Wiling-wili sa pag-scroll si Boyet sa facebook. Todo react, to share at todo comment pa siya sa mga post ng kaniyang mga tropa habang ang kanyang bunsong anak ay palakad lakad sa buong bahay nang walang saplot.
Nagtatrabaho sa isang factory ang asawa ni Boyet na si Maritess. Kakatapos lamang ng kontrata niya sa huli niyang trabaho kaya naman napagdesisyunan nilang mag-asawa na siya na muna ang mag-aasikaso sa kaniyang mga anak at sa buong bahay kaysa naman kumuha pa sila ng katulong.
“Papa, saan po nakalagay yung isang medyas ko? Gutom na rin ako wala ba tayong pagkain? Male-late na po ako eh.” daing ng panganay na anak ng lalaki.
“Hanapin sa mo drawer mo nasa may bandang baba lang yon. Kumain kana dyan may pagkain naman sa mesa eh kita mong may pinapanuod ako dito.” pagalit ni Boyet sa anak niya.
Habang aliw na aliw siya sa kaniyang pinapanuod, hindi na niya namalayan ang pag-alis ng anak niya patungong eskwela na wala man lang laman ang tiyan. Nabigla na lamang siya ng may malakas na pagbagsak siyang narinig.
Panigurado, ang kaniyang bunsong anak ay nahulog nanaman sa hagdan.
“Anak ka naman ng teteng Benjo, ang likot likot mo talaga. O tahan na, tahan na, yari nanaman tayo niyan sa mama mo eh. Tahan na anak.” pagpapatahan niya sa dalawang taong gulang na anak.
Mag-aalas otso na nang makauwi si Maritess. Hindi maipinta ang mukha nito sapagkat bumungad sa kanya ang magulong sala, pagpunta naman niyang kusina, nadatnan niya ang bulubunduking hugasin at pagtungo niya sa kwarto ang kaniyang butihing asawa nagce-cellphone, habang tulog ang kaniyang bunsong anak at nagawa ng assignment ang panganay.
Sa inis ni Maritess, dali-dali niyang pinatay ang wifi. Maya-maya pa ay sumigaw itong si Boyet dahil sa inis. Hindi man lang niya namalayang dumating na pala ang asawa niya.
“Sinong naghugot ng wifi?!” inis na sigaw ni Boyet.
“Ako, bakit?” pagtataray na sambit ni Maritess.
“Ay, andyan kana pala mahal. O kamusta ka sa trabaho? Napagod ba ang reyna ko?” paglalambing ni Boyet.
“Reyna mo? Baka katulong kamo. Uuwi akong pagod sa trabaho tapos ganito madadatnan ko sa bahay?” inis na sabi ni Maritess.
“Eh ano kasi eh, yang panganay, ayaw ako tulungan.” pangusong ika ni Boyet.
“Aba eh paano ka tutulungan eh nagse-cellphone ka lang. Tutulungan ka niya mag cellphone ganon? Tinanong ko nga yang panganay mo kanina sa chat kung nakakain siya bago pumasok aba sabi hindi daw at wala siyang isang medyas!”
Ano ka ba naman Boyet? O yang bunso mo may bukol nanaman, nahulog nanaman sa hagdan yan no? Habang ikaw busy kaka-facebook tama ba ako? Kailan ka ba magbabago Boyet? Kapag tuluyan nang naging bukol buong ulo ng anak mo?
Hanep naman! Simula mawalan ka ng tarabaho, wala ka na inatupag kundi yang cellphone na yan! Mahirap pa nagpakabit ako ng wifi eh. Hindi mo man lang mabitawan yan saglit para maalagaan man lang ang mga anak mo! Palagi ka na lang ganyan. Palagi na lang ganito ang bahay kapag uuwi ako!” galit na wika ni Maritess.
Walang maisagot si Boyet kaya naman binitawan na niya ang kanyang cellphone at nagsimulang maglinis ng sala. Habang ito si Maritess, hindi na kumain at tinabihan na matulog ang kanyang bunsong anak. Piantulog na rin niya si Benjo dahil may pasok pa kinabukasan.
Pagkatapos maglinis ni Boyet sinunod niyang hugasan ang mga pinggan at doon, napagtanto niyang parang naging katulong na nga noong mga nakaraang araw ang kanyang dating reyna na si Maritess.
“Nakakaawa nga talaga ang asawa ko. Pagod sa trabaho pagkatapos maglilinis pa ng bahay pag-uwi. Kung minsan ay maghuhugas pa ng pinggan. Habang ako nagsecellphone buong araw, kung minsan pa nadadatnan niyang tulog ako habang ang mga anak naming naglalaro. Sobrang nakakahiya ma pala talaga ako.
Wala na ngang trabaho, pabigat pa ako sa asawa ko. Ano ba kasing meron ang social media na yan bakit ako lokong-loko dyan? Napabayaan ko na buong pamilya ko. Babawi ako sa kanila.” sambit ni Boyet sa kanyang sarili.
Dali-daling tumabi si Boyet sa kaniyang asawa at niyakap itong mahigpit sabay sabing, “Pasensya kana mahal na reyna, mahal na mahal kita, magbabago na ako para sa inyong tatlo.”
Hindi naman masamang maaliw sa kung anong mayroon sa internet. Huwag lamang sosobra pagkat makakaligtaan mo ang mga bagay na mas importante kaysa sa social media—ang pamilya mo.
Image courtesy of www.google.com(
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.