Inday TrendingInday Trending
Sinumpa Ako! Layuan Mo Ako!

Sinumpa Ako! Layuan Mo Ako!

“Hindi ko talaga alam kung anong meron sa’kin. Bakit lagi na lang namam*tay ang napapangasawa ko? Sa edad na kwarenta’y dos ay dalawang beses na akong naglibing ng asawa,” umiiyak na wika ni Daryl.

Kalilibing lang kasi ng pangalawa niyang asawa na si Veronica dahil sa sakit na breast c*ncer na hindi agad naagapan kaya nauwi sa pagkasawi nito. Ang unang asawa naman niyang si Faye ay nam*tay din dahil naman sa k*nser sa baga. K*anser ang ikinamatay ng mga asawa niya kaya tuloy natatakot na siyang mag-asawa ulit. Baka kasi mam*tay na naman ito dahil sa sakit na k*nser.

“Baka sinumpa ka, pare, kaya lahat na lang nang napapangasawa mo ay namam*tay,” wika naman ni Henry, ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.

“Siguro nga! Hindi ko din alam kung anong meron sa’kin. Ang malas ko naman. Hindi sila tumatagal sa mundo dahil sa’kin. Ang malas ko, pare,” hagulgol ni Daryl sabay hampas ng kaniyang kamay sa mesa. Doon na lang niya ibinunton ang inis na kaniyang nararamdaman.

Anong pa ang silbi niya sa mundo kung lahat naman ng babaeng minamahal niya’y maagang kinukuha sa kaniya?

“Simula ngayon ay hinding-hindi na ako mag-aasawa. Ayokong madamay sila sa kamalasan ko. Baka kapag nag-asawa ako ulit ay mam*tay lang siya agad. Sisisihin ko na naman ang sarili ko,” hagulgol ni Daryl.

“Magpo-pokus na lang ako sa dalawa kong anak na sina Fina at Vince,” dugtong pa niya.

Makalipas ang isang taon mula nang mam*tay ang pangalawa niyang asawa na si Veronica ay medyo tanggap na rin niya ang nangyari pero nananatili pa rin ang sakit sa kaniyang puso dahil dalawang beses na siyang naging biyudo kahit hindi pa naman siya ganoon katanda.

“Hi, sir,” nakangiting bati kay Daryl ng kaniyang co-teacher na si Hilda. Mabait ito at maganda kahit may isang anak na at hiwalay sa asawa.

Walang balak si Daryl na patulan ang babae dahil ayaw niyang madamay ito sa kamalasan niya. Baka maging kagaya rin ito ng dalawa niyang asawa.

“Sir, may nagpapabigay sa’yo ng pagkain. Pinapabigay ni Ma’am Hilda. Uy, si sir kinikilig na ‘yan,” masayang kantiyaw ng kaniyang estudyante.

Natatawang tinanggap ni Daryl ang pagkain at nagpasalamat. “Manahimik na kayo,” saway ni Daryl sa mga estudyante niya na mas kinikilig pa sa kaniya.

Alam niya ang ibig ipahiwatig ni Hilda pero wala talaga siyang balak na sakyan ito. Kung mahal ng babae ang buhay niya ay mas makakabuti kung lalayo na ito sa kaniya. Marami pa namang lalaki sa mundo. Inaalala lang niya na baka mapaaga ang pakikipagkita nito kay San Pedro kapag nagkaroon sila ng relasyon.

“Sir Daryl, kumusta na po kayo? Natatanggap niyo po ba ang mga binibigay ko?” nakangiting tanong ni Hilda sa kaniya. “Ah, opo, ma’am. Natatanggap ko naman po. Pasensiya ka na kung ngayon lang ako magpapasalamat, ah,” wika ni Daryl.

“Ayos lang iyon, sir,” masayang sambit ni Hilda. “Siya nga pala, sir. Iimbitahan sana kita ngayong Martes kung libre ka. Birthday ko kasi at mas magiging masaya ang birthday ko kung makakarating ka,” dugtong pa ni Hilda.

“Ah, ma’am, pasensiya na kung hindi ako puwede. Pero advance happy birthday na lang po,” nakangiting wika ni Daryl. At nang akmang aalis na siya sa harapan nito ay agad siyang natigilan dahil sa sinabi ni Hilda.

