Inday TrendingInday Trending
Pinagtangkaan ng Bagong Asawa ang Kaniyang Buhay; Mabuti na Lamang at Nabuking ng Kaniyang Anak ang Plano nitong Pagpapaligpit sa Kaniya!

Pinagtangkaan ng Bagong Asawa ang Kaniyang Buhay; Mabuti na Lamang at Nabuking ng Kaniyang Anak ang Plano nitong Pagpapaligpit sa Kaniya!

Makalipas ang mahigit anim na taon buhat nang mawala ang kaniyang asawa ay nagpasiya si Hanilyn na muling buksan ang kaniyang puso upang may makatuwang siya sa pagpapalaki ng kaniyang anak ayon na rin sa payo ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman kayang-kaya naman niyang buhayin ang nag-iisang anak niyang babae ay alam niyang darating ang panahong maghahanap at maghahanap pa rin ito ng kalinga ng isang ama, kaya naman nagpasiya siyang simulang makipagkita sa mga lalaking kaedad niya na bukas sa mga ganoong sitwasyon, lalo’t may anak nga siya.

Maganda naman si Hanilyn. Bukod doon ay may pinag-aralan din siya at nagmula sa isang angkang may sinasabi sa buhay. Dahil doon ay mabilis na dumagsa ang mga manliligaw sa kaniya na ang iba ay noon pa man nagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal…

Ngunit sa lahat ng kaniyang mga manliligaw ay mayroong isang talagang nakakuha ng kaniyang tiwala’t loob, lalo na nang makita niya kung paano nito tratuhin at mahalin ang kaniyang anak kahit pa nga sinusuyo pa lamang siya nito, si Alfred.

“Ipinapangako ko sa ’yo, Hanilyn, na kapag sinagot mo ako, ituturing ko kayong reyna at prinsesa ng anak mo. Mahal na mahal kita at sana ay tanggapin mo ako bilang pangalawang ama ng anak mong si Hannah.” Iyon ang mga pangako sa kaniya noon ni Alfred na agad namang pinaniwalaan ni Hanilyn pati na rin ng kaniyang mga kaanak at kaibigan na botong-boto rito.

Kaya naman hindi nagtagal pa at nagpakasal silang dalawa ng lalaki at tumira sa iisang bubong, kasama ang anak ni Hanilyn na si Hannah. Doon sila naglagi sa bahay na pagmamay-ari ni Alfred, dahil anito ay ayaw naman daw nito na isipin ng mga kaanak niya na hindi niya sila kayang bigyan ng magandang tirahan man lang. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na si Alfred ay nagmula lamang sa isang mahirap na pamilya noon ngunit nagsumikap ito upang makapagpundar ng sariling ari-arian.

Naging masaya naman ang mga unang buwan ng pagsasama nina Hanilyn at Alfred. Sa katunayan ay matamis iyon at puno ng pagmamahal ng bagong kasal, kaya naman masaya na rin ang labing dalawang taong batang babae ng si Hanna para sa kaniyang ina at Tito Alfred. Kailan man ay hindi niya tinutulan ang pagiging masaya ng mga ito kahit pa nga minsan ay napapansin niyang tila nag-iiba ang ugali ng kaniyang Tito Alfred lalo na sa tuwing nakakainom ito. Madalas niya kasi itong makitang pangisi-ngisi sa isang sulok habang nakatingin sa kaniyang ina, o ’di kaya’y tinitingnan siya nito ng masama na hindi naman na niya naisipang isumbong sa ina dahil ayaw niyang maging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Ngunit hindi akalain ng batang si Hannah na isang araw ay matutuklasan niya ang tunay na kulay ng kaniyang Tito Alfred at ang totoong binabalak nito sa kaniyang ina!

Hating gabi na noon nang makaramdam ng matinding uhaw si Hannah dahil nanaginip siya ng masama. Kasama niya raw ang kaniyang pumanaw na ama, habang tumatakbo sila dahil hinahabol sila ng isang masamang tao. Kaya naman bumaba si Hannah upang magtungo sa kanilang kusina…

“Huwag kang mag-alala, babe… malapit ko nang matupad ang plano natin. Maipapaligpit ko na si Hanilyn at ang anak niyang si Hannah para sa akin na mapunta ang lahat ng kayamanan nilang mag-ina. Malaki-laking pera din ang makukuha natin kapag nagkataon. Paubos na rin kasi ang perang namana ko mula sa pagkawala ng huli kong biktima…”

Halos mapasinghap si Hannah nang marinig ang tinuran ng kaniyang Tito Alfred habang ito ay may kausap sa telepono. Mabilis niyang natutop ang kaniyang bibig upang pigilan ang pagkawala ng kaniyang natatakot na tinig at maingat siyang bumalik sa kaniyang kwarto.

Isang matalinong bata si Hannah kaya naman naisip niyang umakto na lamang ng normal habang kaharap ang kaniyang Tito Alfred at nang makaalis na ito’y saka niya isiniwalat ang kaniyang mga nalaman sa kaniyang ina.

“Ano kamo?!” Halos manlumo si Hanilyn sa kaniyang nalaman. Alam niyang hindi ipagsisinungaling ng kaniyang anak ang ganitong bagay. Nasasaktan man at natatakot sa mga puwedeng mangyari ay palihim na tumawag sa kaniyang mga kaanak si Hanilyn upang humingi ng tulong…

Ang buong akala ni Alfred ay naisakatuparan na niya ang lahat ng kaniyang plano… ngunit nang umuwi siya sa kaniyang bahay ay nadatnan niya ang mga pulis na dinadakip ang mga taong inutusan niya upang tapusin ang mag-ina! Dahil doon ay naparusahan si Alfred na mabilanggo habang buhay!

Advertisement