Kundi Pa Nakaahon sa Luging Negosyo sa Tulong ng Mayamang Intsik ay ‘Di Niya Dadalawin ang Ina; Hagulgol Siya Nang Makita ang Bagong Bahay Nito

“Beng, nag-ring ang telepono kanina. Tumawag ba si Albert?” tanong ni Mama Rita sa kasambahay.

“Hindi po, ate. Siya pa rin po. Yong kumpare mong nangungulit na bumili nitong mansiyon niyo ni Kuya Romualdo,” sagot ng butihing kasambahay habang umiiling-iling.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay pirmeng nag-aabang si Rita sa tawag ng kaisa-isang anak ngunit ito lamang makulit na kumpareng negosyanteng instik ang panay tawag nang tawag sa kaniya.

Ipinaliwanag na niya rito na hinding-hindi niya ibebenta ang kanilang malaking bahay at lupain sapagkat ito na lamang ang kaisa-isang alaalang naiwan ng kaniyang yumaong asawa.

Hindi niya magawang tawagan ang anak sapagkat noong huling pangangamusta niya rito ay tipid na tipid ang mga salita nito at panay ang sabi ng teka lang sa mga kumakausap dito sa opisina habang kausap siya sa telepono.

Noon ay nagdaramdam pa si Mama Rita sa pagpapakita ng kagaspangan ng ugali ng kaniyang anak ngunit kahit ilang buwan niya itong hindi kumustahin at subukang kausapin dahil sa tampo ay tila wala lang ito sa anak. Kahit magtampo’y tila wala siyang pakialam sa ina. Tahimik na lamang na lumuluha ang ina tuwing gabi.

“Mukhang kailangan ko nang magbawas ng trabahador. Hindi na natin kayang magpasahod sa ganito karaming tauhan,” malungkot na saad ni Albert sa kasosyo sa construction na si Billy.

“Kaya pa natin ilaban ‘yan, bro. Lumapit ka na kay tita. Isang sabi mo lang ay magwiwidro agad iyon,” sagot ni Billy.

Advertisement

“No! Hindi ako puwedeng makitang ganito ni mama. Si papa ang pinaka-iniiidolo ko pagdating sa pagnenegosyo. Isa siya sa mga pinakatitingalang inhinyero dito sa ating bayan. Hindi ko puwedeng ipakita kay mama na isa akong talunan,” pagmamatigas ni Albert.

Wala na lamang nagawa si Billy kundi ang magkamot ng ulo. Minsan ay nagsisisi siya at sumosyo pa sa construction firm na binuo ng matalik na kaibigan kahit pa alam niyang madami itong prinsipyong baluktot at labis ang taas ng pride nito. Ngunit dahil mahal niya ang kaibigan ay wala siyang magawa.

Lingid sa kaalaman ni Albert ay may pusong babae si Billy at matagal na itong may gusto sa kaniya. Hindi kasi siya sensitibong tao at pirmeng negosyo ang iniisip ng binata.

Dumating ang araw na kinatatakutan ni Albert at lahat ng kanilang kliyente ay naglipatan sa kanilang kakumpetisyong negosyo.

Isang lingo na siyang halos walang tulog at hindi alam kung saan kukuha ng pondo upang matapatan ang kalaban.

“Lilipat na kami sa kabilang kumpanya dahil hindi sila nanghihingi ng malaking downpayment. Halos buo na ang sinisingil ninyo sa amin hindi pa man inuumpisahan ang paggawa ng building. Iba ka sa papa mo. Malayo kayo sa diskarte,” wika ng kliyenteng si Mr. Ching.

Malaking kawalan si Mr. Ching sa kanilang kumpanya dahil napakarami nitong proyektong ipinapasok sa kanila kaya’t alam ni Albert na wala nang ibang pupuntahan ang kanilang negosyo kundi pababa.

Dahil sa narinig ay lalong pinanghinaan ng loob ang binata.

