Inday TrendingInday Trending
Mahal Kita, Bestfriend

Mahal Kita, Bestfriend

“Jake,” pagtawag ni Alliah sa kaniyang best friend.

“Bakit? May kailangan ka ba? Kailangan mo ba ng tulong?” sagot ng binata habang ang paningin ay nasa kaniyang kwaderno at libro.

Kasalukuyan silang gumagawa ng class activity sa Mathematics.

“May gusto sana ako sabihin saiyo,” tugon ni Aliah.

“Ano ba iyon?” saka tumingin sa kaniya ang lalaki.

“Mamayang lunch break mo sabihin sa’kin. Malapit naman na, tapusin na muna natin ‘tong activity.”

“Sige,” tanging sagot ni Aliah saka ito tipid na ngumiti.

Sabay na naglakad si Jake at Aliah patungo sa canteen. Habang naglalakad, hindi mawala sa isip ni Aliah ang gusto niyang sabihin kay Jake.

“Okay ka lang ba?” biglang tanong ni Jake nang mapansin nito ang pagkatuliro ni Aliah.

“Ha? Oo naman, bakit? sagot nito.

“Kanina ka pa kasi mukhang tuliro diyan,” sabi naman ni Jake saka tinignan muli ang mukha ni Aliah.

“Ah, gano’n ba? Okay lang ako, Jake,” pagkukunwari ni Aliah kahit na sa loob nito ay totoo nga na siya’y tuliro.

“Hindi eh. Hindi ka okay. Alam ko na may gumugulo sa’yo. Iyan ang sabi ng binata sa isip-isip nito.

Hindi na muna ito pinansin ng binata at pumila sa counter para bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa.

“Aliah, ‘di ba may sasabihin ka? Ano iyon?”

“Wala ‘yon. Kalimutan mo na ‘yon,”

“Come on, spill it!” pagpipilit ng binata.

“I know you, Aliah, kapag may sasabihin ka, sinasabi mo kaagad. Bakit parang ngayon lang yata umatras iyang bibig mo?” dagdag pa nito.

“I’ll talk before you talk. Okay?” lakas loob na sabi ni Aliah.

“Fine with me. Now, spill,” sang ayon ni Jake saka sumubo ng pagkain.

Binitawan ng dalaga ang kaniyang hawak na kutsara at tinidor saka ito pumikit at huminga ng malalim.

“Matagal na akong may gusto sa iyo, Jake. Hindi lang gusto, mahal kita hindi lang best friend. Higit pa ro’n ang nararamdaman ko para saiyo. Hindi ko alam kung kalian nagsimula ang lahat, basta ang alam ko, mahal na kita,” pag amin ng dalaga.

“Aliah, look, we’ve been friends. No, scratch that. We’ve been best friends for seven or eight years? At masaya ako kung ano ang meron tayo, kung ano tayong dalawa. Thankful ako sa relasyon natin na dalawa, magkaibigan, magbestfriend. Pero kasi, hindi mo ba naisip ang pagkakaibigan natin? Marami ang puwede na magbago, Aliah. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Kung sakali man, do you think it will work?” seryosong tugon ng binata.

“I didn’t say na kailangan magustuhan o mahalin mo rin ako kagaya sa nararamdaman ko para sa iyo. Sinabi ko sa’yo dahil hindi ko na kayang pigilan pa sa kahit na anong paraan. At alam ko rin sa sarili ko na hindi infatuation ang nararamdaman ko para sa’yo” sagot naman ng dalaga sa binata.

“I’m sorry, Aliah. Hindi ko masuklian ang nararamdaman mo para sa’kin. Masaya na ako sa ganito na mag-bestfriend tayo,” paumanhin nito sa dalaga.

“You don’t have to worry, tanggap ko. Sabi ko naman sa sarili ko na, tatanggapin ko kung ano man ang mangyari. I know this will happen but, can I ask a favor?” saad ni Aliah.

“You know you can, always…” sagot naman ni Jake.

“Lalayo muna ako sandali. I just want to clear my feelings. Isang buwan lang naman iyon,” paalam nito.

“Saan ka pupunta, Aliah? Bakit gano’n katagal?” gustong itanong ng binata sa dalaga ngunit hindi niya ito magawa. Pumayag na lamang ito sa pabor na hinihingi sakaniya ng dalaga.

Lumipas ang isang buwan, dalawa, hanggang inabot ito ng tatlo.

“Miss na miss na kita, Aliah. Nasaan ka na ba?” bulong ng binata habang nakayuko at nakasandal sa puno sa kanilang paaralan.

Simula no’ng umalis kasi ang dalaga ay palagi itong mag-isa. Kung wala siya sa loob ng classroom, ay nasa garden ito ng paaralan.

“Jake!” tawag sa kaniya ng boses ng pamilyar sa kanya. Dali-daling tumayo ang binata sa pagkakaupo.

“Aliah, ikaw ba ‘yan?” masayang sabi ng binata.

“Oo, kumusta? Pasensiya na, natagalan ako sa pagbalik,” pangangamusta ni Aliah sa kaibigan

“Ayos lang ‘yon. Ang importante ay nandito ka na. Namiss kita!” tuwang tuwa na sabi ni Jake, totoong namiss nga naman ang kaibigan.

“Namiss rin kita, best friend. Oo pala, may ipapakilala ako sa’yo.”

“Ha? Sino? “ agad naman tumakbo ang dalaga sa kung saan, at pagbalik nito ay may kasama na siyang binata at hawak nito ang kaniyang kamay.

Nang matanaw ng binata ang kaniyang bestfriend at ang kahawak nito ng kamay. Pakiramdam ng binata ay para siyang tinusok ng ilang beses sa dibdib.

“Jake, siya si Mhel, boyfriend ko,” pakilala nito sa kasama.

“Nice to meet you, pre.” At nagkamayan ang dalawang binata.

“Sama ka sa’min, Jake. Kain tayo, my treat,”

“Hindi na, kayo nalang. May gagawin pa kasi ako. Sa susunod nalang ako sasama,” tanggi ni Jake sa kaniyang best friend.

“Gano’n ba? Sayang naman. Sige, next time ha? Sasama ka. Mauna na kami sa iyo, okay lang ba?” paalam nito.

“Oo naman! Mag iingat kayo,” saad ni Jake.

Habang naglalakad papalayo ang magkasintahan, hindi maiwasan ng binata ang masaktan dahil ang kaniyang mahal ngayon, ay may mahal nang iba.

Labis ang lungkot na naramdaman ni Jake noong araw na iyon. Hindi niya lubos maisip na pagsisihan niya ang hindi pagsukli sa pagmamahal ng kaibigan sakaniya.

Naisip niya na kaya lumayo ang kaibigan, marahil ay nasaktan niya ito at nabalewala. Inaasahan nito na sa pagbabalik ng dalaga ay ganoon pa rin ang kaniyang nararamdaman, ngunit, sa isang iglap, nagbago ang ihip ng hangin.

Tulad ng panahon, ang damdamin ng tao ay nagbabago rin. Kaya’t huwag na sana nating intayin ang pagkakataon na mawala na sila ng tuluyan sa ating buhay bago pa natin maisip na sila pala talaga ay tunay nating mahal at kailangan. Tunay ngang makikita lamang ng iba ang halaga ng isang tao kapag wala na ito sa piling nila.

Advertisement