Buntis na Tiboom

Hinding-hindi malilimutan ni Xanne ang nangyari sa kaniya mag-iisang taon na ang nakalilipas. Marahil ay kasalanan niya rin dahil masyado siyang nagtiwala sa mga taong inakala niyang ‘kaibigan.’

Pusong lalaki kasi siya. Ipinanganak siyang Roxanne pero kapwa niya babae ang nakakabihag sa kaniyang atensyon. Nagkaroon na rin siya ng ilang girlfriends pero hindi naman nagtatagal.

Sa katunayan ay kabe-break lang niya noon sa isang nobya kaya nakipag-inuman siya sa tropa. ‘Di niya naman inasahan na nang malasing na siya ay sinamantala iyon ng ilan sa mga ito.

Walang awang kinuha ang kaniyang pagkababae. Iyak lang siya nang iyak kinabukasan. Ganito pala ang pakiramdam. Parang ang dumi-dumi niya. Dinaya siya ng tadhana. Ang gulo na nga ng kaniyang pagkatao tatarant*duhin pa siya ng ganito. Pagktapos noon ay bigla na lamang naglaho ang mga walangh*ya.

Hindi pa pala doon nagtatapos ang mga kaganapan sa kaniya dahil makalipas ang isang buwan ay natuklasan niyang nagdadalantao siya. Kahit na gaano kasakit ay pinili niyang buhayin ang bata.

Kaya heto siya, namimilipit at hindi malaman kung paanong iri ang gagawin. Sobrang sakit ng balakang niya, puson, pagkababae. Basta lahat masakit! Nakakadagdag inis pa ang paghawak sa kamay niya ng kaibigang si Jed.

“Kaya mo ‘yan. Kaya mo ‘yan. Push lang!” wika ng binata.

Sa totoo lang bata pa lang sila ay kasangga na niya ito. Nagkalayo lang sila noong mag-aral ito sa Maynila. Nang bumalik naman ito sa probinsya ay iba na ang mga kaibigan ni Xanne kaya ‘di na sila muli pang nagkausap. Nito na lang ulit. Nang iwan siya ng mundo. Ito ang sumalo sa kaniya at hanggang ngayon ay umaagapay. Nagpilit pa nga itong pumasok sa delivery room.

Advertisement

Feeling ama ang g*go.

Ilang sandali pa ay iniluwal niya ang isang malusog na sanggol na lalaki. Mangiyak-ngiyak siya nang makita ang bata. Totoo pala ang sinasabi nila. Lahat ng hirap mo ay maglalaho kapag nayakap mo na ang anak mo.

Ganoong-ganoon ang naramdaman niya ngayon. Inirapan niya pa si Jed dahil nakikiiyak ito sa kaniya.

“Ano ba? Dun ka na nga! Bakit ba ‘di ka pa umuuwi sa Manila?” taboy niya rito. Aba, araw-araw na lang ay nasa bahay nila!

“Alam mo ang feeling mo. ‘Di ikaw ang pinupuntahan ko rito, brad, itong inaanak ko,” sabi naman ni Jed.

Palihim na natawa si Xanne. Sa totoo lang kasi ayaw niya mang aminin ay tila nahuhulog na ang loob niya sa kaibigan. Oo, ang gulo. Kahit nga siya ay nawiwindang pero wala, eh. Iyon ang nararamdaman niya.

Pinilit niyang pigilan pero lalong nag-uumalpas ang puso niya lalo pa nung isang hapon nang bigla na lamang hawakan ng binata ang kaniyang kamay.

“Paano kung gusto pala kita?” tanong ni Jed. “Eh, ‘di sisikmuraan kita,” biglang sagot niya. Kahit ang totoo ay biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Advertisement

Napansin niyang medyo nasaktan ang lalaki sa biro niya pero agad rin itong nakabawi. “Naniwala ka naman! Diyos ko, tamaan na lang sana ako ng kidlat kaysa magkagusto ako sa’yo. Mas pogi ka pa sa akin, eh.” tatawa-tawang sabi nito.

Si Xanne naman ang nasaktan ngayon. Kasi joke lang pala. “Kailan ka ba aalis? Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo.”

Malungkot na ngumiti ang lalaki. “Hindi talaga uubra, eh, noh. Huwag kang mag-alala. Aalis na ako bukas.”

“Ha?” nabiglang sabi ng babae pero ‘di na siya sinagot pa ng kaibigan. Tumayo ito at naglakad na palayo.

Magdamag namang ‘di nakatulog si Xanne. Tila nakikisama naman ang baby niya dahil himbing na himbing ito at ‘di siya binagabag sa kaniyang mga iniisip. Bakit ang sakit?

Eh, pero ‘di ba tiboli siya? Bahala na.

Kinabukasan ay ibinilin niya sa kaniyang ina si baby. Walang ligu-ligo ay nagpunta siya sa bahay nina Jed. Ganoon na lang ang lungkot niya nang matanaw ang kaaandar lamang na van sa tapat ng bahay ng mga ito.

“No, no! T*nga! T*nga mo kasi, sh*t! Tibo ka na pakipot ka pa!” inis na sabi niya sa sarili.

Advertisement

“Actually, totoo iyan,” napalingon siya sa baritonong boses at ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang nangingiting si Jed.

“Hindi ka umalis?” tanong niya. Umiling ang lalaki.

“Hindi ko kayo kayang iwan ni baby, eh. Ikaw lang naman. Hindi mo ko pinapansin kahit na noon pa. Kahit ‘di tayo talo…”

‘Di na niya pinatapos pa ang sasabihin nito dahil hinalikan na niya ito. Bahala nang maloka at mawindang ang mga makakakita dahil pareho silang gwapings pero naghahalikan sila. Wala siyang pake. Ang mahalaga ay mahal niya ang lalaki at nakumpirma niyang mahal rin siya nito. Magkahawak kamay silang bumalik sa bahay nila.

Ilang taon pa ay nagpakasal sina Jed at Xanne.

Walang reklamo ang mister niya kahit na damit lalaki pa siya. Maligayang-maligaya si Xanne dahil natagpuan niya na ang taong tatanggap sa kaniyang pagkatao.