Gustong Ibalik ng Dalaga ang Dating Marangyang Buhay; Kakapit Siya sa Patalim Upang Maibalik Lamang Ito

Gustong Ibalik ng Dalaga ang Dating Marangyang Buhay; Kakapit Siya sa Patalim Upang Maibalik Lamang Ito

KarmaStories

Kakauwi lang ni Aesha ay agad nitong hinanap ang ina. May masaya siyang balita na tiyak na ikagugulat nito. Nagtungo siya sa kusina nila at hindi naman nabigo ang dalaga dahil nandun nga ang inang hinahanap.

“Ma, may masaya akong balita! Sa isang kilalang eskwelahan na po ulit ako mag-aaral!” Masayang balita ng dalaga sa kaniyang ina.

“Ano? Paano naman nangyari iyon? Hindi nga sapat ang perang naiuuwi ng ama mo sa atin simula nang bumalik siya dito sa Pilipinas para dito na magtrabaho eh,” nagtatakang tanong naman ni Aling Myrna sa anak.

“Basta ma,” nakangiting sagot niya sa ina.

Nasa pangatlong taon na ng kolehiyo si Aesha. Dating marangya ang kanilang buhay ngunit lahat ng ito ay nagbago nang natanggal sa trabaho sa Canada ang kaniyang ama. Muntik na silang tumigil sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid, ngunit ginawan ito ng paraan ng kaniyang ama. Yun nga lang ay kinailangan nilang lumipat sa mga pampublikong eskwelahan na labis namang nagpasama sa loob ng dalaga.

Sanay kasi sa marangyang buhay ang dalaga. Hindi ito sanay na maghirap o makisalamuha sa mga normal na tao, spoiled

“Yes girl! May trip to Tagaytay ako this coming weekend! Gusto niyo bang sumama? Sagot lahat ng jowa ko,” pang-iimbita sa kanila ng kaklase nilang mukhang sosyalin. Maganda ito at mukhang mayaman, kaya hindi maintindihan ni Aesha kung bakit sa pampublikong eskwelahan ito nag-aaral kung afford naman ni Aira maggagagala kung saan-saan at mamahalin din halos lahat ng gamit nito.

Na-excite naman ang kanilang mga kaklase at siyempre isa na siya doon. Puro sila babae dahil ang sabi ni Aira ay all girls trip lang daw ito. Yung jowa lang daw ni Aira ang kasamang lalaki. Bawal daw kaming magdala ng kahit na sinong lalaki kasi napakaseloso daw ng jowa niya.

Dumating ang weekend at nagkita-kita na silang lahat sa harap ng kanilang eskwelahan. Lahat ay naroroon na maliban kay Aira at ang jowa nito. Ilang sandali lang din ay dumating na ang kanilang hinihintay sakay sa isang sasakyan. Mukhang mayaman talaga ang jowa ni Aira.

“Oh girls, tara!” sumakay naman sila agad sa sasakyan. Agad naman niyang hinanap ang jowa ni Aira.

“Ito nga pala ang napakagwapo kong jowa girls, si Rico!” pagpapakilala ni Aira sa nobyo nito. Bagama’t nagulat ay hindi na lamang pinahalata ni Aesha ang kaniyang naging reaksyon at baka maka-offend pa siya.

Mahigit sa dobleng edad pa nila ang jowa ni Aira! Kaya naman pala lahat ng luho ng kaibigan ay nakukuha niya ng walang kahira-hirap. May sugar daddy pala si Aira!

Ginugol nila ang buong weekends sa pagpapakasaya lamang. Puro pasyal, kain ng mga masasarap na pagkain, at siyempre’y ‘di mawawala ang inuman gabi-gabi. Labis silang nagpakalunod sa alak dahil na rin sa kaniya-kaniyang problema sa kanilang mga buhay.

Kinabukasan ay laking gulat na lamang ng dalaga nang magising siyang nasa isang kama at nakakumot lamang habang walang saplot. Tiningnan niya ang kaniyang paligid. Mukhang nasa isang resthouse siya sa Tagaytay. Nakikita niya kasi ang Taal Volcano mula sa bintana. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng maya-maya lang ay lumabas ang jowa ni Aira na si Rico mula sa banyo at mukhang bagong ligo pa lamang.

