Inday TrendingInday Trending
Nasira ang Buhay ng Babae nang Dahil sa Kasamaan ng Isang Lalaki; Nasa Tabi lang pala Niya ang Salarin

Nasira ang Buhay ng Babae nang Dahil sa Kasamaan ng Isang Lalaki; Nasa Tabi lang pala Niya ang Salarin

Bulong-bulungan ang pagiging buntis ni Janine. Kalat sa buong eskwelahan na pakawalang babae ito. May iba pang naglabas ng isang malaswang video, kung saan usap-usapang siya ang bida.

Umiiyak niyang tinakbo ang comfort room at doon tahimik na humagulhol. Maya-maya ay narinig niyang may kumakatok mula sa labas. Nagpahid ng luha si Janine at inayos ang nagusot na uniporme bago binuksan ang pinto.

Mukha ni Patrick ang tumambad sa kaniya. Mabilis niyang niyakap ang kaibigan at humagulhol sa balikat nito. Awang-awa si Patrick sa kaibigan. Hinagod nito ang likod ni Janine at hinila muna palabas ng eskwelahan.

“Pare, hindi ko alam ang nangyari. May nalanghap akong amoy na siyang nagpawala ng malay ko, pagkatapos, paggising ko… paggising ko wala na akong suot!” Humagulhol na naman ang dalaga habang nagkukuwento.

Walang ibang mapagkatiwalaan si Janine kung hindi ang matalik na kaibigang si Patrick. Hindi rin makapaniwala ang pamilya ni Janine ang ganoong klaseng kahihiyang nakadikit sa pangalan nila. Bahay-eskwela lang kasi ang pinupuntahan niya at hindi rin siya nakikipag-relasyon.

Naging kalbaryo ang buhay ni Janine dahil sa pangyayari. Patagal nang patagal ay lumolobo ang kaniyang tiyan at nahahalata na ang kaniyang sinapupunan.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral kahit pa maraming mapanuring mata at mapanghusgang dila ang nakapaligid sa kaniya.

Naging tampulan siya ng tukso. Naranasan niya ang ibaʼt ibang klase ng panlalait sa kaniyang pagkatao. Binu-bully siya. Lagi siyang pinag-uusapan at binabastos dahil sa malaking eskandalong kumalat tungkol sa kaniya. Mabuti nalang at nariyan si Patrick upang ipagtanggol siya araw-araw.

Matapos ang siyam na buwan ay nanganak si Janine ng supling na lalaki. Naging masaya siya at katulong ang mga magulang sa pag-aalaga sa bata. Hindi rin sumuko ang mga ito sa paghahanap sa lalaking gumah*sa sa kaniya. Naging mailap ang kaso ng panggagahasa dahil ang natatandaan niya lang ay maliit na peklat sa kanang bahagi ng balikat nito.

Si Patrick ang naging sandigan ni Janine sa araw-araw. Katulong niya ito sa lahat ng gawain niya sa school, maging sa pag-aalaga sa kaniyang anak na si Javez Rick. Nakapagtapos sila pareho ng pag-aaral hanggang sa ligawan siya nito na agad niya namang tinanggap. Nahulog na rin kasi siya sa binata.

Limang taon na si Javez. Nagpakasal na rin si Janine sa matalik na kaibigan… ngunit pagsisisihan pala niya iyon!

Sa mainit nilang pag-iisa ay nag-alis ng suot si Patrick. Tumambad sa kaniya ang maliit na peklat sa kanang balikat nito. Nanlaki ang mata ni Janine sa nakita.

“Ikaw!” galit na galit na sigaw ni Janine.

“Janine, anong ako?” tanong naman ni Patrick.

“Ikaw ang gumah*sa sa akin!” Umiiyak na sigaw ni Janine sa kaniyang asawa. “Ikaw ang gumah*sa at sumira sa pagkatao ko. Binaboy mo ako! Walang hiya ka.” Pinaghahampas niya ang asawa sa dibdib at mabilis na tinakpan ang sarili.

Napahagulhol si Janine. Sa tagal nilang hinanap ang may sala sa pagkakagah*sa sa kaniya at narito, nasa harap niya lang pala.

“J-Janine, p-patawarin mo ako. Nagkamali ako pero mahal na mahal kita.” Niyakap ni Patrick si Janine ngunit nagpumiglas ito.

“Hindi mo ako mahal. Mahal mo lang ang katawan ko, hindi ako!” sigaw nito sa asawa.

Mabilis na nagbihis si Janine at nagtatakbo sa kaniyang mga magulang. Lumuluha niyang niyakap ang anak na si Javez. Kaya pala marami ang nagsasabing kahawig ni Javez ang asawa niya dahil ito naman pala talaga ang tunay nitong ama.

Agad nilang ipinahuli si Patrick sa mga pulis. Nagmakaawa pa ito ngunit nais niya pa ring makuha ang hustisya sa ginawa nito sa kaniya noon.

Pinalaki ni Janine ang anak nang buong pagmamahal at pag-aaruga. Inilayo niya ito mula sa mga maaring makasakit dito. Ayaw niyang maranasan nito ang mga dinanas niya noon dahil sa kasalanang hindi niya ginawa. Naging mapayapa sila hanggang makatapos ng high school si Javez.

Hanggang sa dumating ang panahong nakalaya na si Patrick at dinalaw sila…

“Hindi ko alam kung kaya mo pa akong patawarin, Janine. Pero gusto kong malaman mo na hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Pinagsisisihan ko na ang nagawa kong kasalanan sa ʼyo. Sana, pagbigyan mo pa rin akong bumawi sa anak natin,” pagsusumamo ni Patrick na noon ay agad siyang pinuntahan.

Nang mga panahong iyon ay hilom na ang sugat sa puso ni Janine at napatawad na niya si Patrick. Tutal ay pinagbayaran na nito ang nagawa nitong kasalanan, handa na siyang ipakilala ito sa kaniyang anak.

Advertisement