Bunso sa dalawang magkapatid si Jonard. Nagtatrabaho siya sa isang factory malapit lamang sa kanila samantalang ang kuya Jobet niya ay isang chef sa Paris, France. Bagong kasal lamang ito sa misis nitong si Rosa, habang siya naman ay matagal nang kasal kay Marlene pero wala silang anak.
Dahil malaki naman ang bahay na naiwan ng kanilang mga magulang ay nagkasundo ang magkapatid na doon nalang itira ang kanilang mga misis. Sa ngayon ay tatlo lamang sila roon dahil bumalik na sa ibang bansa ang kapatid niya.
“Nard, ikaw na ang bahala sa ate Rosa mo ha?” sabi ng kanyang kuya sa kabilang linya.
“Oo kuya, ako na ang bahala. Medyo nagkakailangan pa kami pero wag kang mag alala. Hindi namin siya pababayaan,close na nga sila ni Marlene eh.” pagsisinungaling niya.
Kasunod noon ay nasulyapan niya ang misis na todo ang pag irap. Hindi naman kasi totoo ang kanyang sinabi, bwisit na bwisit si Marlene kay Rosa kahit pa mabait naman ang hipag niya.
Paano kasi ay nasusunod ang lahat ng luho nito, naiinggit ang misis niya. Na naiintindihan niya naman dahil maging siya ay may lihim ring pag iimbot kay kuya Jobet. Kung hindi lang talaga sila nakikinabang sa mga padala nito ay hindi niya na kakausapin pa ang lalaki.
Simula pagkabata kasi, mas na ito sa kanya. Mas magaling, mas madiskarte. Maging sa estado ng buhay nila ngayon, higit pa rin ito.
Naputol ang linya kaya inilapag niya na ang telepono sa isang tabi at sinalubong ang nakasimangot na asawa.
“Bakit mo naman sinabi iyon? Pakialam ko ba sa asawa niya?”
“Ano ka ba, hindi naman maaaring makarinig si Kuya ng masama tungkol sa misis niya. Aba, pakisamahan mo nalang muna si Ate Rosa. Malay mo ay maambunan ka ng mamahaling bag.” payo niya rito.
Nagpapadyak si Marlene, “Nakakainis naman eh! Bakit ba kasi kailangang sumipsip pa ako para maambunan? Bakit kasi hindi ka katulad ng kuya mo? Dumiskarte ka kasi!”
Nagpanting naman ang tenga ni Jonard, “Ano pa bang diskarte ang gagawin ko? Nadadamay pa ako sa asar mo sa hipag natin, kung gusto mong tarayan, ikaw nalang! Ayokong masira sa kuya!”
“Yan, yan! Sunud-sunuran ka! Wala kang sariling langoy eh, di ka nag iisip! Imbes na pakisamahan natin si Rosa, bakit hindi natin siya sipain paalis rito?” taas ang kilay na sabi ni Marlene.
“Edi putol rin ang padala sa atin, gaga.”
“Ikaw ang gago. Bakit mapuputol? Hindi na naman siya ko-contactin ng kuya mo dahil palalabasin nating may lalaki siya.” ang ganda ng ngisi nito, excited na sa gagawing ka-demonyohan.
“Hindi maniniwala si Kuya. Malaki ang tiwala niya sa misis niyang santo.”
“Bobo ka talaga. Hoy, ang utak hindi yan nakapatong lang sa ulo ha? Ginagamit yan. Tingin mo, kung may pictures.. magdududa pa ang kuya mo? Ano ang silbi mo? Gahas*ain mo si Rosa, isang gabi lang. Kukunan ko kayo ng litrato. Palalabasin natin sa kuya mo na binababoy niya itong bahay.”
Nagulat si Jonard sa suhestyon ng misis niya, hindi niya akalain na ganoon katindi ang kagustuhan nitong mapalayas ang kanyang hipag. Sa kabilang banda, matalinong ideya iyon. Tutal, nagagandahan rin naman siya kay Rosa. Para na rin siyang nanalo ng dalawang beses.
“Hoy gunggong, mag isip ka ha? Wag kang haharap sa camera. Kapag napaalis na si Rosa, wala namang ibang kamag anak ang kuya mo kundi tayo kaya sa atin na magpapadala. Plus, gaganda pa ang tingin niya dahil aakalain niyang may malasakit tayo.” sabi pa ni Marlene.
Napag-usapan ng mag asawa na isang Linggo ang kanilang hihintayin, bubwelo muna sila ng sumbong na pakonti-konti sa kanyang kapatid.
“Oo nga kuya eh, palaging hawak ni Rosa ang cellphone niya. Tsaka.. hindi naman sa pag aano ha, noong isang beses kasi ay binangungot ako kaya naisip kong buksan ang bintana para magpahangin. Ano, natanaw ko siya sa ibaba na may kausap na lalaki. Hindi naman, ayaw ko namang maghinala kuya.. nabanggit ko lang.” sabi niya.
Hindi naman nakakibo ang kanyang kapatid, nitong nakaraan ay hindi ito masyadong nakakatawag dahil may inaasikaso raw.
Mabilis lumipas ang isang Linggo, oras na para isagawa nila ang plano. Naligo pa talaga si Jonard, habang inirapan siya ng kanyang misis.
“Letse ka, kung hindi lang ako yayaman rito ay pinagsasampal na kita.” sabi ng babae. Hawak na nito ang camera.
Nakatapi ng twalya si Jonard na kumatok sa kwarto ni Rosa. Matagal bago lumabas ang babae.
“Ate.. Ate Rosa..” tawag niya. Ilang sandali pa ay pinihit nito ang seradura.
“Nard, bakit?”
Walang sali-salitang sinunggaban niya ito. Nagpapalag ang babae pero mas malakas siya, inihiga niya sa kama at sinigurong mukha lamang nito ang kita sa camera.
Pero hindi pa man din nakakatagal ng dalawang minuto ay naramdaman ni Jonard na may malalaking bisig ang humila sa kanya palayo, kasunod noon ay pinagsusuntok siya nang sunud sunod.
“K-Kuya?!” di makapaniwalang wika niya nang makita kung sino iyon.
Namumula sa galit ang kanyang kuya Jobet.
“Walanghiya ka! Akala mo siguro naputol ang linya noon ano? Narinig ko ang plano nyo! Walanghiya kayo!” gigil na gigil na sabi nito.
Nanginig sa takot si Jonard at kahit na walang saplot ay nagtatakbo palabas.
Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanya. Hindi niya tuloy namalayan ang isang pampasaherong bus na wala nang sakay at nagmamadali nang umuwi.
BLAG.
Humandusay sa kalsada ang hubo’t hubad na lalaki. Nadala pa siya sa ospital pero hindi na umabot pa. Habang si Marlene naman ay nagtangka ring tumakas pero nahuli ng mga pulis, sinampahan ito ng kaso ng mag asawa.
Laging tandaan na ang masamang hangarin kailanman ay hindi magtatagumpay. Mabilis ang karma sa mga taong sakim at mapagsamantala sa kapwa.
Images courtesy of www.google.com