Dahil sa Tindi ng Trapiko ay Pinatos na ng Buntis na Ito ang mga Colorum na Sasakyan, Makatulong Kaya o Sakit Lamang sa Ulo ang Mapapala Niya?

Dahil sa Tindi ng Trapiko ay Pinatos na ng Buntis na Ito ang mga Colorum na Sasakyan, Makatulong Kaya o Sakit Lamang sa Ulo ang Mapapala Niya?

HeartbreakingKarmaStories

Pumapasok ang dalagang si Yolizel sa opisinang pinagtratrabahuhan sa Makati. Kung dati ay nagagawa pa niyang makipagbalyahan sa MRT, LRT, PNR at tayuan sa bus, ngayon ay hindi na pwede. Buntis kasi ang dalaga pero hindi naman siya pwedeng huminto sa trabaho dahil na rin sa hirap ng buhay kaya talagang tinitiis niya ang mahirap na biyahe.

Image courtesy ofwww.google.com

“Oh friend, late ka na naman. Walang masakyan?” tanong ni Chris, ang binabaeng kaibigan ng dalaga.

Image courtesy of
www.google.com

“Wala friend, ang tagal kong nag-antay ng tren, badtrip talaga!” iritableng sagot naman ni Yolizel sa kaibigan.

Image courtesy ofwww.google.com

“Naku, ikaw naman kasi ayaw mo pang mag FX. Sabi ko naman sa ‘yo na mas kailangan mo yon ngayon lalo na’t buntis ka,” saad namang muli ni Chris sa babae.

“E kasi naman ang mahal, 65! Halos isang pagkain ko na yun sa isang araw,” malungkot na sagot ni Yolizel dito.

“Oh sige nga, mamili ka. Murang pamasahe pero delikado kayo ni baby o 65 pesos pero safe at komportable?” wikang muli ni Chris.

Hindi na muna pinakinggan ng babae ang sinasabi ng kaniyang kaibigan. Sa loob-loob niya’y maliit pa naman ang kaniyang tyan ay magaan pa ito. Saka na lang siguro niya papatusin ang FX kapag hindi na talaga niya kaya.

Ngunit nakatangap ng memo si Yolizel mula sa kanilang HR na warning for tardiness dahil sunod-sunod na ang kaniyang late.

“Mukhang magkikita na talaga kami ng FX bukas,” bulong niya sa sarili.

Katulad ng dati niyang gawi ay maagang umalis ng bahay si Yolizel at maagang pumila ito sa FX, hindi niya inaasahang 30 minutos lang ang kaniyang naging byahe at alas siyete pa lang ay nasa opisina na siya.

Image courtesy ofwww.google.com

Kinaumagahan at sa mga sumunod pang araw ay nagpatanghali na si Yolizel ng alis sa kanilang bahay, bukod kasi sa bumibigat nitong pakiramdam ay kampante na rin siya na maagang makakarating sa opisina.

Isang Huwebes ng umaga, alas siyete na ay paalis pa lang ang babae sa kanilang bahay. Agad itong sumakay ng jeep patungo sa sakayan ng fx at dahil buntis ay walang pila kaya nasa harapan siya.

“Ate, bakit ganito ngayon? Wala yung mga FX na sinasakyan natin?” tanong ng isang babae sa kasama niyang babae na nakapila.

“Kapag coding yung ibang fx, colorum ang mga bumabyahe. Sa totoo lang mas mabilis pa nga sila kasi umiiwas sa parak,” tumawang sagot naman ng isang babae.

Nakikinig lang si Yolizel sa kanilang usapan at medyo kinabahan ito dahil 7:15 na ay wala pa rin siyang masakyan.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang sinasabi nilang mga colorum na van, magagandang pribadong sasakyan ang mga ito at halata mo naman kaagad na hindi pangpublikong sasakyan. Sumakay na lang rin si Yolizel kahit pa nga hindi siya tiwala sa mga ganoon, awa ng Diyos ay nakarating ang babae bago mag-alas otso ng umaga.

“Friend, uso pala ang mga colorum na van? Kanina yung sinakyan ko e colorum, pero mas mabilis nga kaming nakarating,” pahayag ng babae sa kaniyang kaibigan.

“Ay naku marami nang ganyan friendship! Ang iba nga kahit coding e bumabyahe, palusot-lusot lang. Pero mag iingat ka pa rin ha, pipiliin mo yung mga sasakyan mo,” saad naman ni Chris sa kaniya. Tumango na lang ang babae at ngumiti.

Kinaumagahan ng Biyernes, huling araw ng pasok ni Yolizel para sa buong Linggo ay masayang-masaya itong bumangon at umalis sa kanilang bahay, kinuhanan pa nga niya ng litrato ang bagong relo at ipinost sa Facebook sabay sabing ‘TGIF’.

Hindi pa man nakakalayo ang babae ay may puting van nang naghihintay sa kanilang kanto, byaheng Makati daw ito. Agad naman siyang sumakay kasama ng ibang mga pasahero at umandar na ito.

Image courtesy ofwww.google.com

Maya-maya pa ay biglang tumigil ang FX sa isang squatter’s area. Nagising si Yolizel sa pag-aakalang Makati na ito ngunit biglang kumabog ang kaniyang dibdib nang makita ang drayber na may kutsilyong nakatutok sa kaniyang leeg mula sa likuran.

“Akin na lahat ng mamahaling gamit niyo! Kung ayaw ninyong dumanak ang dugo dito,” saad ng lalaki sa likod. Nilingon ni Yolizel ang pangyayari at dalawang lalaki ang nangongolekta ng mga pera at gamit ng ibang pasahero.

“Hoy ikaw! Akin na yang relo mo!” baling ng lalaki kay Yolizel.

“Boss, buntis yan. Wag mo na galawin baka maka-anak pa yan dito,” wika ng drayber at iniharang ang kaniyang kamay kay Yolizel. Hindi na nakagalaw pa ang babae at hinayaan na lang niyang kuhanin ng holdaper ang bago niyang relo.

Agad na bumaba ang dalawa at tumakbo, pumunta naman ng presinto ang drayber at nagreport. Inako niya ang kasalanan sa pamamasada ng pribadong sasakyan na walang tamang lisensya, ngayon ay pinaghahanap na ng batas ang dalawang lalaki.

Sa kabilang banda naman ay tila na trauma si Yolizel sa naganap kaya isinumbong na rin niya sa pulisya ang iba pang colorum na van.

“Kasi baka pag hindi ko inireport ay maulit muli ang ganitong pangyayari,” saad pa nito sa pulisya.

Alam niyang maraming nagalit sa kaniya na pawang naghahanap buhay lamang ngunit mas nakakatakot na maging kampante ang lahat ng pasahero sa pagkakaroon ng colorum na sasakyan at maulit muli ang nakakatakot niyang karanansan.

Simula noon ay hindi na muling sumakay pa si Yolizel sa mga colorum na van.

More Stories