Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Magandang Niyang Hinaharap

Dahil sa Magandang Niyang Hinaharap

“Alam mo, Danica, inggit na inggit talaga ako sa boobs mo. Ang ganda kasi ng hugis. Hindi sobrang laki, hindi din naman maliit. Tapos bilog pa. Hindi pababa ang hugis,” puring-puri na wika ni Whena, ang katrabaho ni Danica.

“Hindi ko din alam kung bakit siya ganiyan. Basta tumubo na lang siya ng ganiyan kaya wala na akong nagawa,” naiilang na wika ni Danica.

Okay lang naman kay Danica kung pag-uusapan nila ang bagay na iyon kung sila lamang dalawa ni Whena kasi babae naman ito. Kaso naririnig kasi sila ng mga kasamahan nilang lalaki kaya medyo naiilang ang dalaga.

“Sana lahat ng babae ay may dibdib na katulad ng sa’yo, Danica,” muling wika ni Whena.

Ngiti lamang ang isinagot ni Danica sa babae. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang wala namang kakuwenta-kuwenta.

“Hi, Danica, libre ka ba bukas ng gabi? Baka puwede naman tayong kumain sa labas. Huwag kang mag-alala. Ililibre naman kita,” nahihiyang wika ni Jason, kasamahan rin ng dalaga sa trabaho.

Hindi ugali ni Danica na tumanggi sa alok ng ibang tao na kumain sila sa labas kahit na ang totoo ay wala naman siyang hilig sa pakikipag-date. Mas gugustuhin pa niyang umuwi sa bahay at humilata sa kama kaysa ang tumambay sa labas. Pero ayaw naman niyang isipin ni Jason na masama ang ugali niya.

“Sige. Basta hanggang alas nuwebe lang ako, ah. May curfew kasi sa amin at pinapagalitan ako ng papa ko kapag hindi ako nakauwi ng nine ng gabi,” pagdadahilan ni Danica kahit hindi naman talaga istrikto ang mga magulang niya. Ang totoo nga niyan ay pinagtutulukan na siya ng mga ito na mag-asawa na. Siya lang talaga itong tamad mag-entertain ng mga manliligaw.

“Walang problema, Danica. Ihahatid naman kita,” masayang wika ni Jason.

Makalipas ang isang linggo ay may nagyaya na naman kay Danica na kumain sa labas, si Ronald. Kahit ayaw niya, katulad sa mga naunang lalaki na nagyaya sa kaniya ay hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Ganoon pa rin ang dahilan niya. Hanggang nine lang siya ng gabi dahil istrikto ang mga magulang niya.

Marami pang mga katrabaho ni Danica ang nagyaya sa kaniyang makipag-date pero ni isa man lang ay walang pumukaw ng kaniyang interes. Abala siya sa sarili niyang buhay at sa kaniyang trabaho kaya wala siyang balak na magdagdag ng sakit ng ulo.

Isang araw habang nasa loob siya ng cubicle ng banyo ay may narinig siyang dalawang babaeng nag-uusap.

“Alam mo ba kung bakit habulin ng mga katrabahong lalaki natin iyang si Danica? Dahil lang naman sa malaki ang dibdib niya. Sus! Kung wala siyang malaking hinaharap ay wala rin namang magkakainteres sa kaniya, noh! Hindi naman kasi siya kagandahan. Maganda lang talaga ang katawan niya at palung-palo rin ang bilog na bilog niyang dibdib,” wika ng isang babae na mukhang may galit sa kaniya sa klase ng pananalita nito.

“Oo nga, eh. Alam mo naiinis nga rin ako diyan kay Danica. Akala mo kung sinong kagandahan kahit hindi naman maganda. Bakit kasi mas interesado ang mga lalaki sa kaniya kaysa sa atin?” reklamo pa ng babaeng kasama nito.

“Wala ka kasing bilog na dibdib. Tignan mo iyang dibdib mo. Halatang bra lang ang nagdadala. Tapos ito namang sa’kin hindi na nga kalakihan laylay pa,” dismayadong sagot ng babae. “Kung may dibdib ka na katulad ng kay Danica malamang marami ding maglalaway na lalaki sa’yo,” dugtong pa nito.

“Sinasabi mo bang kapag natikman na siya ng mga lalaking interesado sa kaniya ay lalayuan rin siya ng mg ito?” tanong ng kasama nitong babae.

Hindi na nakatiis si Danica. Gusto niyang makita kung sino ang mga nanlilibak sa kaniya kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sinilip ang dalawang lapastangang babae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang repleksyon ng dalawa sa salamin.

Si Whena at ang kasamahan niyang si Karen.

Ang paplastik talaga ng mga ‘to. May lihim pala na galit ang dalawa sa kaniya hindi man lang niya iyon napansin. Ang babait kasi ng mga ito sa kaniya.

“Malamang! Ginagamit mo ba ang utak mo, Karen? Sa tingin mo ba seryoso ang mga iyon sa kaniya? Katawan lang niya ang gusto ng mga ‘yon,” sagot ni Whena.