Advertisement

Magpapaliwanag pa sana siya ngunit bigla na siyang tinalikuran ng negosyante.

Awang-awa na si Billy sa kaibigan kaya’t naisip niyang tawagan ng palihim ang ina nito at ipaalam ang kalagayan ng kanilang negosyo.

Lumipas ang tatlong araw at tila nagkaroon ng himala.

“Tapusin mo na ‘yang building sa Sta. Ana. Pagkatapos ay may ipagagawa akong bagong proyekto sa inyo. Babayaran ko na iyan nang buo kahit ‘di ka pa nagsisimula. Isasama ko na rin ang bayad sa bagong proyekto. Ipapadala ko ang cheke pagkatapos kong matanggap ang bill kaya’t trabahuhin mo na iyan ngayon, pronto! Patunayan mong hindi mo binigo ang mga magulang mo,” tila nangmamaliit pang saad ni Mr. Ching.

Gusto na itong sampalin ni Billy ngunit pinigilan ito ni Albert.

“Bigyan niyo lamang ako ng isang oras at ipapadala ko na ang bill,” magalang na sagot ni Albert habang sinesenyasan si Billy na itigil na ang kakairap nito sa mayamang Intsik.

At dahil nga nagkaroon ng malaking proyekto at nakahawak ng milyones si Albert ay natalo niya ang kakumpetisyong construction firm at nagbalik sa kaniya ang lahat ng nawalang kliyente.

“Ngayon ay may mukhang maihaharap na ako kay mama,” saad nito kay Billy.

Advertisement

“Bro, nanay mo ‘yon. Dapat kahit nasaang yugto ka ng buhay mo ay karamay mo siya. Mapa-tagumpay o pagbulusok,” payo ni Billy.

“Hindi, bro. Ayokong mag-alala si mama at ayokong bumaba ang tingin niya sa kapasidad ko,” sagot ng ma-pride na binata.

“NEVER! Iyan ang tatandaan mo! Hinding-hindi tayo kailanman magiging talunan sa mata ng ating mga ina. Iba ang pagmamahal ng mga nanay, bro. Mapapatunayan mo ‘yan sa tamang panahon!” tila may ibig sabihin si Billy sa mga binitiwang salita ngunit dahil nagmamadali na si Albert ay binalewala niya na lamang iyon.

Nang makarating sa bahay ni Mama Rita ay nanlaki ang mga mata ni Albert.

“SOLD”

Ramdam na ng binata na may mali kaya’t agad siyang bumaba ng bagong sasakyan. Naisip niyang pinag-tripan siguro ng mga tambay ang kanilang bahay at naglagay ng paskil.

Gulat na gulat siya nang matanaw si Mr. Ching sa may veranda kaya’t agad siyang nag-doorbell.

“Hijo, ikaw pala ‘yan. Nabisita ka,” nakangiting saad ng negosyante.

Advertisement

“Nasaan si mama?” puno ng pagtataka ang boses ng binata.

“Hindi ko alam kung saan lumipat ang mama mo. Ang ganda ng bagong mansiyon ko, ano? Dati ko pang pinapangarap mabili ito. Salamat sa ‘yo, hijo,” mayabang na tono ng Instik.

Hindi na napigilan ni Albert ang sarili at akmang sasapakin ang Intsik nang mapagtagni-tagni niya ang mga pangyayari ngunit agad siyang pinigilan ng mga bodyguards nito.

Hahampasin pa sana siya ng yantok ng isa ngunit pinigilan ito ni Mr. Ching.

“Huwag mong sasaktan, anak ng kumpare ko ‘yan. Hindi nga lang ito kasing pino ng kumpare ko. Medyo sablay. Kinain kasi ng pride,” nakangising saad ng Intsik.

Lalo namang nagpuyos ang damdamin ni Albert at sinusubukan nitong kumawala sa mga mamang malalaki ang katawan ngunit sa payat niya ay wala siyang kalaban-laban sa mga ito.