“Alam ko naman na iniiwasan niyo ako, sir. Pero gusto talaga kita kaya ginagawa ko ‘to. Isang taong mahigit ka na rin namang biyudo. Baka puwede ka nang magmahal ulit at willing akong maghintay hanggang sa kaya mo na ulit buksan ang puso mo,” madamdaming wika ni Hilda.

Nagulat si Daryl sa pagiging prangka nito. Ngunit natural na yata iyon sa mga taong kasing edad nila.

“Hilda, kung talagang mahal mo pa ang buhay mo ay lalayuan mo ang isang katulad ko. Dalawang beses na akong namat*yan ng asawa at pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit maaga silang nam*tay. May sumpa ang taong katulad ko at ayaw kong madamay ka. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo na mas makakabuti para sa ating dalawa kung lalayo ka na lang sa’kin,” pakiusap niya sa babae.

“Bakit mo naman sinisisi ang sarili mo? Kapalaran nila ang mam*tay sa sakit. Hindi mo naman sila pin*tay kaya bakit mo sinisisi ang sarili mo sa nangyari sa kanila? Kung mangyayari man iyon sa’kin ay hinding-hindi kita sisisihin dahil iyon ang aking kapalaran. Maaga lang silang kinuha. Ginusto mo ba iyon?” wika ni Hilda.

“Sana ay buksan mo ulit ang puso mo at huwag mong sisihin ang sarili mo, Daryl. Nandito lang ako,” wika ni Hilda.

Naiwang tulala si Daryl sa kawalan. Tama si Hilda. Hindi niya gustong mam*tay ang dalawa niyang asawa. Bakit niya sinisisi ang sarili niya? Masyado na ba niyang inilalayo ang sarili sa posibilidad na puwede pa siyang magmahal ulit?

Makalipas ang isang linggo ay naglakas loob si Daryl na kausapin si Hilda. Mula kasi nung huli nilang pag-uusap ay hindi na ulit ito nagparamdam pa sa kaniya.

“Sorry nga pala kung nasaktan kita, Hilda,” nauutal niyang wika. “Dahil sa sinabi mo ay napaisip ako. Tama ka na hindi ko gusto na mam*tay sila. Pero hindi ko kasi maiwasang hindi matakot, Hilda, lalo na’t dalawang beses nang nangyari sa’kin ang ganoong bagay,” paliwanag ni Daryl.

“Ano ba ang pinupunto mo, sir?” seryosong tanong ni Hilda. “Ha? Ah, ang sinasabi ko lang naman ay kung ayos lang sa’yo na medyo natatakot ako? Gusto kita noon pa man pero natatakot talaga ako na baka madamay ka sa kamalasan ko,” nahihirapang wika ni Daryl.

Ngumiti ang babae at lumapit ito sa kaniya. “Hindi mo naman kailangang matakot. Doon naman talaga papunta ang lahat. May nauuna lang at may nahuhuli. Nagkataon lang na nauna sila. Pero hindi ibig sabihin na nauna sila ay kasalanan mo na ang nangyari sa kanila. Araw-araw tayong magiging masaya para kung sakali mangyari man ‘yong kinakatakutan mo ay wala tayong pagsisisihan. Ayos ba ‘yon?” nakangiting tanong ni Hilda.

“Sana naman ay ikaw na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda, Hilda. Ang hirap at masakit ang magpalibing ng asawa,” malungkot na wika ni Daryl. Ngunit isang mahigpit na yakap lamang ang isinagot sa kaniya ni Hilda.

“Hindi ko masasabing magsasama tayo hanggang sa ating pagtanda. Basta ang alam ko lang ay araw-araw tayong gagawa ng maraming masasayang alaala na mananatili sa puso at isip natin, Daryl,” nakangiting wika ni Hilda sabay gawad ng magaan na halik sa labi ni Daryl.

“Tayo na, ah. Wala nang bawian ‘yon,” paniniguro ni Hilda tsaka siya naglakad palayo sa lalaki.

Lumipas ang sampung taon. Malalaki na ang mga anak ni Daryl sa dalawang asawa niya na namayapa na at may tatlong anak na rin sila ni Hilda. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ni Daryl ang takot. Pero hangga’t magkasama sila ni Hilda ay pinanghahawakan niya ang pangako nito nung kinasal sila. Na magsasama sila hanggang sa pagtanda nila.

Advertisement