Oo, May Sugar Daddy Ako
Mula pagkabata ay sanay sa buhay na sunod sa luho si Dalia. Lahat ng kanyang naisin, agad na naibibigay. Anuman ang kaniyang hilingin, siya aga namang nagtutugon.
Nag-iisang prinsesa siya ng kanyang magulang. Ano pa nga ba ang mahihiling ng tulad niyang anak-mayaman?
Lahat ng magagandang bagay sa mundo ay tila ba pagmamay-ari na niya. Mamahaling alahas, branded na mga bags, mga damit galing sa kilalang mga designers at mga gadgets. Tanging problema na lang niya ay kung saan pa lulustayin ang yaman na tinatamo mula sa kanyang magulang.
Ang buong akala niya’y habambuhay nang ganoon ang pamamaraan ng kaniyang pamumuhay, hanggang isang araw, gumising siya na tila ba malaking bangungot ang babago sa buhay niya.
“B-bakit niyo kinukuha ang gamit sa bahay namin? Anong ibig sabihin nito?” gulat na tanong ni Dalia habang minamasdanang grupo ng mga kalalakihan na hinahakot palabas ang kanilang mga mamahaling gamit.
“Utos daw po ng bangko, dahil hindi daw po nakabayad sa limampung milyong pisong utang ang ama ninyo,” sagot naman ng kanilang kasambahay.
“Hindi! Stable ang business ng daddy ko. Baka nagkakamali lang kayo!” todo tangging sabi pa ng dalaga.
Ngunit kahit anong tanggi ang gawin niya, hindi maitatago ang katotohanang bankrupt na sila. Baon sa utang at lubog na ang negosyo. Ang tila maginhawang pamumuhay at sinalanta ng matinding unos.
Pansamantala silang nalipat sa isang maliit na bahay na mayroong kalumaan at iba-iba sa nakasanayan nilang tirahan. Gawa sa kahoy ang sahig, tuklap ang mga pintura at parang naluom ng matagal ang amoy.
“How can I live like this?” naluluhang bulong niya sa sarili.
Lumipas pa ang mga araw, tila ba hindi na nakayanan pa ni Dalia ang simpleng pamumuhay. Sa kalagitnaan ng gabi, kinuhaniya ang mga gamit niya at saka nagpakalayo-layo sa kaniyang pamilya.
Nanatili siya sa isang hotel gamit ang natira niyang pera, subalit hindi na ito kakasya pa sa mga susunod na araw. Kailangan niyang gumawa ng paraan, kailangan niya ng pagkakakitaan, pero ano at paano?
Sinubukan niyang magcashier sa isang sikat na supermarket, ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay tinanggal din siya, sa kadahilanang hindi niya magawa ng maayos ang trabaho.
“Paano na ako? Paano ako mamumuhay na gaya ng dati?” mgatanong na bumabagabag sa kaniyang isipan.
Ayaw na rin niyang bumalik sa kanyang magulang, dahil sa galit na nadarama.
May mga luha sa mata siyang nakatitig sa mgamamahaling gamit na mayroon siya, wala siyang ibang magawa kundi ibenta ang mga ito.
Ipinaskil niya online ang mga nais ibenta, ngunit hindi ganoon kabilis ang proseso doon, kaya kahit na nakakahiya, naglatag siya sa labas at doon ibinenta ang mga mamahaling alahas, bags, at mga damit.
Kahit na halos lumubog na sa hiya ay kinapalan na lamang niya ang mukha. Kahit na lugi, napilitan siyang ibenta ang lahat ng iyon sa kalahati at mas mababa pang presyo. Iyon na lamang ang paraan upang nang sa ganoon, masuportahan niya ang sarili.
Kulang na kulang pa rin ang mga kinita niya upang matugunan ang mga pangangailangan sa mga susunod na araw. Ano na lang bang pagpipilian ng tulad niyang walang alam na kahit anong trabaho sa buhay?
Nagliligpit na si Dalia ng gamit noon, nang may biglang kamay na tumapik sa kaniyang balikat. Nilingon niya at nakita ang isang lalaki na nasa edad limampu o pataas siguro.
