Perpektong Beach Body ang Pinaghahandaan ng Dalagang Ito Ngunit sa Ospital ang Kaniyang Kinahinatnan, Ano Nga Ba ang Nangyari?

Perpektong Beach Body ang Pinaghahandaan ng Dalagang Ito Ngunit sa Ospital ang Kaniyang Kinahinatnan, Ano Nga Ba ang Nangyari?

FunInspiringStories

Kakatapos lamang ng ika-18 anyos na kaarawan ni Trixie at sabik na sabik na siya sa paparating nilang outing.

“Ma, pwede na ako mag two piece ha!” saad ng dalaga sa kaniyang ina.

Image courtesy ofwww.google.com

“Diyos ko naman anak, ang taba taba mo! Hindi ka ba mahihiya? Pagtitinginan ka ng mga tao,” baling naman ni Aling Amanda.

Image courtesy ofwww.google.com

“Ma, mas masakit ka pang manglait sa ibang tao e. Sarili mo kaya akong anak, ‘wag mo naman ako masyadong i-down,” wika namang muli ni Trixie sa ina.

“Oh sige bahala ka, dalawang buwan pa naman bago tayo mag-Palawan. Do your best anak!” pahayag naman ng ale at nginitian ang dalaga.

Dahil medyo konserbatibo si Aling Amanda pagdating sa pananamit ay hindi pa nagagawang magsuot ni Trixie ng mga maiiksi, hapit at sexy na damit lalo na ang pinapangarap niyang makapagsuot ng two-piece.

Kung titingnan at iisipin, hindi naman katabaan si Trixie ngunit hindi rin siya payat dahil walang hubog ang katawan nito. Malaki rin ang kaniyang tiyan pati puson dahil tirador ang dalaga ng unli-rice sa mga kainan at sinasabayan pa niya ng malamig na soft drinks. Bukod nga raw sa magandang marka sa eskwelahan ay nakapag-ipon din siya ng bilbil.

“Trixie, tara na lunch tayo sa Cabalen. Libre daw ni Gelo,” saad ni Abby, ang matalik na kaibigan ng babae.

“Shems, libreng fudang! Madali lang naman magpapayat at may dalawang buwan pa ako kaya next time na ang diet,” isip-isip niya sa sarili.

Walang ka abog-abog at mabilis na sumama ang dalaga sa kaniyang mga kaibigan. Hindi lamang isang beses nagkaroon ng maraming libre at mga buffet pa kaya hindi makatanggi si Trixie.

“Anak, pauwi na ang tito mo bukas at sa Vikings daw tayo kakain. Maaga kang umuwi ha!” saad ni Aling Amanda.

“Kung kailan ka naman diet na diet saka naman magsusulputan ang mga ganito. Oh Lord, masyado niyo pong sinusubukan pero salamat pa rin,” isip-isip ng dalaga habang nakataas pa ang mga kamay nito sa ere na tila ba nagdadasal at nagpapasalamat sa may kapal.

Image courtesy ofwww.google.com

“Trixie, may paganyan-ganyan ka pa. Narinig mo ba yung sinabi ko?” baling naman ng ina niya na humarap sa kaniya at nagpamewang pa ito habang tinititigan siya.

“Oo naman mama narinig ko po. Syempre sasama ako e kainan iyon e,” sagot naman agad ni Trixie at binaba ang kaniyang kamay.

“Akala ko aatras ka at sasabihin mong diet ka,” baling namang muli ni Aling Amanda.

“Ma, madali lang magpapayat. Saka itong mga taba ko e baby fats lang ‘to kaya kaunting exercise ay magiging perfect body na ang anak niyo. Watch me, mama!” tumatawang wika ni Trixie sa kaniyang ina.

Hindi naman sumagot ang ale at napa-iling na lang ito sa kaniyang anak.

Halos dalawang linggo na lang at lipad na ng kanilang pamilya papuntang Palawan kaya biglang nagseryoso ito.

Bumili siya ng tsaa na mabilis daw makapagpapayat, pati biscuit lang ang kinakain niya at wala itong ginawa kundi ang mag-ehersisyo sa kaniyang kwarto.

Image courtesy ofwww.google.com

Sa unang araw ay agad na nakadumi ng halos anim na beses ang babae dahil sa tsaa at sobrang saya niya dahil pakiramdam niya ay lumiliit na ang kaniyang tiyan.

“Ma, ano? Kamusta hitsura ko? Ang sexy ko na ano?! Naka-anim na akong poops today at dahil yun sa extra fast slimming tea, pak na pak, na nabili ko,” pahayag ni Trixie sa kaniyang ina na noon ay nagluluto ng kaniyang paboritong binagoongang baboy.

“Kahit akitin mo pa ako niyang mga pa-ulam mo, hindi na masisira pa ang determinasyon ko!” baling muli ni Trixie kay Aling Amanda na pangisi-ngisi lang sa kaniya.

Image courtesy ofwww.google.com

Sa pangatlong araw ay tila ba nahihilo na si Trixie at gutom na gutom na ito. Kaya lumabas siya upang maghanap ng makakain.

“Ma, may dark chocolate ba tayo diyan? Baka pwede mo naman ako bigyan ng kaunti lang, talagang hinang hina na ako e,” wika ni Trixie sa kaniyang ina.

“Iyang pagpapapayat mo ang maghahatid sa’yo sa sementeryong bata ka!” sigaw naman ni Aling Amanda at lalapitan pa sana niya ang anak upang batukan ngunit nagulantang na lang siyang bumagsak ito sa sahig.

Dali-dali na naisugod si Trixie sa ospital at doon napag-alamang na ubusan na pala ito ng tubig sa katawan at kaunti na lang ay bibigay na ang kaniyang katawang lupa dahil sa hindi niya pagkain at patuloy pa rin na pag-inom ng tsaa.

Image courtesy ofwww.google.com

“Oh, ano? Beach body mo ngayon, nasaan? Oh, hello ka sa ospital anak,” saad ni Aling Amanda sa anak nang ito ay magising.

“Sorry ma,” baling naman nito.

“Anak naman kasi, hindi ibig sabihin na dahil uso ang maiiksing damit ay kailangan ganoon ka rin. Walang masama anak sa pananamit mo at sa pagiging chubby mo, ang kailangan mo lang ay mahalin iyang sarili mo para mahalin ka ng ibang tao,” pahayag ni Aling Amanda sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

“E paano na yung pag tu-two piece ko?” malungkot na tanong ni Trixie sa ina.

“Anak, pwede namang magswimsuit kahit mataba, chubby, maitim o ano pa man. Kahit ano pang itsura natin ay palaging may sasabihin ang mga tao, kaya hayaan mo lang sila at i-push mo lang ang makakapagpasaya sayo,” wika namang muli ng ale at hinalikan ang kaniyang anak.

Simula noon ay mas minahal ni Trixie ang kaniyang sarili at hitsura. Naging aral din sa kaniya na hindi nakukuha ang magandang katawan sa pabigla-biglang proseso dahil ito ay isinasabuhay araw-araw.

More Stories