Inday TrendingInday Trending
Naging Usap-usapan ang Batang Ito Dahil Walang Nanay na Nag-aalaga, Mapapahiya ang mga Chismosang Nanay sa Kanilang Malalaman

Naging Usap-usapan ang Batang Ito Dahil Walang Nanay na Nag-aalaga, Mapapahiya ang mga Chismosang Nanay sa Kanilang Malalaman

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ang batang si Kenji upang ayusin ang kaniyang sarili.

Kakain na ito ng agahan at maliligo para pumasok sa eskwela. Pitong taong gulang lamang ang bata kaya nga palagi na lang itong usap-usapan sa kanilang lugar.

“Manong, manong pasakay naman po ako!” saad pa nito sa isang pedicab driver.

“Oh Kenjin ikaw pala iyan, tara na at ihahatid na kita sa eskwelahan baka mahuli ka pa at may flag ceremony kayo ngayon,” sagot naman sa kaniya ni Manong Jimmy.

“Oo nga po e, ako nga po ang bibigkas ngayon ng panatang makabayan,” nakangiting baling ng bata.

“Aba, galingan mo ha? Huwag kang kakabahan at kwentuhan mo ako bukas kung ano ang mangyayari,” saad namang muli ni Manong Jimmy.

Ang lalaki na ang halos araw-araw na naghahatid sundo kay Kenjin at napamahal na rin sa kaniya ang bata. Minsan nga ay ito na rin ang pumupunta sa eskwela kapag kailangan ng magulang ng bata. Alam kasi ng lalaki ang pinagdadaanan nito.

“Ano ba naman itong batang ito, halika nga rito at aayusin natin ang kwelyo mo pati iyang medyas mo ay hindi pantay,” saad ng isang nanay kay Kenjin na nakasalubong niya sa gate ng eskwelahan.

“Pinapabayaan ka lang ba ng nanay mo na ganyan? Grabe naman, ang pogi mo pa namang bata,” dagdag pa nitong muli habang inaayos ang medyas ni Kenjin.

“Maraming salamat po Mrs. Dela Cruz,” nakangiting saad ng bata sa ale.

“Oh paano mo ako nakilala?” tanong naman nito.

“Ah, naalala ko lang po na nanay kayo ng kaklase kong si Jervin Dela Cruz,” sagot naman ng bata.

“Matalino ka rin pala, sayang naman at napapabayaan ka ng ganyan,” malungkot na wika ng ale saka hinawakan ang ulo ni Kenjin.

Ngumiti lamang ang bata at saka ito kumaway sa ale, dali dali na rin siyang umakyat sa entablado para sa kanilang flag ceremony.

Nasa ikalawang baitang na si Kenjin ng elementarya at hindi matatawaran ang galing nito sa eskwelahan kaya nga kilala siya ng mga guro na tumayong kanyang mg magulang.

“Mare, alam mo ba yung batang iyan e walang nanay,” saad ng isang ale na nakikinig sa pagbigkas ni Kenjin ng Panatang Makabayan.

“Ay oo halata naman, alam mo bang ako pa ang nag-ayos ng kwelyo at medyas niyan kanina bago pumasok. Kawawang bata, napakabata pa e mag-isa na lang hinaharap ang nakakastress na mundong ito!” baling naman ni Mrs. Dela Cruz.

Nagsimulang mapunta ang pansin ng ilang mga chismosang nanay kay Kenjin nang minsan itong pinarangalan sa stage at wala ang nanay nito, guro lamang ang nagsabit ng medalya sa bata.

Kinaumagahan, katulad ng mga normal na araw ay pumasok ulit si Kenjin na masigla, inaantay niya si Manong Jimmy na dumating.

“Manong Jimmy, magandang umaga ho,” masiglang bati ni Kenjin.

“Oh maaga ka yata ngayon, kamusta ang flag ceremony ninyo kahapon?” tanong ng lalaki.

“Ayos naman ho, kaya lang ang dami na namang mga nanay na nagsasabing kawawa daw ako dahil wala akong nanay. Nalulungkot ako Manong Jimmy,” baling ng bata sa kaniya.

“Huwag ka nang malungkot Kenjin, isipin mo na lang kung ano’ng totoo at palagi mong tatandaang mahal na mahal ka ng nanay mo,” wika naman ni Mang Jimmy at nginitian niya ang bata.

Ngayon ang araw kung saan sumali si Kenjin sa pagbigkas ng tula sa kanilang eskwelahan at inimbitahan na rin niya si Manong Jimmy na manood.

Habang nasa entablado ay biglang kinabahan si Kenjin at hindi pa makapag-umpisa sa kaniyang tulang inihanda. Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang kaniyang mata sa nakita, agad na kinuha ang mikropono at nagsalita.

“Sabi ng marami, ako daw po ay kawawang bata dahil ang nanay ko ay palaging wala. Marami akong naririnig na masasakit na salita, galing dito galing doon at sa maraming tao,” bigkas ni Kenjin na labis na ikinagulat ng marami dahil hindi naman ito regular na tula lamang.

“Pero nais ko lang pong ipaalam sa inyo, na ako ay may nanay. Wala man siya lagi sa aking tabi ngunit alam ko namang maraming buhay ang kaniyang nasasagip. Para sa aking nanay, ikaw pa rin ang the best mama,” saad pa nito sa mikropono at kinawayan ang kaniyang ina na nanunuod.

Napatingin ang lahat ng tao dahil biglang tumakbo si Kenjin papunta sa isang babae na naka uniporme, isang nurse ang nanay ni Kenjin.

Lumuluhang niyakap siya nito at hinalikan dahil ito ang unang pagkakataong nakapunta ang kaniyang ina, naiyak naman ang ilang nanay dahil hindi pala totoo ang kanilang iniisip sa bata.

“Ma, nakarating ka!” masayang saad ni Kenjin habang yakap ang ina.

“Pasensya ka na anak at palaging wala si mama ha,” baling naman ni Merry Rose, ang nanay ni Kenjin.

“Ayos lang ma, alam ko naman na maraming mas may kailangan sa’yo. Wag ka nang umiyak mama dahil ikaw pa rin ang the best na mama sa buong mundo!” wika namang muli ni Kenjin.

Hinalikan ito ni Merry Rose at saka inihatid sa kaniyang upuan. Nanalo pa si Kenjin sa kaniyang tula kaya nasabitan din ni Merry Rose ng medalya ang anak. Masayang-masaya ang dalawa.

Doon nalaman ng lahat ang totoong kwento ng batang si Kenjin, single mom ang babaeng si Merry Rose at walang sino mang kamag-anak na magtitingin sa kaniyang anak.

Bago siya umalis ay inihahanda na pala nito ang lahat ng kailangan ni Kenjin at kinontrata na rin pala niya si Manong Jimmy na ito ang maghahatid sundo sa kaniyang anak.

Marami man sigurong nagagalit kay Merry Rose dahil sa tingin nila’y pinapabayaan niya ang anak, hindi na lang siya nagpapa-apekto dahil alam niyang ginagampanan niyang mabuti ang pagiging ina. Hindi man sa paraang nakasanayan ng marami ngunit sa paraang alam niya.

Mula noon ay hindi na nakarinig pa si Kenjin ng masasakit na salita mula sa ibang tao.

Advertisement