“May kailangan po kayo?” tanong ng dalaga.
“Wag kang matakot! Ako nga pala si Albert, at isa akong businessman. Nais ko lang malaman kung anong ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka nagbebenta ng mga mamahaling gamit na iyan?” pag-uusisa ng lalaki.
Napatingin lamang si Dalia sa kausap at biglang bumuhos ang mga luha. Damang-dama ang lungkot sa bawat hikbi at luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Inimbitahan siya ng lalaki na kumain sa katapat na restawran at doon sila nagpalitanng mga kwento.
Naibahagi ni Dalia ang mga pangyayari sa kanyang buhay nanaging dahilan naman upang mas lalo pang maging interesado sa kanya ang lalaki.
“Alam mo hija, nagtataglay ka ng nakakahalinang kagandahan. Kung papayag ka sana’y, mayroon akong nais na hilingin sa’yo,” seryosong sabi ni Albert.
“A-ano po iyon?” batid ang kaba sa boses ng babae.
“Uulitin ko, hindi ako masamang tao, pero nang masulyapan kita kanina, hindi na nawala pa ang mga tingin ko sa’yo. Gusto ko sana mag offer ng isang deal sa’yo na sana ay huwag mong mamasamain…”
“Anong deal po ang gusto niyo?” tanong ng dalaga.
“Gusto kita. Nais kong maging partner ka. Lahat ng gusto mo, ibibigay ko. May allowance ka na P25,000.00 kada linggo bukod pa yung mga bagay na nais mong ipabili. Ako na ang bahala sa bahay na titirahan mo, sa mga pagkain at pananamit mo. Basta ang nais ko lang ay maging akin ka,” mungkahi naman ng matandang lalaki.
“In short, gusto niyong maging sugar daddy ko? In return, ano po ba ang nais niyo?” tugon naman ng dalaga na tila ba nabuhayan ng interes.
“Gawin mo lang lahat ng sasabihin ko at lahat ng gusto ko, at lahat ng gusto mo ay ibibigay ko,” nakangiting saad ni Albert.
Tila nga nasilaw si Dalia sa yaman ng lalaki. Walang pagdadalawang-isip siyang sumama rito.
At tulad ng pinangako, ipinamili agad ng mga damit na mamahalin si Dalia at dinala sa malayong lugar kung saan may malaking bahay na para lamang sa kaniya.
Ayos na sana ang lahat, ngunit may problema, kasal na ang lalaki. Kaya’t hindi ito maaaring manatili na kasama siya.
Binago ng lalaki si Dalia. Simula sa ayos ng buhok hanggang sa pananamit. Halos lumuwa na ang dibdib ni Dalia at kita na rin halos ang kanyang kaluluwa sa sobrang mahalay na kaniyang suot. Kapalit ng lahat ng yaman ay ang katawan ni Dalia. Kung anong sabihin ng lalaki ay kaniya namang ginagawa.
Sa paglipas ng panahon, nabalot ng lungkot si Dalia. Mag-isa lamang siya sa pamamahay at pupunta lamang ang lalaki sa tuwing makakaramdam ito ng init ng katawan.
“Isa na lamang ba akong parausan?” umiiyak na tanong niya sa sarili habang nakahiga sa napakalaking kama.
Napagtanto niya na hindi na niya gusto ang mga nangyayari. Ibang-iba na siya at hindi na makilala pa ang sarili. Kaya’t napagdesisyunan niyang kumalas na kay Albert.
“Nagpapatawa ka ba, Dalia? Akin ka lang! Hindi ka pwedeng umalis dito!” galit na sigaw ng lalaki.
“Pero ayoko na! Ayoko na ng ganitong buhay. Hindi ako masaya! Parang awa mo na…” hinagpis naman ng dalaga.
Hindi pumayag si Albert sa naisin ni Dalia. Kinuha nito ang susi ng bahay at saka doon ikinulong ang babae. Bago umalis si Albert at sapilitan pa niyang ginalaw ang dalaga. At magmula noon, naging isang malaking kulungan ang bahay na tinitirahan ni Dalia.
