Pirmeng Niyayakag ng Kumpare ang Mister na Mambabae; Nagsisi Ito Nang Karmahin ang Kapatid Nitong Babae

Hindi mapalagay si Kristy sapagkat pasado alas dose na ng madaling araw ngunit wala pa sa bahay ang mister. Alas singko pa lamang ay labasan na nito sa opisina. Sinusubukan niya itong tawagan ngunit naka-off ang selpon nito kaya’t maski inis na inis sa kumpare nitong si Jonnel ay tinawagan niya iyon.

Maski alam ni Jonnel na nakatulog lamang sa sleeping quarters ang kumpare dahil sa sobrang pagod ay pinag-alala pa nito lalo si Kristy. Gaya kasi ng misis ng kumpare ay inis din siya rito sapagkat talaga namang napakahigpit nito sa matalik niyang kaibigan.

Inuudyok niya madalas ang kumpare na magmatigas sa misis ngunit buong puso nitong ibinibigay ang kaniyang buong sahod dito. Bukod pa roon ay walang ibang ginawa ang kumpare niya kundi sundin ang mga utos ni Kristy.

Tuwing wala itong pasok ay tumutulong pa ito sa paglalaba at pag-aalaga ng bunso nilang anak.

“Naku, mare. Hindi ko alam. Baka mamaya may iba nang inuuwian si Bryan,” maski hindi nakikita ni Kristy ang mukha ng kausap ay alam niyang nakangisi ito at talagang iniinis pa siya ng lalaki.

Kaya naisip niyang puntahan na ang mister sa opisina tutal ay sanay naman siyang magmaneho maski hatinggabi na.

“Ma’am, sorry. Nakalimutan kong nagpapagising nga pala si Sir Bryan ng alas sais. Iidlip lamang daw siya ng isang oras dahil ayaw niyang magmaneho nang antok na antok,” wika ng guwardiyang si Mang Ruben.

Agad namang pinapasok ni Mang Ruben si Kristy sa sleeping quarters at naabutan ang asawang naghihilik pa at nakanganga.

Advertisement

Pagkakita niya sa cellphone nito ay tila may mensahe pa ito para sa kaniya na hindi na nagawang maisend pa dahil nga sa sobrang kaantukan.

“Labs, iidlip muna ako dito sa opisina. Nagpagising ako kay Mang R…..”

Habang pinagmamasdan ang asawa ay halos maiyak si Kristy.

“Talaga bang masyado akong madaming hinihiling sa asawa ko? Mali bang pinapayagan ko siyang tulungan ako sa mga gawaing bahay tuwing day off niya?” saad niya sa sarili.

Maya-maya’y gulat na gulat si Bryan nang makita ang misis na nakaupo sa gilid ng maliit na kamang hinihigaan niya.

“Akala ko may katabi akong diwata. Hindi pala ako nananaginip,” pagbibiro pa nito.

“Halika na mahal, sa bahay ka na magpahinga. Bukas ay huwag ka munang gumawa ng kahit na ano. Magpahinga kang mabuti. Kaya ko naman mag-isa ang lahat sa bahay,” paglalambing ni Kristy habang sinusuyod ng mga daliri ang magulong buhok ng mister.

“Hindi utos ang tawag sa mga pinagagawa mo sa akin, labs. Mas mahirap pa nga ang mga gawaing bahay kaysa sa magtrabaho sa opisina. Saka masaya akong napapagaan ko ang mga trabaho mo, labs,” malagkit ang tingin ng mister sa kaniyang misis habang sinasambit ang mga salitang iyon.

Advertisement

Kinabukasan ay hindi pa rin nagpaawat si Bryan. Bagkus ay naglinis pa ito ng buong kabahayan.

Nang maupo ito saglit upang mamahinga at uminom ng kape ay biglang may nag-doorbell.

“Tara na, punta tayo kela Caloy. Nandoon yong ex mo, p’re. Sexy pa rin kahit single mom na!” kumindat pa si Jonnel habang niyayaya ang kumpare.

Narinig naman iyon lahat ng panganay na anak ni Kristy kaya’t dali-dali itong nag-sumbong sa ina.

Maski naiinis ay buo ang tiwala ni Kristy sa asawa.

At gaya ng inaasahan ay umalis si Jonnel mag-isa nang hindi nabitbit ang mailap na si Bryan.

