Inday TrendingInday Trending
Hindi Magawang Pakasalan ng Dalaga ang Kasintahan sa Takot na Mabunyag ang Madilim na Nakaraan; Ano Kaya ang Naging Reaksyon ng Lalaki nang Masiwalat ang Lihim ng Nobya?

Hindi Magawang Pakasalan ng Dalaga ang Kasintahan sa Takot na Mabunyag ang Madilim na Nakaraan; Ano Kaya ang Naging Reaksyon ng Lalaki nang Masiwalat ang Lihim ng Nobya?

Nangako si Abigail na irereserba niya ang sarili at iingatan upang maging katanggap-tanggap sa lalaking mamahalin.

“Basta ibibigay ko lamang ang sarili ko sa lalaking karapat-dapat kapag ikinasal na ako upang mapanatili ang puri at reputasyon ko. Gusto kong puro ako at birhen kapag nagsuot ako ng wedding gown, nang sa ganoon, malinis rin akong haharap sa Panginoon,” nakangiting sabi ni Abigail.

Sa edad na 13 ay kita na agad ang taglay na ganda ni Abigail. Maputi at makinis ang kaniyang balat, matangos at ilong at maliit ang mukha. Halos perpekto na nga kung titingnan.

Hiwalay ang mga magulang ng babae. Bata pa lamang siya ay naghiwalay na ang mga ito dahil hindi na raw magkasundo. Kaya nangako rin si Abigail na hindi siya matutulad sa mga ito.

Isang araw, nakatanggap si Abigail ng tawag mula sa ama. Ilang taon niyang hindi ito nakita o narinig man lang kaya ganoon na lamang ang kaniyang kasabikan.

“Kumusta ka na anak?”

“Okay na okay po ako, papa! Kayo, kumusta po? Miss ko na po kayo,” tugon naman ng dalagita.

“Miss ka na rin ni papa. Sa Sabado maaari mo baa kong kitain? Magkita na lamang tayo sa waiting shed sa may lumang palengke at doon kita susunduin ha?

‘Wag mo na lamang sanang sabihin sa mama mo. Alam mo naman yun, di ako pinapayagang lumapit sa’yo,” saad ng ama.

“Yehey! Opo, papa. Sasabihin ko na lang po sa kanila nila lola na may activity po kami sa school,” masayang-masaya na sagot ni Abigail.

Halos hindi makatulog si Abigail sa sobrang kasabikan na muling makita ang ama. Kaya’t binibilang niya ang bawat araw na lumilipas hanggang sa dumating ang araw ng Sabado.

Nagpaalam si Abigail na pupunta sa paaralan upang mag-practice daw ng sayaw. Nagsuot siya ng puting bestida at nagpabango.

“Sa wakas! Makikita ko na ulit ang papa ko!” nangingiting bulong ng dalagita sa sarili.

Maagang dumating doon si Abigail. Wala siyang cellphone kaya hindi niya ma-contact ang ama. Kaya’t pinili na lamang niyang mag-intay.

Lumipas ang isa, dalawa, hanggang tatlong oras, ngunit walang ama na lumitaw sa napag-usapang tagpuan. Hanggang sa may lalaking matangkad ang lumapit sa kaniya.

“Hija, may iniintay ka ba?” tanong ng di kilalang lalaki.

“Ah, e, opo… pero parating na po ang papa ko,” may halong takot na sabi naman ng dalagita.

“Ay, oo! Ikaw nga! Hindi ako nagkakamali, ikaw yung pinasundo sa akin ng papa mo!” nakangising sabi ng lalaki.

“K-kilala n’yo po ang papa ko?”

“Oo naman! Sige, sabihin mo nga sa akin ang hitsura ng papa mo?!”

“Medyo matangkad po na maputi. Tapos matangos po ang ilong at brown po ang mata,” saad ng dalaga.

“Tama! Siya nga! Hija, pinapasundo ka kasi niya sa akin. Nandoon na ang papa mo sa sasakyan. Kanin aka pa iniintay. Hindi lang makababa kasi masama daw ang pakiramdam,” pahayag naman ng lalaki.

“T-talaga po? Kasama ninyo po siya?” tila ba nabuhayan naman ng dugo ang bata.

“Oo, kaya halika na para makita mo na ang papa mo!”

