Inilalayo ng Lalaki ang Sarili sa mga Bago Niyang Katrabaho; May Pinagdaraanan Pala Siya

Usap-usapan ng mga empleyado sa isang kumpanya ang bago nilang katrabaho na si Luis. Bukod kasi sa napakatahimik ng lalaki ay hindi rin ito nakikihalubilo sa kanila.

“Alam niyo ba na si Luis na bagong pasok dito sa opisina, hindi ko masyadong feel! Parang ang suplado niya. Tinanong ko lang kung first job niya dito, aba hindi ako sinagot!” kwento ni Karla.

“Sinabi mo pa! Sobrang napakatahimik ng lalaking iyon. Feeling ko nga, bin*bae siya, e!” sabi naman ni Maureen.

“Girls, hindi pa nga natin siya lubos na kilala pinaghihinalaan niyo na agad. Kilalanin muna natin kaya iyong tao bako tayo manghusga,” sabad naman ni Alfie.

“Yayain niyo kasi palagi kapag lunch time!” ani Maureen.

“Hmmm… Malakas talaga ang kutob ko sa lalaking iyon, e. Nararamdaman kong may itinatago siya,” sagot ni Karla.

Isang araw, nakita nila ito na mag-isang kumakain sa pantry. Agad na nilapitan ng tatlo ang bago nilang kaopisina.

“Hello, Luis! Bakit naman mag-isa kang kumakain? Puwede ka namang sumama sa amin mag-lunch!” wika ni Maureen.

Advertisement

“A, e wala lang. Gusto ko lang na mapag-isa,” maikling sagot ng lalaki.

“Gusto mo samahan ka namin? Dito na lang din kami kakain ng lunch,” yaya ni Alfie.

Nagsi-upo ang tatlo sa tabi ni Luis at sinaluhan itong kumain.

Maya-maya ay bigla itong tumayo at nagpaalam nang aalis.

“M-mauuna na ako sa inyo ha?” mahina nitong sabi.

Nagmamadaling umalis sa pantry ang lalaki. Nagkatinginan naman ang tatlo at tila nadismaya sa inasal ng katrabaho.

“Nakita niyo, iyon? Ayaw niya talaga tayong makasama! Wala namang ibang sinasamahan ang lalaking iyon, e. Gusto niya palagi siyang nagsosolo!” inis na sabi ni Karla.

“Hayaan na lang muna natin siya. Baka naman kasi nag-a-adjust pa rito sa opisina,” ani Alfie.

Advertisement

Nang sumapit ang araw ng Biyernes ay niyaya nila ang kanilang bagong katrabaho na sumama sa kanila na mag-inom ngunit labis ang pagtanggi ni Luis.

“Sorry, pasensiya na pero hindi ako makakasama sa inyo. Hindi ako umiinom, e!” anito.

“H-hindi ka umiinom? Hindi kami naniniwala sa iyo. Huwag ka nang mahiya sa amin. Tayo-tayo lang naman ang mag-iinuman kaya sumama ka na!” pilit ni Maureen.

“Oo nga naman. Para makilala ka naman namin, Luis. Sobrang tahimik mo kasi at palaging nag-iisa kaya gusto ka naming maka-jamming sa inuman,” wika naman ni Alfie.

“Sorry talaga, pero hindi puwede. Hindi talaga ako umiinom. Sige ha, uuwi na ako,” nagmamadaling sabi ng lalaki.

“Kita niyo? Alam n’yo, nag-aaksaya lang tayo ng panahon sa kaniya!” sabad ni Karla.

“Mukhang tamad na tamad na kasama tayo. Baka naman mga boys ang gusto niyang kasama kaysa sa atin!” sabi ni Maureen.

“Kahit sa mga kapwa niya lalaki, hindi rin siya sumasama! Takot na takot sa tao!” ani Karla.

Advertisement

“Ano kaya ang itinatago nitong si Luis at palaging ayaw makihalubilo sa atin?” nagtatalang sabi ni Alfie.

Nagplano ang tatlong babae. Hinding-hindi sila titigil hanggang hindi nila natutklasan kung ano nga ba ang lihim na pagkatao ni Luis. Kinuntsaba nilang tatlo ang kanilang Supervisor para lubos nilang makilala ang katrabaho.

Isang araw, ipinatawag ng kanilang Supervisor ang lalaki.

“Mr. Castillo, please have a sit!”

“Bakit niyo po ako ipinatawag, sir?”

“May get together ang department natin sa susunod na Biyernes. Ang lahat ng empleyado sa department natin ay dapat na kasama sa salo-salong iyon, kaya dapat naroon ka rin, Mr. Castillo. Balita ko kasi ay hindi ka raw mahilig sumama sa mga lakad ng mga kaopisina mo,” sabi ng Supervisor.