Lakas-loob na tumakas ang dalaga. Gamit ang isang bangkuan, binasag niya ang bintana at saka tumakbo at nagpakalayo-layo.
Hindi niya alam kung saan tutungo. Dala ng sobrang pagod, kaba at pag-aalala, bumagsak si Dalia at nawalan ng malay.
Nagising siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Tumambad naman sa kanyang mga mata ang nakangiting lalaki.
“Gising ka na pala. Sandali at ipaghahanda kita ng pagkain,” bati ng lalaki sa kanya.
Maya-maya pa, pumasok ang isang may edad na babae na may dalang mainit na sabaw at gatas.
“Kumain ka, hija. Mukhang masyado ka atang napagod. Inumin mo raw ito, sabi ng anak ko, para mas mapabuti ang kalagayan mo,” nakangiting alok nito sa dalaga.
Nagkwentuhan saglit ang matanda at si Dalia. Doon, nalaman niyang doktor pala ang lalaking tumulong sa kanya.
“I am Dr. Nathan pala, kumusta ka na?” tanong ng lalaki habang may dalang tubig at gamot.
“O-okay naman ako. Aalis na rin sana ako, kasi, kailangan ko pang makita ang pamilya ko,” tila ba nahihiyang tugon ng babae. “Dalia… Dalia ang pangalan ko.”
Nagpresinta si Nathan na ihatid na si Dalia para makasigurong ligtas na makakauwi ang dalaga. Habang nasa biyahe, kanilang napag-usapan ang mga nangyari kay Dalia. Naging maluwag at magaan ang pakiramdam nila sa isa’t isa kaya kampante ang dalaga na ikwento ang lahat.
Pagdating nila sa lugar kung saan nakatira ang magulang ni Dalia, isang nakagigimbal na balita ang kanilang nalaman.
“Pumanaw na po ang magulang ninyo, ilang buwan na rin ang nakalipas. Nasunog po kasi yung bahay na tinitirahan nila at wala kahit sino sa kanila ang nakaligtas,” kwento ng babae mula sa katapat bahay.
Napaiyak na lamang si Dalia sa narinig. Hindi man lang niya nakita ang mga magulang bago ito pumanaw.
“Sorry mommy… Sorry daddy…” tanging mga salitang kaniya na lamang nabitawan habang lumuluha at nag sisindi ng puting kandila.
Niyakap lamang siya ni Nathan ng mahigpit upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na nadarama. Kinupkop rin siya ng pamilya ni Nathan at binigyan ng pagkakataon namakapagtapos ng pag-aaral.
‘Di naglaon, nagkamabutihan naman ang dalawa. Hindi naging mahirap kay Dalia na mahulog sa binata. Mabait ito, responsable at maasikaso, kaya’t minahal agad niya ito.
Di naman din naging balakid kay Nathan ang nakaraan ni Dalia. Tinanggap niya ng buong-buo ang babae at minahal ng higit pa sa kahit ano. Tila ba natagpuan nila ang tunay na pagmamahal sa piling ng isa’t isa.
Natutunan ni Dalia ang mamuhay ng payak at simple sa tulong ni Nathan. At higit sa lahat, natutunan niyang maging kontento sa buhay. Binago ng lalaki ang malaking parte ng pagkatao niya. Mas naging maayos siya at mas lumawak ng pananaw sa buhay.
Ngayon ay excited ang dalawa sa nalalapit na pagsilang ng kanilang panganay.
Minsan sa buhay, dumarating talaga ang pagkakataon na masisilaw tayo sa pera, yaman, at mga maling bagay, dahil iyon ang madali at doon ang maginhawa, ngunit sa paglipas ng panahon, malalaman natin na ang akala nating maayos ay nakabalot lamang sa matamis na kasinungalingan. Pero pakatandaan na sa bawat maling desisyon na ating nagagawa ay may kalakip na aral na magdadala sa atin sa tamang destinasyon sa buhay.