Agad na tumayo si Abigail at sumama sa hindi kilalang lalaki. Bilang bata pa at musmos pa mag-isip, madaling nauto ng lalaki ang dalagita.

Pagbukas ng pintuan ng sasakyan, walang “papa” na tumambad kay Abigail. Biglang tinakpan ng lalaki ng puting panyo ang kaniyang ilong at bibig at doon nagsimulang magdilim ang paligid at mawalan ng malay ang dalagita.

Nagising si Abi na nasa loob ng kulong ng kwarto. Nakitang niya ang lalaking kausap na nakahubad at nanlilisik ang mata na nakatitig sa kaniya.

“Parang awa n’yo na po. Uuwi na po ako. Gusto ko na pong umuwi!” pakiusap ng bata.

“Wag kang maingay! Sumunod ka na lang sa gusto ko para makauwi ka nang buhay!” sagot naman ng lalaki.

Tumabi ang lalaki at saka hinawakan sa katawan ang dalagita. Tinanggal nito ang bestida at saka pinagala ang kamay sa maseselang bahagi ng katawan.

Napasigaw si Abigail sa sobrang takot kaya sinampal siya ng malakas ng lalaki at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

“Kapag hindi ka sumunod, isa-saks*k ko sa’yo ‘to!” galit na saad ng lalaki.

Walang nagawa si Abigail kundi sundin lahat ng utos ng lalaki. Nang araw na iyon, nakuha ang buong pagkababae ni Abigail ng lalaking hindi naman kilala.

Tulala si Abigail na ibinaba sa damuhan. Tila na manhid ang buo niyang katawan at hindi makapag-isip ng tama. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, pero isa lang ang alam niya, hindi sumipot ang ama niya kaya nangyari iyon sa kaniya.

Napag-alaman niyang inuna pala ng ama niya ang bago nitong kinakasama kaya hindi siya napuntahan nang araw na iyon.

Magmula noon, nag desisyon si Abigail na ilihim at ibaon sa limo tang masamang karanasan. Wala siyang pinagsabihan na kahit sino sa takot na mahusgahan. Nangako rin siyang hinding-hindi na muling magtitiwala pa sa kahit sino, lalo na sa mga lalaki.

Lumipas pa ang mga panahon, nakapagtapos ng kolehiyo si Abigail at nagtrabaho sa isang magandang kompanya. Doon niya nakilala si Christian, isang gwapong binata na nagtangkang sungkitin ang kaniyang matinik na puso.

Nanligaw si Christian ngunit talagang paulit-ulit siyang bina-basted ng dalaga. Kung tutuusin, pangarap ng kababaihan ang binata. May magandang trabaho, gwapo, malinis sa katawan at maginoo pero medyo bastos. Pero talagang hindi umubra ang mga iyon kay Abigail.

“Bakit ba ayaw mo sa’kin? Willing naman akong gawin ang lahat para sa’yo. Matino naman ako at hindi naman kita lolokohin. Ano bang problema?” tanong ni Christian.

“Wala, lalaki ka,” simpleng sagot naman ni Abigail na hindi maintindihan ng binata kung bakit ganoon.

Pero kahit ata halos isang daang beses nang na-basted, hindi pa rin tumigil ang binata. Ginawa niya ang lahat upang suyuin ang dalaga. Hindi naman siya nabigo, dahil nagsimula nang lumambot ang puso ni Abigail.

Labis ang takot ni Abigail dahil matapos ang ilang taon na pag-iwas, nakaramdam siya ng pag-ibig sa kaniyang puso. Wala siyang alam sa mga relasyon o pag-ibig na iyan, kaya paano na lamang siya?

Isa pa niyang kinatatakot ay ang malaman ni Christian ang sikretong kaniyang pilit na itinatago. Matatanggap pa kaya siya ng lalaki kahit na may mapait siyang nakaraan?

Matapos ang halos isang taon na panliligaw, lumambot ng tuluyan ang puso ng dalaga at saka ibinigay kay Christian ang matamis na matamis niyang ‘oo.’

Naging maganda ang pagsasama nila at kahit papaano’y naging palagay ang loob ni Abigail. Sobrang respeto kasi ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki.

“Kahit na minsan ay sobrang natutukso ako, pangakong hindi kita pipilitin sa isang bagay na hindi ka pa handa. Mag-iintay ako hanggang sa dumating ang tamang panahon na kaya mo nang ipagkatiwala ang sarili mo sa akin,” saad ng lalaki nang minsan mabuksan ang usapan tungkol sa sensitibong paksa.

