Inday TrendingInday Trending
Kakambal na raw ng Babae ang Salitang Malas; Hindi Niya Inaasahan ang Malaking Swerteng Gugulantang Bigla sa Buhay Niya

Kakambal na raw ng Babae ang Salitang Malas; Hindi Niya Inaasahan ang Malaking Swerteng Gugulantang Bigla sa Buhay Niya

“Malas.” Salitang nakatanim sa isipan ni Jessa. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang kakambal na niya ang salitang ito.

Noong bata kasi siya, tandang-tanda niya na napakarami ng kaniyang kalaro. Pero biglang isang araw, napalo siya nang husto ng kaniyang ina dahil sa pakikipaglaro niya ng matagal sa labas.

“Hindi ka na napirmi sa bahay! May araw na puputulin ko ‘yang mga paa mo kapag hindi ka tumigil!” sigaw ng ina ni Jessa.

Magmula noon, naging mailap na ang bata at nawalan na ng hilig sa paglabas-labas. Dala-dala niya iyon hanggang sa makatungtong ng hayskul.

Hindi naman sila ganoong kayaman, pero nang ipagpaalam siya ng isang pinsan na pag-aralin sa isang pribadong paaralan sa hayskul, walang pag-aatubiling pumayag naman ang kaniyang ina.

Hindi nagatagal, nagkatampuhan sila ng kaniyang pinsan. “Bakit mo inagaw sa akin si Bert? Ako yung gusto niya, pero pumasok ka kasi sa eksena!” sigaw ni Jessa.

“Pero siya yung unang lumapit sa akin! Ano bang magagawa ko kung gusto ko rin siya?!” galit na tugon naman ng pinsang babae.

Lumipat ng paaralan ang pinsan ni Jessa. At hindi inaashaang doon napariwara ang buhay nito. Nabuntis ito nang maaga, ngunit ang sisi ay ibinato niya kay Jessa.

“Kung hindi mo ako inaway noon, maayos sana ang buhay ko! Kung hindi ka naging swapang hindi sana ako mabubuntis agad!” mga salitang iniwan ng galit na pinsan.

Dahil sa masamang karanasang iyon, lalong naging mailap sa tao si Jessa. Lagi na siyang mag-isa at naging mahina sa lahat ng bagay. Kaya kahit pagdating sa lalaki, takot na rin siya at sobrang mahiyain.

Nang magkolehiyo, unti-unti nang nagkaroon ng kaibigan si Jessa. Pero tulad ng inaasahan, hindi rin naman nagtagal dahil nagkaniya-kaniya na sila pagkatapos ng graduation.

Lumipas pa ang mga taon, lalong nabalot ng lungkot ang dalaga.

“Napag-iiwanan na ata ako sa buhay. Walang pag-usad ang career ko. Wala akong boyfriend tapos wala pang gaanong nanliligaw sa akin. Hindi na nga ako kagandahan, hindi pa ako matalino. Napaka-boring ko na atang tao. Wala na bang nagmamahal sa akin?” napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

Malas na sa pag-ibig, malas pa sa career. ‘Yan ang tingin ni Jessa sa sarili. Nadagdagan pa ang bigat na kaniyang dinadala nang matagal na naging tambay kahit nakapagtapos na ng kolehiyo.

Nag-a-apply naman siya ng trabaho pero hindi talaga natatanggap. Kapag nakapasa naman sa interview at mag-aayos na ng requirements, biglang na lang may mangyayaring ‘di maganda o kaya naman ay biglang magsasara ang kumpanya. May kakambal nga ba siyang malas?

Isang araw, may nag-alok sa kaniya ng maiksing trabaho. Ano pa nga bang pagpipilian niya kundi tanggapin!

“Magiging sales promidizer ka ha? Isang linggo lang naman. Galingan mo, okay?” saad ng babaeng nag hire sa kanya.

“O-opo…” nahihiyang tugon ni Jessa. “Diyos ko. Takot nga ako sa tao tapos tinanggap ko pa itong trabahong ito,” sambit pa niya sa kaniyang isipan. Pero mas mabuti na rin kasi iyon kaysa sa wala.

Sa trabahong pinasukan nakilala ng babae ang unang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso, si Gilbert.

“Napakaganda talaga ng ‘yong mga ngiti. Ang sarap mong pagmasdan,” pambobola ng lalaki.

“Ikaw naman! Lagi mo akong binobola,” pakipot na sagot pa ng babae.

Nanligaw si Gilbert kay Jessa at sa maikling panahon, sinagot agad niya ito. Dahil walang gaanong karanasan sa relasyon, uto-uto siya talaga pagdating sa lalaki.

Naging sila ng mabilis hanggang sa dumating ang pagkakataon na may nangyari sa kanila. Pero pagkatapos noon, parang bula na bigla na lamang naglaho si Gilbert. Nalaman na lang niya na may asawa’t anak pala ito!

Sa huli, nganga na lamang siya at lugmok. Sobrang lungkot na lungkot si Jessa ng mga panahong iyon. Pakiramdam niya’y tatanda na siyang miserable ang buhay.

Hanggang sa may nakilala siyang bago, ngunit tulad ng dati, niloko na naman siya.

“Wala na ata talaga akong pag-asa…” nakasimangot na sabi ng dalaga.

“Dapat kasi nagmadre ka na lang e!” sambit naman ng ina ni Jessa habang natatawa sa hitsura ng nakasimangot na anak.

“Alam mo ‘nay, kung wala ka rin naman sasabihing maganda, ‘wag na lang ho kayong magsalita. Nakakasakit na kayo ng damdamin e!” pagmamaktol naman ng babae.

Pero makalipas ang isang taon, tila ba pumabor naman ang swerte sa dalaga. Ang application na pinadala niya ay natanggap at nabigyang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.

“Eto na ang pagkakataon ko!” determinadong sabi ni Jessa.

Naging mahirap ang mga unang buwan ng dalaga sa ibang bansa, pero nakahanap siya ng kapayapaan nang mapalapit sa Diyos. Doon tuluyang nagbago ang kanyang buhay.

Nakilala niya si Richie na Pilipino rin ngunit may halong ibang lahi. Sa lalaking iyon niya unang naramdaman na komportable siya at hindi nakakaramdam ng hiya. Doon niya naranasan ang tunay na pag-ibig.

“Baka naman saktan mo lang din ako ha? Quota na ako sa ganiyan!” pabebeng sabi ni Jessa.

“Para hindi ka na mag-isip pa ng ganiyan, eto na ang patunay na totoo ang nararamdaman ko para sa’yo,” naglabas ng singsing ang lalaki at lumuhod, “will you spend the rest of forever with me, Jessa? Will you marry me?”

Napatakip ng bibig si Jessa at saka napaluha. Hindi niya inaasahang may lalaking magmamahal at tatanggap sa kanya!

Nagsimulang mamulat ang mga mata ng babae na kahit kailan pala ang hindi siya pinabayaan ng Diyos. Isang malaking patunay na hindi naman pala talaga siya malas. Sa dulo ng lahat ng kaniyang hindi magagandang pinagdaanan, naroroon pala ang isang masayang bukas na naghihintay para sa kaniya.

Ngayon, walong taon na silang kasal ni Richie. May dalawang anak na rin sila at patuloy na ninanamnam ang bawat masasayang sandali ng kanilang buhay. Buhay na wala nang bahid ng kamalasan at nag-uumapaw na pag-ibig na lamang.

Advertisement