Inday TrendingInday Trending
Tumakas ang OFW na Ito sa Kaniyang mga Among Arabyano at Humingi ng Tulong sa Pilipinong Embahador; Makakabalik na Kaya Siya sa Pilipinas?

Tumakas ang OFW na Ito sa Kaniyang mga Among Arabyano at Humingi ng Tulong sa Pilipinong Embahador; Makakabalik na Kaya Siya sa Pilipinas?

Wala nang pakialam si Agnes kung may sandalyas pa siya sa mga paa nang tumakas siya sa malupit niyang Arabyanang amo na pinagmamalupitan siya. Nang makatiyempo siya ng pagkakataon, sinamantala na niya ang pagkakataon upang makatakas.

Ngayon, nasa harapan na siya ng tanggapan ng embahada upang humingi ng tulong.

“Halika, pasok ka… pasok…”

Pumasok si Agnes sa tanggapan ng lalaking embahador na isa ring Pilipino. Agad siyang naupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng mesa nito, kahit hindi pa naman siya pinapaupo. Malikot ang kaniyang mga paa, nanginginig siya. Gusto na niyang makauwi sa Pilipinas. Gusto na niyang makayakap ang kaniyang mga anak. Walang patid ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata.

Pagitan nila ng embahador ang patong-patong na papeles sa mesa nito, na may naka-adornong maliit na watawat ng Pilipinas at watawat ng Arabia.

“Ikaw rin yung pumunta rito noong nakaraan, hindi ba?” tanong ng matabang embahador na may makapal na balbas at bigote.

Tumango-tango naman si Alicia habang nakatungo. Sa totoo lamang, ayaw na niya sanang lumapit sa lalaking ito dahil hindi talaga makampante ang kaniyang kalooban. Parang may itinatago ito.

“Kumusta naman yung kasama mo dati? Sino nga iyon? Si Brenda?” kalmado nitong tanong habang nakataas ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa likod ng ulo.

“W-Wala na po akong balita sa kaniya, sir. Pero ang alam ko po, noong huli kaming nagsadya rito, pinagbawalan na siya ng mga amo niya na lumabas. Ako po, sinamantala ko lang ho ang pagkakataon nang malingat ang amo kong babae. Tingnan ho ninyo, wala ho akong kadala-dalang kahit na ano maliban sa pasaporte ko at sarili ko lamang,” naiiyak na paliwanag ni Alicia.

“Sige, sige. I understand. Ganito Alicia, hindi ba’t sinabi mo noon na bukod sa pananakit sa iyo ng babaeng amo mo, ginagawan ka rin nang masama ng amo mong lalaki?”

“O-Opo sir… ilang beses po niya akong pinagtangkaang pagsamantalahan pero hindi po ako pumapayag,” wika naman ni Alicia.

Umayos ng upo ang embahador at parang lalo itong nagkainteres.

“Sige, I wanna hear the story. Puwede mo bang isa-isahin kung ano-ano ang mga ginagawa niya sa iyo?”

“Noong unang beses po, naghuhugas po ako ng mga pinagkainan, sir. S’yempre nakatalikod ako. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. May kinuha siya sa hanging cabinet na nasa tapat ng lababong pinaghuhugasan ko, pero naramdaman kong idinikit niya talaga ang kuwan niya sa likod ko, na parang kinikiskis niya. Matigas…” kuwento ni Alicia.

Matamang nakikinig ang embahador.

“Ano pa? Iyon lang?”

“Yung pangalawa po, naglilinis naman ako ng sala nang bigla siyang lumabas sa banyo na naka-brief lamang, pinapaabot niya sa akin yung tuwalya niya. Tapos iniabot ko naman po. Hinawakan niya ang kamay ko at pinapapasok niya ako sa loob pero tumanggi ako. Doon na po kami nakita ng amo kong babae. Tapos pinalabas po ng amo kong lalaki na ako ang nagtatangkang pasukin siya sa loob ng banyo habang naliligo. Simula noon pinag-initan na niya ako,” kuwento pa ni Alicia.

Napansin ni Alicia ang pag-alsa ng umbok sa pagitan ng mga hita ng embahador nang tumayo ito at lumapit sa kaniya.

“Pero bakit hindi ka na lang pumayag? May mga anak ka na naman na… hindi ka naman birhen…” sabi nito.

Nagulat naman si Alicia sa mga pinagsasasabi ng embahador. Hindi siya makapaniwala na sasabihin nito ang mga pahayag na iyon.

“Sir, hindi ko po magagawa sa sarili ko iyon. Mahirap lang po ako sa Pilipinas pero may dignidad naman po ako. Ayoko pong pagtaksilan ang mister ko, kahit na hindi naman niya malalaman kung papatol ako sa amo ko.”

Tumango-tango ang embahador. Sa pagkakataong iyon ay nakatayo ito sa harapan ni Alicia. Kitang-kita ni Alicia ang ‘umbok’ nito, subalit agad na niyang iwinaksi ang hindi magagandang isiping pumapasok sa kaniya. Narito siya upang humingi ng tulong.

“Okay, okay, ganito na lang… ako na ang magbibigay sa iyo ng ekstrang plane ticket para makabalik ka na sa Pilipinas,” wika ng embahador habang paunti-unting lumapit kay Alicia. Itinutok nito ang kaniyang umbok sa mukha ng OFW.

“S-Sir…”

“Pero susunod ka sa mga kondisyon ko…” bulong nito sa kaniya sabay halik sa kaliwang tenga ni Alicia. Maluha-luhang tiningala ni Alicia ang embahador. Nginitian siya nito sabay hawak sa kaniyang magkabilang braso, at umakyat sa kaniyang mga balikat, at lumapag sa kaniyang leeg.

Napaigtad si Alicia…

Naalala niya ang pagtatangkang pambababoy ng kaniyang among Arabyano…

“Nanay! Nanay!”

Masayang-masaya ang mga anak ni Alicia nang makita ang kanilang nanay. Isang mahigit na yakap ang sinalubong niya sa kanila, hanggang sa mapaiyak na siya.

Maya-maya, ang kanyang mister naman ang lumuluhang yumakap sa kaniya.

“Mahal, salamat at ligtas ka. Salamat sa Diyos at naging matapang kang harapin ang tama.”

“Oo mahal, magkakasama-sama na ulit tayo. Mabubulok na sa bilangguan ang mga amo kong Arabyano at ang bastos at manyakis na embahador na iyon. Mabuti na lamang at nagsisisigaw ako’t nagkataong may paparating siyang mga kasamahan kaya hindi na siya nakakawala pa. Ganoon daw pala ang ginagawa niya sa mga OFW na humihingi ng tulong sa kaniya, at kung lalaki naman, pineperahan niya. Hindi ko ilulugso ang puri ko sa ibang lalaki kundi sa iyo lamang, mahal ko,” umiiyak na sabi ni Alicia.

Habang nasa sasakyan sila pauwi sa kanilang bayan ay natanaw ni Alicia ang mataas na sikat ng araw. May pag-asa pa para sa pagbabagong-buhay—dito sa Pilipinas, kasama ng kaniyang pamilya.

Advertisement