Mas lalong minahal ni Abigail si Christian dahil doon. Ibang-iba siya kumpara sa ibang mga kalalakihan. Tila ba hulog ng langit talaga. Pero ganoon pa rin kaya ang maging reaksyon niya kapag nadiskubre niya ang lihim ng kasintahan?

Lumipas pa ang panahon, nag-alok na ng kasal si Christian. Labis na nayanig ang mundo ni Abigail dahil doon. Naghalo-halong takot at saya ang naramdaman niya, pero mas nanaig ang takot.

“S-sorry, Christian, hindi ko matatanggap ang alok mo,” pagtanggi ni Abigail sa singsing na hawak ng nobyo.

“Pero bakit? Anong problema? May mali ba? May kailangan baa kong baguhin? Sabihin mo, please? Mahal na mahal kita, Abi!” naguguluhang tanong ng binata.

“I’m sorry…”

Tumakbo si Abigail palayo at umiyak, pero agad naman siyang sinundan ng nobyo.

“Anong problema? Napre-pressure ka ba? Kaya ko pang mag-intay kung hindi ka pa handa,” malumanay na sabi ng lalaki.

“H-hindi ‘yon. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako. I’m sorry, pero may hindi ka pa alam tungkol sa akin,” umiiyak pa rin na pahayag ng dalaga.

“Ano iyon?”

“Hindi na ako birhen… napagsamantalahan ako noong bata pa ako. Iyon ang dahilan kaya mailap ako sa mga lalaki. Iyon ang dahilan kaya ayokong mahulog kanino man. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako. Hindi ako karapat-dapat sa tulad mo,” pag-amin ng dalaga.

Napaluha naman ang binata sa narinig. Hinila niya ang dalaga at saka niyakap ng napakahigpit.

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa’yo? Tingin mo ba hindi kita kayang tanggapin dahil sa nakaraan mo, Abi?

Mahal kita, Abi. Mahal na mahal kita! Tanggap ko ang lahat sa’yo. Pati na ang nakaraan mo. Mahal ko ang mga bagay na ayaw mo sa sarili mo. Higit pa yung pagmamahal ko sa mga takot mo.

Kahit ano pa ang nakaraan mo, walang magbabago sa pagtingin at pagmamahal ko sa’yo! Malaki ang respeto ko sa’yo at hindi mababawasan o mawawala iyon!” lumuluhang pagtatapat ng lalaki.

Lalo namang napaiyak si Abigail sa narinig. Hindi niya inaasahang ganoon kalalim ang pagmamahal sa kaniya ng lalaki. Hindi niya lubos-maisip na may ganoong lalaki pa sa panahon ngayon.

“Kung mahal mo ako at may tiwala ka sa akin, hayaan mong patunayan ko kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sa’yo.

Kasing laki ng barko lang ang takot mo, pero kasing laki ng karagatan ang pagmamahal ko sa’yo, Abi. Please be my wife… will you marry me?” muling lumuhod ang lalaki at inialay ang hawak na singsing.

Umiiyak na tumango si Abigail. “Yes, I will marry you!”

Napaluha naman sa kaligayahan si Christian at saka humalik sa noo ng dalaga.

“Pangako, aalagaan kita ng sobra. Hinding-hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita, Abigail,” sambit ng lalaki habang nakayakap ng mahigpit sa babaeng minamahal.

Nagpakasal sina Abigail at Christian matapos ang kalahating taon na preparasyon. Ngayon, may panganay na sila at masayang namumuhay. Mas lalong tumindi ang pagmamahalan nila at mas naging bukas sa isa’t isa.

Lahat ng masasamang alaala ni Abigail ay napalitan ng masasaya at maliligayang alaala. Tila ba natapalan ng kapanatagan, tiwala at sobra-sobrang pagmamahal ang lahat ng pangamba na naramdaman noon. Pinatotohanan ni Christian ang bawat pangako niya at tinuring na reyna ang asawa.

Ang pagtanggap sa katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin. Ang pagtanggap naman sa ‘di kaaya-ayang nakaraan ng iba ay pagpapakita ng tunay at wagas na pagmamahal.

Advertisement