Habang naliligo si Bryan ay biglang tumunog ang cellphone nito. Pakalat-kalat lamang sa kanilang bahay ang cellphone ng asawa kaya’t nasanay na si Kristy na kalkalin iyon.

Halos mapamura si Kristy nang makita ang larawan ng ex ng asawa na si Gretchen habang umiinom. Pinadala pa iyon ni Jonnel sa asawa. Halos lumuwa na ang dibdib ng babae sa suot na masikip na pulang blouse. Napakaikli rin ng suot nitong pang-ibaba.

Advertisement

“Talagang nananadya ang hayop!”

Gulat na gulat si Bryan sa narinig at nanlaki ang mga mata nito sa nakitang larawan.

“Naku labs, iniiwasan ko na talaga yang si Jonnel. Naisip ko na nga ring lumipat na ng kumpanya para ‘di na kami magkasama sa opisina. Ano sa tingin mo?”

Hindi na lamang umimik si Kristy at lumabas ito ng bahay upang maglakad-lakad.

Nang mapadpad siya sa malayo ay doon lamang bumalik ang kaniyang ulirat. Napag-isip-isip niyang wala namang ginagawang masama ang mister kaya’t uuwi na siya ng bahay at sasabihang huwag na lamang pansinin ang kumpare.

“Paano mo ito sasabihin kay Nikka?”

Tila pamilyar ang boses ng isang lalaki nang marinig niya ito sa may isang motel na nadaanan.

Pagsilip niya ay kitang-kita ng dalawang mata niyang magkayakap ang dalawang lalaki. Nang magbitaw ang dalawa’y tumambad ang mukha ng isang lalaking kilalang-kilala niya.

Advertisement

Si Bugoy! Ang bayaw ni Jonnel!

Nang makita siya nito ay bigla itong bumitiw sa kamay ng kasamang lalaking maputi at malaki ang katawan. Putlang-putla ang mukha nito.

At sa ‘di malamang gagawin ay napatakbo si Kristy palayo.

“Ate Kristy! Please! Let me explain!” pakiusap ni Bugoy.

Napagdesisyunan ni Kristy na patuluyin sa kanilang bahay si Bugoy at kausapin ito sa harap ng mister. Isinama pa ni Bugoy ang lalaking kasabay lumabas sa motel.

Nang makarating sa bahay ay agad niyang pinaakyat ang mga anak at ikinuwento sa mister ang nasaksihan.

“Mahal namin ang isa’t-isa. Pinilit lang ako ni Kuya Jonnel na pakasalan si Nikki dahil akala niya’y may nangyari sa amin nang makita nila akong galing sa kuwarto ng kapatid niya. At dahil nalaman kong may gusto pala sa akin si Nikki ay pumayag na lamang ako. Takot na takot din kasi ako kay Kuya Jonnel. May gagawin daw siyang masama sa akin at sa pamilya ko kapag niloko ko si Nikki,” lumuluhang kuwento ni Bugoy habang mariing hawak ang kamay ng kasamang lalaki.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay bigla na lamang tumunog ang doorbell.

Advertisement

Si Jonnel! Kasama pa nito si Gretchen at nagtatawanan ang dalawa habang lasing na lasing. Bigla na lamang nitong tinulak ang gate at pumasok sa loob ng kanilang tahanan.

“Papasukin mo ko p’re! Gusto ko lang ipakita sa asawa mo kung gaano sya kalosyang kumpara dito sa ex mo!” tatawa-tawang sigaw ni Jonnel.

Ang malaking ngisi ni Jonnel ay napalitan ng matalim na tingin nang kitang-kita niyang magkahawak ng kamay ang bayaw at ang lalaking malaki ang katawan.

Sa takot ni Bugoy ay napayakap ito sa nobyo.

Lalo namang nagpuyos sa galit si Jonnel.

Inawat ito ni Bryan at pinaliwanagan.

Tila walang mukhang maiharap si Jonnel sa mag-asawa dahil sa pangyayari.

Mula noon ay hindi na ito nagpakita pa kay Bryan at tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Bigla na lamang itong hindi na pumasok sa trabaho.

Advertisement

Matapos ang isang buwan ay nabalitaan na lamang nilang tinapos pala ni Jonnel ang buhay ng kaawa-awaang si Bugoy at ngayon ay nakakulong na ito. Wala nang nagawa sina Bryan at Kristy kundi ang manalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bugoy.