Inday TrendingInday Trending
Inalisan ng Mana ang Lalaki Dahil Mahirap Lamang ang Babaeng Pakakasalan Niya; Imbes Maghirap ay Naging Milyonaryo Pa Ito

Inalisan ng Mana ang Lalaki Dahil Mahirap Lamang ang Babaeng Pakakasalan Niya; Imbes Maghirap ay Naging Milyonaryo Pa Ito

“Wala naman kaming ibang mapag-iiwanan ng aming yaman kundi kayong dalawang magkapatid lamang basta’t sumunod lang kayo sa patakaran namin ng inyong ama.”

Ito ang paulit-ulit na paalala ni Donya Jovita sa kaniyang dalawang makikisig at naggguguwapuhang anak na sila Marvin at Edward.

Gayunpaman, hindi ito naging sukatan ni Marvin nang ligawan niya ang ngayo’y kasintahan nang si Faith.

Dalawang taon na silang magkarelasyon ngunit hindi pa rin tanggap ng mga magulang ni Marvin si Faith. Palibhasa’y hindi siya anak-mayaman.

Lahat ng pagsuyo at pakikipagmabutihan sa pamilya ng nobyo at ginawa na ni Faith ngunit wala itong bilang para sa pamilya ng nobyo.

Ang tanging tinitingnan lamang kasi nila ay ang katayuan sa buhay ng mapapangasawa ni Marvin.

Si Faith ay anak nila Aling Edith at Mang Tonyo. Nagtitinda sila ng baboy at isda sa Divisoria. Malaki naman ang kinikita nila doon kung tutuusin kaya nga’t nakapagtapos ng Dentistry si Faith at nabilhan pa nila ng maliit na lupa ang unica hija at napatayuan ng maliit na klinika.

Gayunpaman, hindi ito sapat para sa pamilya ng nobyo. Ang pirmeng bida sa kanilang mga mata ay ang panganay na si Edward sapagkat ang nobya nitong si Rosanna ay anak ng mayamang negosyante na may pabrika sa Tsina ng mga kagamitang pang-ospital.

Limpak-limpak ang salapi at mga ari-arian ng mga magulang ni Rosanna kaya naman kahit hindi ito magsikap sa buhay ay kayang-kaya niyang magbuhay mayaman.

“My gosh, ano yong mabaho?!” maarteng saad ni Donya Jovita habang kumakain sa malaking dining table kasabay ang asawa, mga anak at si Rosanna.

“Good evening po, tita. Nagdala lang ako ng tuna. Galing pa po itong Gen San at fresh na fresh na dumating. Ihahanda ko lang po, sorry sa amoy,” magalang na saad ni Faith.

Kitang-kita ni Faith ang nakangising mukha ni Edward at Rosanna habang ‘di maipinta ang mukha ni Donya Jovita.

“Okay lang, babe. Sige sabayan mo na kaming kumain dito. Yaya Conching, pakihanda na lamang ang dala ni Faith para makasabay na siya sa aming kumain,” wika ni Marvin.

“Sheez, nawalan na ako ng ganang kumain. Sobrang lansa. Sana man lang niluto mo na ‘yan bago mo dinala dito. You know naman that Mommy Jovita doesn’t like anything na mabaho,” nang-uuyam na wika ni Rosanna sabay tingin kay Faith mula ulo hanggang paa. Tila may iba pa itong ibig sabihin.

“Tara na hon, akyat na tayo. Ikaw na lang ang aamuyin ko sa kwarto. Ikaw, sure ako na hindi malansa,” sabay hagalpak ng katatawa si Edward.

Halos matunaw sa panliliit sa sarili si Faith. Pirmeng ganito ang trato sa kaniya ng mga kamag-anak ng nobyo.

Gayunpaman ay marahan syang umupo upang sumabay sa kanilang pagkain.

“Mama, Papa… Nakapagdesisyon na po kami. Magpapakasal na kami ni Faith.”

Biglang napababa ng hagdanan sina Rosanna at Edward sa narinig.

“Alam na alam mo naman ang aming mga kundisyones. ‘Di ka namin pipigilan ngunit ‘di ka rin namin masusuportahan,” matigas na wika ng amang si Don Sebastian.

Nangingig na sa galit ang kaniyang ina ngunit nagtitimpi lamang ito.

