianne para pumasok sa trabaho, day off ni Ken kaya naman siya ang binilinan ni Arianne na mag-ayos ng bahay at maghanda ng pagkain para kay Manoy.

Wala pang isang oras pagkaalis ni Arianne ay nagising na si Manoy. Nakita niyang nagluluto si Ken. Pinagmamasdan niya ang maskulado nitong likod at malamang puwet habang papalapit siya rito. Saka niya ito niyakap patalikod.

“Nakaalis na ba ang ate?” pag-uusisa ni Manoy habang yakap-yakap si Ken.

“Oo baby girl. Nagugutom kana?” ‘ika ni Ken at humarap kay Manoy.

“Hindi pa naman, mas gusto kong nakayakap lang ako sayo ng ganito. Tagal na rin mula noong nahiram kita kay ate.” paglalambing ni Manoy, humigpit pa ang yakap nito.

“Shhh. Sorry, ngayon madalas na tayong magkakapiling.” ‘ika ni Ken habang sinimulan na niyang halikan itong si Manoy sa leeg.

Lumipas ang araw na walang ginawa ang dalawa kundi maglambingan. Magkaakbay pa sila sa sofa. Hindi nila napansin ang oras. Nagulat na lamang sila na may bumagsak sa likuran nila.

Hindi nila namalayan, nakabalik na pala si Arianne.

“Ano ang ginagawa ninyo?” makahulugang tanong nito.

“Ah wala naman love, nagkukwentuhan lang kami tungkol sa school niya.” ika ni Ken.

“Ah kapag pala nagkukwentuhan ang mga lalaki magkayakap sila saka hinahalikan nung isa yung batok nung isa, para saan yun?” puno ng pagdududang sabi ng babae.

“Love baka namalikmata ka lang. Bakit naman namin gagawin yon?” depensa ni Ken, kunwari ay natatawa pa pero tagaktak na ang pawis sa pagkataranta.

Hindi na sumagot pa si Arianne. Dali-dali na siyang pumunta ng kwarto. Kitang-kita niya kung paano amuy-amuyin ni Manoy ang mga bisig ng kanyang kasintahan. Detalyado niya rin nasaksihan kung paano halikan ng kaniyang kasintahan ang kapatid niya. Parang namanhid ang buong pagkatao niya, hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman.

Iyak siya nang iyak at nakatulala lamang. Diyos ko, ano bang pagsubok ito?

Maya-maya pa ay pumasok sa silid si Ken kasama si Manoy.

“A-Arianne, maniwala ka. Minahal naman kita, kaya lang ang pusong ito.. ako mismo, iba talaga eh. Iba ako Arianne, nang makilala ko si Manoy ay nawala nahulog ako ng tuluyan..” nakatungong paliwanag ni Ken.

Inamin nila kay Arianne ang namumuong pagmamahalan sa pagitan nila.

“Ate, pasensya kana. Tama lahat ng nakita mo. Mag-iisang taon na kami ni Ken na may lihim na relasyon sayo. Ate, humahanap naman kami ni tyempo kung paano sasabihin sayo. Pero sobrang saya mo kasi kapag kasama mo si Ken, kaya ayaw niya na sabihin muna sayo. Sana mapatawad mo ako ate.” pagpapaliwanag ni Manoy.

“Unang beses mo akong tinawag na ate, Manoy. Tapos yan pa ang sasabihin mo sakin. Kaya naman pala lalong lumayo ang loob mo sakin. Kasintahan mo rin pala ang kasintahan ko.” iyak ni Arianne.

“Arianne, pasensya kana pero ramdam ko kasi na hindi na ako sumasaya sa’yo at sobrang saya ko kapag kasama ko ang kapatid mo.” nahihiyang sambit ni Ken.

“Sana sinabi mo sakin Ken diba? Hindi yung pinagmukha niyo kong dalawang tanga!” sigaw ni Arianne.

Wala nang naisagot pa ang dalawa. Iniwan muna nila ang naghihinagpis na si Arianne. Napagdesisyunan naman ni Arianne na mag-empake na at bumalik sa bahay nila sa Pasay. Pagkalabas niya nakita niyang nag-uusap sa hapag-kainan ang dalawa. Napansin siya ni Manoy.

“Ate, aalis ka? Kami na lang ni Ken ang aalis.” wika ni Manoy.

“Hindi na, ako na lang ang aalis. Ayoko naman tumira sa bahay kung saan panigurado ako nababoy niyo na ang bawat sulok. Masarap bang humalik ang nobyo ko?” sigaw ni Arianne.

“Hinay-hinay ka naman Arianne.” awat ni Ken.

“Hinay-hinay? Tingin mo makakapaghinay-hinay pa ako sa sakit na binigay niyo sakin? Saka Ken hindi mo man lang inisip yung halos anim na taong binuhos ko sayo lahat nang mayroon ako! Tapos ang sukli mo ganitong sakit? Pinagpalit mo ako Ken! Sa kapatid ko Ken! Sa kapatid kong lalaki Ken!” iyak ni Arianne.

Umalis ng umiiyak si Arianne. Hindi man niya alam kung paano babangon muli, kung paano magsisimula mag-isa, kampante naman na siya ngayon na walang nangloloko sa kanya.

Makalipas ang ilang taon ay nahanap rin naman ni Arianne ang lalaki para sa kanya, ngayon ay masaya na siyang namumuhay kasama ng asawa at dalawang anak. Si Ken at Manoy naman ay hindi rin nagkatuluyan, dahil ang relasyong nagsimula sa panloloko ay doon rin magwawakas.

Image courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement