Inday TrendingInday Trending
Ang Lihim ni Mister at ng Kasambahay

Ang Lihim ni Mister at ng Kasambahay

Isang matinik na pulis si Efraim. Hinahangaan siya ng mga kasamahan dahil lahat ng kasong hinahawakan niya ay nareresolba niya agad. Masuwerte rin siya sa asawa niyang si Rizza na bukod sa maganda na ay seksi pa, ngunit pagdating sa kama ay hindi masyadong masaya ang lalaki sa kaniyang misis.

“Hon, tulog na ang mga bata. Baka naman puwedeng…” malambing na bulong ni Efraim.

“Uhm… pagod ako, hon. Marami akong ginawa dito sa bahay kaya wala akong gana ngayon!”

“Sige na… Saglit lang natin gagawin!”

“Huwag matigas ang ulo, hon! Gusto ko nang magpahinga!” pakiusap ni Rizza

Hindi na ipinilit ni Efraim ang gusto niya sa asawa at hinayaan na lang itong matulog. Kaya bitin na bitin na naman siya.

Kinaumagahan, sa opisina ay tampulan na naman siya ng tukso ng kaniyang mga kasamahan.

“Pare, mukhang hindi ka na naman pinagbigyan ng misis mo kagabi, ah!” sabi ng kasamahan niyang si Ernest.

“Oo nga, p’re. Hindi ka na naman ba nakaiskor kaya hindi na naman maipinta iyang mukha mo?” pag-aasar pa ng kapwa niya pulis na si Patrick.

“Sinabi niyo pa! Ewan ko ba kay misis at palaging pagod na lang kapag niyaya ko.”

“Baka naman kasi hindi na nasisiyahan sa iyo si kumare kaya nagpapagud-paguran para hindi ka makaiskor!”

Napakamot na lang sa noo si Efraim sa pang-aasar ng mga kasamahan. Ang tanong niya sa sarili ay kung may pagkukulang nga ba siya sa asawa pagdating sa pakikipagt*lik o sadyang marami lang talaga itong ginagawa sa bahay at pagod sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak kaya palagi itong walang gana kapag yayayain niya?

Isang gabi, muli niyang niyaya si Rizza na magniig sila ngunit tinanggihan na naman siya nito dahil masakit daw ang katawan kakalinis ng banyo at kusina. Sa sobrang inis niya ay lumabas siya ng kuwarto.

Maya-maya ay nagising si Rizza at nakitang wala ang mister sa kama.

“Nagtampo yata ang loko,” wika ng babae sa sarili.

Lumabas siya ng kuwarto at napadako sa kusina. May narinig siyang humahalinghing sa loob ng kuwarto ng kasambahay nilang si Erma. Tahimik niyang pinakinggan ang mga ingay na nagmumula sa loob.

“Ay, hihi! Huwag diyan at may kiliti ako riyan, ahihi!” halinghing ng babae.

“Diyos ko! Huwag sanang tama ang hinala ko,” aniya.

Alas sais ng umaga nang gumising si Rizza. Napansin niyang tulog na tulog pa rin ang mister at halatang puyat.

“Humanda ka sa akin kapag nahuli ko kayo ni Erma!” inis niyang bulong sa sarili.

Malakas ang kutob ni Rizza na may nangyayaring kababalaghan sa loob ng kanilang bahay, na mayroong namamagitan sa kaniyang asawa at sa kasambahay nilang si Erma. Sa isip niya ay baka dahil sa hindi niya napagbibigyan ang mister sa gusto nito kaya ang kasambahay nila ang pinunpuntirya ng walang hiya niyang asawa.

Habang nasa kuwarto ay nagparamdam na naman si Efraim.

“Hon, hindi mo pa rin ba ako mapagbibigyan? Miss na miss na kita, hmm!” wika ng lalaki sabay halik sa leeg niya.

“Pagod ako, hon. Huwag ngayon, please!”

“Please naman, hon! Ilang araw mo na akong hindi pinagbibigyan, eh.”

“Eh, sa pagod nga ako! Kung gusto mo ikaw ang maghapong gumawa rito sa bahay at mag-alaga ng mga anak natin. Gusto mo palit tayo ng sitwasyon?”

Hindi na nagpumilit pa si Efraim nang magsalita na ang asawa. Ayaw niyang humaba pa ang usapan nila kaya minabuti niyang lumabas sa kuwarto at iwan itong mag-isa.

“Pupuntahan niya ang haliparot,” bulong ni Rizza.

Nag-intay muna siya ng ilang minuto bago sundan ang asawa. Maya-maya ay bumangon na siya sa kama at lumabas sa kuwarto.

Agad niyang pinuntahan ang kuwarto ni Erma at muling nagmatiyag. May narinig na naman siyang mga halinghing sa loob ng kuwarto ng kasambahay.

“Nakikiliti ako, hihi! Dahan-dahan lang!”

Nag-umpisa nang magsalubong ang kanyang kilay at agad na kinatok ng ubod lakas ang pinto ng kuwarto.

“Hoy! Lumabas kayo riyan, mga hayop kayo!” sigaw niya.

Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pinto.

“A-ate, bakit po?!” gulat na tanong ni Erma na nakatakip ng kumot ang katawan.

“At nagmamaang-maangan ka pa? Sino ang kasama mo sa kuwarto?”

Laking gulat ni Rizza nang lumabas din ang kasama ng kasambahay.

“Kayo ho pala, misis! P-pasensiya na po. Nakakaabala po ba kami ni Erma?” nahihiyang sabi ng houseboy nilang si Marlon.

“M-Marlon? Ikaw ang…”

“S-sorry po ate. Sa susunod po hindi na kami mag-iingay.”

Nalaman niyang matagal na palang may relasyon si Erma at ang kanilang houseboy kaya may milagrong ginagawa ang mga ito sa kuwarto ng kasambahay.

“Kung hindi ikaw, nasaan ang asawa ko?” nagtatakang bulong ni Rizza sa sarili.

Pabalik na siya sa kuwarto ng may marinig na naman siyang umuungol sa loob ng banyo.

Napansin niya na hindi nakasara ang pinto kaya agad niya iyong binuksan at tumambad sa kaniya ang asawa.

“E-Efraim? B-bakit mo pa ginagawa iyan?”

Huling-huli ni Rizza ang kanyang mister na nagsasariling sikap habang nakaupo sa inidoro. Pawis na pawis ito at halatang nabitin sa ginagawa.

“Hon, sorry, ito lang ang paraan na naisip ko para mailabas ang init sa aking katawan. Ayokong mambabae para lang makapagparaos dahil mahal kita, hon. Ayaw kitang lokohin at saktan kaya eto…” paliwanag ng lalaki.

Napaluha si Rizza sa sinabi ng mister. Hindi niya akalaing kaya nitong magtiis para sa kanya. Nagsisisi tuloy siya na pinag-isipan pa niya ito ng masama.

“Ako ang dapat humingi ng sorry, hon. Hindi kasi kita pinagbibigyan, eh. Hayaan mo babawi ako sa iyo ngayong gabi,” malambing niyang wika sa asawa.

“Talaga, hon?”

At binuhat na siya ni Efraim papasok sa kanilang kuwarto para pagbigyan ang matagal na nitong hinihiling sa kanya.

Mula noon ay may panahon na siyang pagbigyan ang hiling ng kaniyang mister. Ang gampanan ang kaniyang responsibilidad bilang asawa at bilang babae.

Advertisement