“Good morning, beautiful!” Napakalaki ng ngiti ng lalaki sa kaniya. Kinilabutan siya bigla. Hindi siya makapaniwalang naisuko niya ang bataan sa isang lalaking ka edad lang ng kaniyang ama!

Hindi siya umimik dahil hindi niya rin naman alam ang kaniyang sasabihin. Nakipaglaro siya ng apoy sa isang lalaking doble ang edad sa kaniya at jowa pa ng kaniyang kaklase! Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

“Huwag kang mag-alala, alam ko na ang lahat ng tungkol sa’yo at ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo. Ibabalik ko ang dating marangyang buhay mo,” saad ni Rico ng makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

“Talaga po? Bakit po? Tsaka ano po yung kapalit?” lumapit sa kaniya ang lalaki at hinaplos ang kaniyang pisngi at mapang-akit na bumulong sa kaniyang tainga.

“Ikaw ang kapalit. Gabi-gabi ay magiging akin ka at lahat ng karangyaan na nakasanayan mo ay babalik sayo.”

Kinilabutan ang dalaga sa ginawa at sinabi ng lalaki pero hindi rin naman siya pumalag. Sawang-sawa na siyang maghirap at magtiis kaya naman ay pumayag na siya. Gaya nga ng sinabi ni Rico ay binigay ng lalaki lahat ng kaniyang karangyaan na kaniyang nakasanayan. Binalik siya nito sa dati niyang eskwelahan, binibigyan siya ng malaking allowance at ipinagshohopping. Binigyan pa siya ng lalaki ng sarili niyang condo unit! Masayang-masaya siya na natatamasa niya na ulit ang marangyang buhay na nawala sa kaniya.

Ngunit isang araw ay bigla na lamang lumitaw sa harap niya si Aira. Ang tagal niya nang hindi nakita ang dating kaklase. Ang huli ay noong nag Tagaytay pa sila. Bigla naman siyang nakonsensya.

“Aesha, narito ako para magmakaawa sa’yo. Tumigil ka na sa ginagawa mo bago pa mahuli ang lahat at magaya sa akin. Layuan mo na si Rico. Iwan mo na siya,” naluluhang saad ni Aira sa kaniya. Napataas naman ang kaniyang kilay.

“At bakit ko naman gagawin iyon?” matapang niyang sagot sa dating kaklase, ngunit natigilan din siya ng makita ang tiyan ni Aira. Buntis ito! Bigla siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan at napatingin na lang sa mangiyak-ngiyak na si Aira.

“Oo, buntis ako. Iniwan ako ni Rico nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang pinalit niya sa akin. Kaya nang malaman ko ay agad kitang hinanap,” nagulat naman si Aesha ng bigla na lamang lumuhod sa kaniyang harapan si Aira.

“Parang awa mo na, kahit para sa bata na lang please?” walang tigil ang luha ni Aira habang nagmamakaawa sa kaniya. Napapikit na lamang ang dalaga at pinatayo si Aira at niyakap. Hindi niya kayang makita itong nahihirapan lalo na at alam niyang may sanggol itong dinadala sa kaniyang sinapupunan.

Kinabukasan ay kinompronta naman agad ni Aesha si Rico at nakipaghiwalay. Nagmakaawa rin siya na panagutan ng lalaki si Aira at ang kanilang anak. Noong una ay ayaw pumayag ni Rico pero nang tumagal-tagal ay napapayag niya din ang lalaki.

Mabuti na lamang at hiwalay na sa asawa si Rico kaya naman nagawang pakasalan nito si Aira bago lumabas ang kanilang anak. Nakapagtapos naman ng pag-aaral si Aesha, naghanap ng trabaho at tinulungan ang pamilya gamit ang perang kaniyang pinaghirapan. Natutong mamuhay ng simple ang dalaga kahit na ba siya ay sumasahod na ng malaki. Natutunan niya na rin ang halaga ng pera, kung gaano ito kahirap kitain. Tuluyan na siyang nagbago at nagsimula ulit ng malinis na pamumuhay.

More Stories