“A, e, sir kasi po…”

“Wala nang pero, pero, sasama ka sa get together na iyon, Mr. Castillo. Huwag kang mag-alala at magiging masaya ang gabing iyon. May kainan, palaro, kantahan at iba pa.”

Advertisement

Walang nagawa si Luis kundi sabihin sa Supervisor nila na dadalo siya sa pagtitipong iyon ng kanilang departamento kahit labag sa loob niya.

Nang sumapit ang get together party ay laking gulat niya dahil agad siyang isinalang sa isang game. Kailangan niyang tumakbo at tumalon. Wala na siyang nagawa kundi ang gawin iyon dahil ayaw niyang may sabihin na naman sa kaniya ang mga kasama.

Maya-maya ay nakaramdam na siya ng pagod at pagkahilo sa ginawa niyang pagtakbo at pagtalon hanggang sa bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Nagkagulo ang mga mga katrabaho ni Luis. Aagad naman siyang inalalayan ng mga kasamang lalaki. Nilapitan din siya nina Alfie, Karla at Maureen.

“Ayos ka lang ba, Luis? Uy, gumising ka!” nag-aalalang sabi ni Alfie.

Agad siyang dinala sa ospital ng mga kasama sa trabaho at ipinatingin sa doktor.

Maya-maya ay dumating na ang mga magulang ng lalaki.

“Nasaan ang anak ko, nasaan si Luis?” nag-aalalang tanong ng ina.

Advertisement

“Anong nangyari sa anak namin?” sabi naman ng ama ni Luis.

Nang makita na nakaratay sa higaan ang anak ay napahagulgol na nang tuluyan ang ina.

“Anak, anong nangyari sa iyo? Nagpagod ka na naman siguro ‘no! Alam mo naman na bawal sa iyo ang mapagod, e!” anito.

“Misis, huwag na po kayong mag-alala, wala naman pong masamang nangyari sa anak niyo,” sabad ng doktor.

“Kami po ang mga kasamahan niya sa trabaho. Bakit po bawal siyang mapagod? May sakit po ba si Luis?” tanong ni Maureen.

Muling napaiyak ang babae.

“Bawal siyang mapagod dahil may sakit siya sa puso. Sinabihan na kami ng doktor na kapag muli siyang inatake ay baka iyon na ang huling atake niya,” hagulgol ng ina.

Nakaramdam ng guilt ang mga katrabaho ni Luis. Kung hindi sila nagplano ng party at isinali ito sa laro ay hindi ito mapapagod.

Advertisement

Nang biglang nagising si Luis sa pagkakatulog.

“Luis, anak mabuti naman at nagising ka na!” sabi ng ama.

“Anak, kumusta ang pakiramdam mo? Sobra ka bang napagod, anak?” maluha-luha pa ring sabi ng ina.

“Nahilo lang po ako, mama. Huwag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako.”

“Sorry, Luis, kung napagod ka dahil sa amin. Kasalanan namin, kami ang kumausap sa Supervisor natin para magkaroon tayo ng get together party. Napapansin kasi namin na palagi kang umiiwas sa amin at ayaw mong makisama, iyon pala ay may sakit ka,” paliwanag ni Karla.

“Itong sakit ko ang dahilan kung bakit gusto ko palaging mapag-isa. Ayoko na kapag nalaman niyo ay kaawaan niyo lang ako. Kaya umiiwas din ako sa mga pagyaya niyong lumabas tayo dahil ayokong bigla na lang akong mapagod at mawalan ng malay kagaya ng nangyari sa akin kanina. Ayoko ng kinakaawaan ako. Naisip ko na sumama sa party at sumali sa laro para mapatunayan kong kaya ko ring gawin ang kayang gawin ng mga taong walang karamdaman,” hayag ng lalaki.

“Huwag ganyan ang isipin mo, Luis. Narito kami para unawain ka at suportahan ka. Hindi ka namin huhusgahan dahil sa karamdaman mo. Narito kami bilang mga kaibigan mo na nakakaintindi sa pinagdadaanan mo,” wika ni Alfie.

“Oo nga, anak. Ipagpatuloy mo ang buhay at huwag kang magpatalo sa sakit mo. Dahil narito kami ng mama mo at ng mga kaibigan mo na handang umunawa at dumamay sa iyo,” sabi ng kaniyang ama.

Advertisement

Napagtanto ni Luis na kahit mayroon siyang sakit ay hindi siya dapat lumalayo sa mga taong nakakasalamuha niya. Bagkus ay kilalanin niya ang mga ito lalo na ang mga taong gusto siyang maging kaibigan.

Mula noon ay naging malapit na si Luis sa kaniyang mga katrabaho. Natuto na rin siyang buksan ang sarili sa mga tao na handang umunawa sa kaniyang kalagayan.