Kinabukasan ay masiglang pumasok si Danica. May gusto siyang inisin kaya nagsuot siya ng damit kung saan lalong mapapansin ang kaniyang magandang hinaharap.

Hindi maiwasan ng mga lalaking nakakasalubong ni Danica na mapalingon sa gawi niya.

“Wow, Danica, ang ganda ng suot mo ngayon,” buong paghangang wika ni Karen na agad namang sinang-ayunan ni Whena. Ang dalawang plastik niyang katrabaho. Kung hindi pa niya narinig ang pinag-usapan ng mga ‘to ay baka naniwala na naman siya.

“Oo nga, Danica. Palung-palo na naman ang dibdib mo ngayon,” wika ni Whena na nakatingin sa kaniyang dibdib.

“Talaga? Kaya ba maraming lalaki ang interesado sa’kin ay dahil sa dibdib ko?” tanong ni Danica.

Biglang namutla ang mukha ng dalawa.

“Sinu-sino ba ang mga lalaking interesado sa’kin? Pakisagot nga ang tanong ko. Ang malaking dibdib ko lang ba ang habol niyo at kapag napagsawaan niyo na ang dibdib ko’y i-itsapuwera niyo na ako? Ganoon na lang ba talaga kababaw ang pundasyon ng pag-ibig ngayon?” sadyang nilakasan ni Danica ang boses niya upang marinig siya ng mga katrabaho niya.

“Danica,” nauutal na wika ng dalawa.

“Bakit? Narinig ko kayong nag-uusap sa CR. Gusto ko lang namang kumpirmahin sa mga nanliligaw sa’kin. Baka tama kayo na dibdib ko lang talaga ang habol nila. Mas maigi na rin iyong malinaw, ‘di ba? Mahirap nang mapasubo,” sarkastikong wika ni Danica.

“Hindi totoo ‘yan,” singit ni Jason. “Para sa’kin nililigawan kita kasi gusto ko ang ugali mo. Mabait ka at totoong tao. Alam ko din na responsable kang anak. Hindi naman lahat ng lalaki ay pisikal na anyo ang tinitignan sa isang babae,” paliwanag ni Jason.

“Oo nga, Danica. Siguro bonus na ang pisikal mong anyo. Pero mas mahalaga pa rin sa’min ang ugali ng isang babae. Ang magandang panlabas ay nawawala. Kung sinasabi ng iba na dahil sa maganda mong dibdib kaya ka namin nagugustuhan ay maling-mali sila. Ang magandang dibdib ay lumalaylay din kapag nagkaanak na ang babae. Paano kapag lumaylay ‘yan? Eh, ‘di hindi ka na mamahalin ng lalaki kasi wala na ang ganda mo. Iyan ang maling iniisip ng mga babae sa mga lalaki,” prangkang wika ni Arnold, isa sa mga nanliligaw kay Danica.

“Narinig niyo bang dalawa?” tanong ni Danica kina Whena at Karen.

“Hindi niyo kailangang ma-insecure sa’kin. Ayusin niyo lang ang pag-uugali niyo. Malay niyo balang araw dumugin rin kayo ng mga manliligaw. Tandaan niyo. Hindi magandang dibdib ang basehan ng tunay na pag-ibig kung ‘di ugali at magandang kalooban. Iyon ang mas mahalaga,” Iyon lang ang sinabi niya sa dalawa tsaka siya bumalik sa puwesto niya sa opisina.

Kinabukasan ay nakita ni Danica na nakatayo sina Whena at Karen sa labas ng kanilang pinagtatrabahuan at mukhang hinihintay ng mga ito ang pagdating niya kaya napapaisip siya kung ano ba ang binabalak ng dalawa sa kaniya. Gaganti ba ang mga ito sa ginawa niya kahapon?

“Danica, sorry, ah, kung nilibak ka namin. Totoong naiinggit talaga kami sa dibdib mo kaya namin nasabi iyon,” nakayukong wika ni Whena.

“Sorry, Danica,” segunda naman ni Karen.

“Ayos lang iyon. Sorry din kung medyo napahiya ko kayo kahapon. Ang totoo ay nainis talaga ako sa mga sinabi niyo nung nasa CR kayo. Gusto ko lang patunayan na hindi iyong dibdib ko ang dahilan kaya interesado sila sa’kin. Sorry, ah,” wika ni Danica.

“Sorry talaga, Danica,” sabay na sabi ng dalawa. Sabay din nilang niyakap si Danica.

“Huwag niyo na kong lilibakin ulit, ah,” natatawang wika ni Danica.

Mapalad ang mga taong may malalaking dibdib at may perpektong hugis ng katawan. Pero hindi naman ibig sabihin nun na ang maganda nilang pisikal na kaanyuan ang tanging dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanila. Dahil pagdating sa pag-ibig, para makatagpo ka ng tunay na pagmamahal, mas mahalaga pa rin kung magandang kalooban ang pagbabasehan mo. Hindi ang panlabas na kagandahan lang ng isang tao.

Advertisement