Inday TrendingInday Trending
Pinaplanong Maigi ng Lalaking Ito ang Pakikipaghiwalay sa Asawa Niya; Grabe ang Magiging Resulta Nito sa Buhay Niya

Pinaplanong Maigi ng Lalaking Ito ang Pakikipaghiwalay sa Asawa Niya; Grabe ang Magiging Resulta Nito sa Buhay Niya

“Mark, hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo pa rin iniiwan si Sheila?” nguso ni Beng kay Henry, kabit ng lalaki.

“Huwag kang mag-alala, sinasalin ko lang lahat ng mga pera at inaayos ang bahay at ang ibang mga pinag-ipunan ko para siguradong sa atin mapupunta ang lahat. Kailangan mo lang magtiwala sa akin,” sagot naman kaagad ni Henry.

“Ang dapat mo lang isipin ngayon ay alagaan ang sarili mo para makabuo na tayo ng anak,” mabilis na dagdag ng lalaki rito.

“Magdadalawang taon na akong kabit, lagi mong sinasabi na iiwan mo na ‘yang asawa mo pero hanggang ngayon ay puro salita lang, napapagod na ako, Henry. Hindi tayo makakabuo ng anak kung palaging ganito ang pagkikita natin. Isa pa, pakiramdam ko ay gusto mo lang akong anakan kasi hindi ka kayang bigyan ng asawa mo,” mas lalo pang busangot ni Beng sa kaniya.

“Malapit nang mangyari ang lahat ng pangako ko sa’yo,” maiksing sagot ng lalaki sabay suot ng pantalon niya at nag-ayos na ito ng sarili dahil tapos na ang tatlong oras nilang pananatili sa motel ni Beng.

Isang dekada nang mag-asawa si Henry at Shiela at dahil parehas ang dalawa na ginustong umahon muna sa kahirapan ay isinantabi muna nila ang pagkakaroon ng supling. Ngunit makalipas lamang ang pitong taon ay kaagad na nakapagpundar ang dalawa. Nariyang nakapagpatayo na sila ng sarili nilang bahay, nagkaroon ng sasakyan at nadagdagan pa ang negosyong pinagkakitaan nila. Ngunit nang mapagpasyahan nila na magkaroon na ng anak ay tila hindi siya mabigyan ng babae.

“Nandito na ako,” bati ni Henry sa kaniyang misis na naabutan niyang nagluluto ng hapunan.

“Hon, I love you,” sabi ni Shiela sa kanya sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.

“Ano na naman ‘yan, bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?” balik agad ng lalaki sa kanya nang mabosesan niya ang lungkot sa babae.

“Alam mo ba kung anong araw ngayon? 11th year anniversary natin,” ngiting paalala muli ng babae sa kaniya.

Mabilis na napalunok ng laway si Henry at tinanaw ang kalendaryo sa kanilang pintuan para siguraduhin ang petsa. Tama nga ang misis niya, araw pala talaga ng anibersaryo nila ngayon.

“Pasensya ka na, marami lang akong iniisip kaya hindi kita nabati pero hindi ko naman nakalimutan,” depensa ng lalaki rito.

Hindi naman umimik pa ang misis niya at napangiti na lang ito. Hanggang sa lumipas ang buong magdamag na hindi na sinubukan ng mag-asawa ang bumuo ng supling.

Lingid sa kaalaman ni Sheila, unti-unti nang sinasalin ni Henry ang mga ipon niyang pera sa ibang bank account na hindi mahahabol ng misis kapag nakipaghiwalay na siya rito.

“Alam mo, Pareng Jose, medyo nagtataka na rin ako kay misis. Kasi ilang beses na akong umuuwi ng dis-oras ng gabi at ilang beses na rin niya akong muntik mahuli pero ni minsan hindi man lang niya ako kinompronta kung may iba na ba ako. Alam mo bang swerte na ang isang beses sa isang buwan na may mangyari sa amin at kahit iyon ay hindi na rin niya pinagtatakhan,” siwalat ni Henry sa kaniyang matalik na kaibigan na si Jose.

“E ‘di ba sabi mo sa akin na abogado ang pinsan niyang asawa mo, baka hindi mo lang alam ay nakahanda na ang kaso mo. Kung ako sa’yo, ngayon pa lang, umamin ka na kay Sheila,” suhestiyon ni Jose sa kaniya. Agad namang nakinig ang lalaki sa pangungumbinse ng kaniyang kaibigan.

“Hon, may sasabihin ako sa’yo,” seryosong wika ni Henry sa asawa.

“Shhh, huwag mo nang sabihin. Matagal ko nang alam,” nakangiting sagot agad ng misis niya. Malakas na kumabog ang dibdib nito.

“Hihiwalayan ko na siya, huwag na tayong humantong sa korte, patawarin mo ako, Shiela,” mabilis na luhod ng lalaki.

“Hon, ako ang dapat na humingi ng tawad sa’yo,” mabilis na saad ng babae at itinayo ang mister niya.

“Halos dalawang taon na rin ang lumipas mula nang malaman ko na may sakit at may taning na ang buhay ko. Matagal ko na ring alam na may ibang babae ka pero naisip ko na lang mas mabuti na ito para sa atin para kapag nawala ako ay may mag-aalaga sa’yo. Hiling ko lang, Henry, na mabiyayaan na kayo ng supling bago pa man ako mawala sa mundong ito. Gusto ko man lang makita kung anong itsura ng lahi mo,” siwalat ng babae sabay yakap sa kaniya.

Hindi makapaniwala ang lalaki sa kaniyang nalaman, inulit-ulit niya ito ngunit hindi pa rin nagbago ang katotohanan. Para siyang s!n@ks@K sa dibdib nang malaman ang tunay na kalagayan ng kaniyang asawa habang siya ay abala sa paglihim ng kabit niya. Hindi nagtagal ay pumanaw nga talaga si Shiela at parang may karmang dumating sa lalaki dahil kahit na maayos na nag-usap si Beng at Shiela ay tila mapaglaro ang tadhana dahil hindi pa rin nabubuntis si Beng, at ang mas masakit pa nga nito ay iniwan siya ng babaeng akala niya ay magiging kapalit ni Shiela sa kaniyang buhay.

Hanggang sa lumipas ang panahon ay tumandang nag-iisa si Henry, walang anak, walang asawa. Ngayon niya pinagsisihan na hindi niya inalagaan ang kaniyang asawa, na mas minahal niya ang pera kaysa kay Shiela. Ngayon niya nakita ang importansya ng panahon, pagmamahal at salapi. Ngayong huli na ang lahat.

Advertisement