Inday TrendingInday Trending
Napakamalas ng Binata Dahil Ikakasal na Nga Lang At Lahat, Nabuntis Pa Ang Nobya ng Ibang Lalaki

Napakamalas ng Binata Dahil Ikakasal na Nga Lang At Lahat, Nabuntis Pa Ang Nobya ng Ibang Lalaki

Katatapos lamang ng ika-anim na anibersaryo ng relasyon ni Matt at Kian. Yun din ang araw kung kailan nakamit ni Matt ang matamis na oo ng nobya noong inalok niya ng kasal ang dalaga.

Kaya naman ngayong isang linggo na ang nakalipas matapos ang araw na iyon ay pagpaplano na ng kanilang kasal ang inaasikaso nila.

“Ikaw na pumili babe kung saan mo gustong ikasal tayo,” ani Matt at hinalikan ang nobya sa noo.

“Yehey! Thank you babe! Gusto ko kasi sa tabing dagat eh,” ngiting-ngiti na sagot ni Kian.

Ang plano nilang dalawa ay anim na buwan lang sana ang maging preparasyon sa kanilang kasal. Kaya naman sige pa ang pagtatrabaho ni Matt para kumita ng pandagdag pa na kailangang gastusin maibigay lang ang pangarap na kasal ng nobya.

Hinayaan niya na rin ang nobya na maging punong abala sa kanilang kasal mula sa catering, theme, venue at hanggang sa mga maliliit na detalye. Mahalaga lang naman sa kanya ay maikasal kay Kian sa araw na iyon.

Habang papalapit ang buwan ng kanilang kasal ay mas naging abala ang binata sa pagtatrabaho. Mas naging abala rin ang dalaga sa pagaasikaso ng kanilang kasal.

Normal na sa kanila ang hindi halos magkita ng madalas dahil sa kani-kanilang trabaho.

Ngunit nahalata ni Matt na tila iba ang kinikilos ng nobya sa mga nakalipas na ilang araw. Na para bang sinasadya ng dalaga na huwag muna silang magkita.

Kaya naman sinorpresang bisitahin ng binata ang dalaga sa kanilang bahay. Pero imbis na matuwa ay gulat na gulat ang dalaga at parang may itinatago ito kay Matt.

“Matt? Bakit ka nandito??? Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?!” natutulirong tanong ni Kian.

“Hindi ka ba masaya na sinorpresa kita?” nagtatakang tanong ni Matt.

Hindi nakasagot agad si Kian at nangingilid na ang kanyang mga luha. Nahalata ito ng binata at agad na tinanong kung ano ba talaga ang nangyayari.

“Ayos ka lang ba babe? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni Matt.

“Sorry, Matt. I’m so sorry Matt,” umiiyak na sabi ni Kian at hindi na napigilang humagulgol sa harap ng nobyo.

Mas lalong nag-alala ang binata dahil iba na ang pakiramdam nito sa sinasabi ng dalaga.

“Ano bang problema? Sabihin mo…”

Huminga ng napakalalim ang dalaga bago tuluyang sinabi ang problema. Gumuho ang mundo ni Matt at unti-unti siyang nanlamig at namutla sa sinabi ni Kian.

“Buntis ako, Matt. Hindi ikaw ang ama,” nagpaulit-ulit ang mga salitang ito sa isipan ng binata.

Sinabi sa kanya ni Kian na ilang buwan na ang lumipas nang siya’y lumabas kasama ang mga babae at lalaking kaibigan, nagkayayaan silang pumunta sa isang inuman.

Naging masyadong malapit si Kian sa isa nilang lalaking kaibigan noong mga gabing iyon hanggang sa humiwalay sila sa grupo at nagdesisyong pumunta sa isang malapit na motel.

Ilang linggo na niyang dinaramdam ang kakaibigang mga nangyayari sa kanyang katawan hanggang sa siya’y nagdesisyong mag PT. Tama ang kanyang hinala.

Nang sinubukang kausapin ni Kian ang lalaking nakatalik niya noong mga gabing iyon at sinabi ang kaniyang problema, itinatanggi nito sa kanya ang anak.

Ilang beses pa niyang sinubukang kausapin ang lalaki ngunit paulit-ulit lamang din siyang tinatanggihan nito.

“Tatatanggapin ko kung hihiwalayan at kakamuhian mo ako, sana mapatawad mo ako, hindi man ngayon, pero pag dating ng panahon,” umiiyak na sambit ng dalaga.

Umalis na lamang si Matt noon sa bahay ng dalaga na walang sinasabi. Tinanggap na ito ng dalaga na katapusan na ng relasyon nila. Hindi na umaasa pa si Kian na maaayos pa sila ng dating nobyo.

Ngunit laking gulat niya ng isang araw, matapos ang ilang linggo, ay pinuntahan siya ni Matt sa kanyang trabaho.

“Ma-Matt? Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Kian.

“Pwede ba tayong magusap? Eto pala, mga bulaklak para sa iyo,” ani Matt.

Sila’y nagpunta sa pinakamalapit na restaurant para doon mag-usap.

“Pasensya ka na kung bigla na lang akong nawala, kinailangan ko kasing mag-isip-isip,” ani Matt.

Tahimik pa rin si Kian habang patuloy na nagsalita si Matt.

“Napakasakit pa rin sa akin ang ginawa mo, Kian. Sobrang sakit. Pero mahal kita at handa kitang tanggapin muli,” dagdag ng binata.

“Ha? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin Matt… Tanggapin? Muli?” paputol putol na sagot ni Kian.

“Oo Kian. Pinapatawad kita. Handa kitang tanggapin at ang magiging anak mo, kung hahayaan mo rin akong tumayong tatay para sa kanya at maging asawa mo.”

Walang ibang nagawa si Kian kundi maiyak ng sobra-sobra sa kapatawaran ni Matt.

Nagkaayos ang dalawa at tinuloy pa rin nila ang kanilang kasal sa lalong madaling panahon.

Ilang buwan pa ang lumipas at nanganak na rin si Kian. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil lalaki ang kanilang anak. Ipinangalan nila ito bilang junior ni Matt.

May mga araw na naaalala ni Matt ang nangyari noon ngunit dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa ay palagi niyang pinipiling ayusin ang kanilang relasyon.

Ginagawa rin ni Kian ang lahat ng kanyang makakakaya upang maging mabuting asawa kay Matt at mabuting ina kay Matt Jr.

Advertisement