Pinili Kong Mahalin Ka

“Girl, buntis ka?!” hindi makapaniwalang tanong ni Mika sa pinsan niyang si Beth.

“Oo couz, pero huwag ka munang maingay. Hindi pwedeng malaman nila mama. Mapapat*y nila ako,” nangangambang saad ng dalaga sa kanyang pinsan. Napasapo naman si Mika ang kanyang noo sa narinig niya sa kaniyang pinsan. Tiyak na malaking gulo na naman ito kung saka-sakali.

“Sige. Sa ngayon, pero one of these days kailangan mong sabihin sa mga magulang mo ang kalagayan mo. Magagalit sila oo, normal lang ‘yun, pero sigurado naman akong mapapatawad ka rin naman nila. Anak ka nila Beth, hindi ka nila tuluyang itatakwil,” pangungumbinsi pa ng pinsan niya sa kaniya.

Hindi na alam ng dalaga ang kaniyang gagawin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang balitang buntis siya mula sa doktor. Kahit na inaasahan niya na ito dahil nararamdaman niya naman na ang mga sintomas ng pagbubuntis. Umasa pa rin kasi siyang mali ang hinala niya, pero ngayon ay kompirmado na nga ang kaniyang kinakatakutan.

Hindi niya na alam kung ano na ngayon ang mangyayari sa kaniya at sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan. Nagbunga ang isang beses niyang pagkakamali! Ano na lang ngayon ang gagawin niya? Ayaw niyang malaman ng kaniyang mga magulang ang katangahang nagawa niya. Pakiramdam niya ay matatakwil talaga siya ng kanilang pamilya.

Napaka-konserbatibo kasi ng kanilang pamilya. Wala naman siyang ibang masisisi kundi ang kanyang sarili lamang. Ginusto niya naman din ang nangyari. Akala niya kasi hindi na siya iiwanan ng nobyo niya kung pagbibigyan niya na ang binata sa matagal na nitong hinihiling sa kanya.

Napakasaklap nga naman ng kaniyang tadhana. Isang beses niya lang nagawa, nabuntis pa siya agad! Napaka-swerte nga niya naman. Napahilot na lang si Beth sa kanyang sentido. Wala naman siyang magagawa kung hindi tanggapin ang bunga ng kaniyang kapusukang nagawa. Hindi man sigurado sa mga mangyayari sa hinaharap ay isa lang ang nasisiguro niya, bubuhayin niya ang bata. Hindi niya ito idadamay sa pagkakamaling siya naman ang may gawa.

“Anak, kaya natin ‘to!” kausap ni Beth sa sanggol na nasa loob pa ng kaniyang sinapupunan.

Advertisement

Pumasok siya sa bahay nila at sinabi sa kaniyang mga magulang ang kaniyang sitwasyon. Galit na galit ang kaniyang ama at muntik pa siyang masaktan nito. Mabuti na lang at naroon din ang kaniyang kuya para awatin ang galit na lalaki.

Hindi siya kinausap ng kanyang ama hanggang sa nakapanganak na si Beth, “Dad, ayaw niyo bang makita ang mukha ng apo niyo sa malapitan?” maingat na tanong ni Beth sa kanyang ama. Hindi pa rin kasi siya nito kinakausap.

Lumapit naman ang lalaki sa dalaga at tiningnan ang sanggol na nasa bisig ng kaniyang dalaga. Hindi inaasahan nilang lahat ang naging reaksyon ng kanilang ama, bigla na lamang itong umiyak at niyakap si Beth.

“Patawarin mo ako anak kung naging matigas ako nung nahihirapan ka sa pagbubuntis mo. Hindi ko lamang matanggap na nagawa mo kaming suwayin ng iyong ina, at ngayon isang ganap na ina na rin ang bunso ko,” lumuluhang saad ng kaniyang ama.

“Sorry po Dad, pero pangako ko pong pananagutan ko po ang aking pagkakamali. Aayusin ko po ang buhay ko. Magiging proud din po kayo sa’kin, pangako ko po ‘yan,” pangako ng dalaga sa kaniyang ama habang lumuluha na rin. Tumango naman ang lalaki at hinagkan ang anak at apong kasisilang lamang.

Lumipas ang isang taon at nakapagsimulang muli na si Beth. Malapit na rin siyang ma-promote sa kompanyang kaniyang pinagtratrabahuan. Malusog at masaya din sila ng kaniyang anak. Bagama’t sa Sabado at Linggo lang nakikita ng dalaga ang kaniyang anak dahil abala siya sa kaniyang trabaho ay ayos na rin iyon sa dalaga. Iniiwan niya kasi ang anak sa kaniyang mga magulang para naman maalagaan ng mabuti ang anak niya.

“Beth,” tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. Lumingon naman ang dalaga sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya.

“Albert…” hindi makapaniwalang tawag niya rin sa lalaki. Si Albert ang kaniyang dating nobyo at ama ng kaniyang anak. Iniwan siya ng binata dahil kinakailangan nitong umalis ng bansa upang magtrabaho. Ayaw rin kasi sa kaniya ng pamilya ng binata at nais ipakasal ito sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama. Hindi siya makapaniwalang makikita niya pa ulit ang lalaking nagwasak sa kaniyang buhay.

Advertisement

“Alam ko na ang lahat. Nang malaman ko mula kay Mika na may anak tayo nang minsang nagkasalubong kami sa Amerika ay ginawa ko ang lahat para makauwi agad ng Pilipinas. Hindi naging madali ang lahat. Hindi ako nagpakasal at tinakasan ang pamilya ko para lang makabalik sa inyo,” lumapit ang binata sa kanya at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

“Mahal kita, Beth. Hayaan mo akong bumawi sa’yo at sa anak natin. Pakasalan mo ako at buuin natin ang pamilya natin,” lumuluhang saad ni Albert sa dalaga.

Hindi na nakapagsalita pa si Beth at tumango nalang. Akala niya hanggang pangarap na lamang na mabuo pa ang pamilya nila. Labis siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan sila Nito ng pagkakataong buuin ang kanilang pamilya.

Nagpakasal sila Beth at Albert. Hindi man ito matanggap ng pamilya ng binata ay wala na silang nagawa dahil mahal talaga ni Albert si Beth at ang kanilang anak. Pinanagutan sila ng binata at naging masayang pamilya.