Makalipas ang dalawang taon ay ang alaala na lamang ng gabing iyon ang tanging nasa isip ni Edward ukol sa kaniyang pamilya.

Hindi na siya kinausap pa ng mga ito magmula noon kahit anong pakiusap nila ng misis.

Sa ngayon ay may malaking ipon na silang mag-asawa at nakabili na rin sila ng bahay, lupa at tatlong sasakyan. Mula ito sa pagdodoble kayod ni Marvin mula sa mga proyekto niya sa construction.

Si Faith naman ay mga bigating personalidad na ang mga kliyente gaya ng mga artistang sikat at mga pulitiko.

Sa dami ng kaniyang kliyente ay nakipagpartner na siya sa iba pang mga magagaling na dentista at nagtayo siya ng malaking klinika. Mayroon na rin silang maraming branches at pinangalanan niya iyong “Smile with Faith” na talaga namang matunog na matunog na ngayon ang pangalan.

Nagkaroon din ng malaking oportunidad ang mga magulang ni Faith. Nang makuha nila ang ipon sa insurance nang tumuntong sa edad na 60 ay nakabili sila ng mga makinarya na pangpreserba ng mga sariwang isda at pinapadala nila iyon sa iba’t-ibang bansa gaya ng Amerika at Espanya.

“Babe, buntis ako. Magiging daddy ka na!” naluluhang saad ni Faith sa asawa.

Nagtatatalon sa tuwa si Marvin at naluha na rin ito.

Sunod-sunod ang grasyang dumarating sa kanilang mag-asawa.

Nagkasundo silang puntahan na ang mga magulang ni Marvin at baka sakaling tanggapin na sila nitong muli sa balitang magkakaapo na sila. Dahil na rin ito sa pang-uudyok ni Faith sa asawa.

Nang makarating sa dating tahanan ay nagulat sila sa nakita. Ibang-iba na ang itsura noon.

“Ma’am, sir… Kakalipat lang po namin dito mga dalawang buwan na ang nakalipas. Wala na po ang mga may-ari nito. Sumakabilang buhay na sila,” wika ng nakaunipormeng kasambahay.

Nangatog si Marvin sa nalaman at halos mawalan ito ng malay.

“Wala na akong ipapautang sa iyo! Sobra-sobra na ang nailabas kong pera sa tunay na halaga ng bahay na ito!” halos mabasag ang eardrums ng mag-asawa sa galit na boses ng isang lalaki.

“Kuya… Ed… Edward?!” nanlaki ang mga mata ni Marvin nang muling makita ang kapatid.

Ang laki ng pinayat nito at nag-iba na ang itsura.

“Marvin…. Tulungan mo ako… Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Faith…” naglulumuhod na wika ni Edward sa bunsong kapatid.

Napag-alaman ng mag-asawa na niloko pala ng pamilya ni Rosanna sa negosyo ang kanilang mga magulang at kinuntsaba pa ng mga ito si Edward.

Nang magpakasal ito kay Edward ay nagbago ang pakikitungo ni Rosanna sa mister matapos ilipat sa pangalan ni Rosanna ang lahat ng pinamana ng kanilang mga magulang.

At dahil lubos na nalugmok sa kunwaring naluging negosyo na pakana ng pamilya ni Rosanna ang mag-asawa, isang buwan lamang ang naging pagitan ng pagkawala nila sa mundo. Pareho silang inatake sa puso.

Umagos ang luha ng mag-asawa sa narinig ngunit mas pinili nilang patawarin si Edward.

Sa huli ay nilaban nang husto ng mag-asawa sa korte ang panlolokong ginawa ni Rosanna sa mga magulang at kapatid. Kinuha nila ang pinakamagaling na abogado sa buong bansa at dahil sa testimonya ni Edward ay napatunayang nagkasala si Rosanna pati ang mga kapatid at mga magulang nito.

Nahatulan silang makulong ng 30 taon at sa ngayon ay pinangalan na ni Edward sa mag-asawa ang lahat ng nabawing ari-arian bilang pasasalamat sa pagpapatawad nito sa kabila ng mga kasamaang ipinakita niya sa kanila.

Talagang hindi magtatagumpay ang kasamaan sa kabutihan.

Advertisement