“Gusto mo itong mabawi? Magpakitang gilas ka. 100 Million Pesos,” giit nito.

Maya-maya pa’y hinatak na siya palabas ng mga bodyguards nito. Akmang papasok pa sana siya ngunit halos mabali ang buto niya nang itulak palayo ng isang mama. May inabot pa itong maliit na pirasong papel.

Advertisement

Pagkita niya’y naglalaman iyon ng isang address at agad siyang tumungo dito.

Pagkita niya’y naroon ang kaibigang si Albert habang inaalalayan ang kasambahay ng ina na si Beng sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa sasakyan nito.

“Alam mo? Paano?!” humahangos pa ito nang sitahin ang kaibigan.

“Sorry, bro. Lumapit ako sa mama mo upang ipaalam ang sitwasyon at nang malaman niya ang pangalan ng kliyente natin ay sinabihan niya akong siya na raw ang bahala. Hindi ko naman alam na hihinging kapalit ni Mr. Ching ang mansyon ninyo upang hindi na sila umalis sa kumpanya natin,” naluluha at takot na takot na paliwanag ni Billy.

At dahil mainit na mainit pa ang dugo ng binata ay sa kaibigan niya binuhos ang enerhiya at pinagsasapak ito.

“Mahal kita! Tama na! Mahal kita! Kaya ko nagawa iyon! ‘Di ko kayang makita kang naglalasing araw-araw. ‘Di ko kayang makita na tumatanda na ang mama mo pero ‘di mo man lang madalaw dahil sa pride mo! Mahal kita! Hindi ako tunay na lalaki, Albert! Ikaw ang laman ng puso ko kaya kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng nobya!”

Naghahalo na ang dugo at luha ni Billy samantalang litong-lito at gulat na gulat naman si Albert sa kaniyang mga naririnig.

Agad naman din silang inawat ni Beng at ng kaniyang Mama Rita.

Advertisement

“Anak, ang mga ari-arian ko ay walang halaga sa akin kung hindi naman kita nakakausap man lang o nakakasama. Kung hindi mo man lang maisip lapitan ang iyong ina sa mga oras na lugmok na lugmok ka ay ayoko nang mabuhay pa. Handa kong isakripsyo ang lahat para sa iyo, anak!”

Tila sinampal nang malakas si Albert sa mga narinig.

Humahagulgol pa ito na parang sanggol nang yakapin ng mahigpit ang ina.

Mula noon ay nagpursige si Albert upang makaipon at mabiling muli ang mansiyon ng kaniyang mga magulang.

Naging bukas na rin siya sa ina at pirmeng nagkukuwento dito ng lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay.

Tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang malamang magpapakasal na si Albert. Ito pala ang may-ari ng construction company na mahigpit na kalaban nila Albert at Billy.

At dahil nagsanib puwersa ang dalawa ay lalo pang dumami ang kanilang kliyente.

Kahit nasasaktan na hindi kayang suklian ng kaibigan ang kaniyang pagmamahal sa paraang nais niya ay masayang-masaya pa rin si Billy sa mga magagandang pagbabago sa buhay ng kaibigan.

Advertisement

“100 Million Pesos”

Malaking-malaki ang ngiti ni Mr. Ching habang pinapapalit sa bangko ang chekeng hawak mula kay Albert.

“Oh, halika na, idedeliver na natin ito sa maangas na si Albert…” wika nito habang inaabot sa drayber ang salaping nasa isang malaking maleta, kasama ang susi at titulo ng mansiyon.

“Pareng Romualdo, sabi ko naman sa iyo… Hindi ko pababayaan ang anak mo kahit hindi na niya natatandaang ninong niya ako…” saad ng Intsik habang nakatingin sa langit at nakikinig sa musika mula sa kaniyang cellphone. Humahalakhak pa ito.