Inday TrendingInday Trending
Hindi Sinasadyang Nakita ng Dalaga ang Bukas na Wallet ng Kaniyang Lalaking Best Friend; Matindi Pala ang Itinatagong Lihim Nito

Hindi Sinasadyang Nakita ng Dalaga ang Bukas na Wallet ng Kaniyang Lalaking Best Friend; Matindi Pala ang Itinatagong Lihim Nito

Nagkakilala sina Celestine at Louie noong 3rd year high school sila. Parehong silang transferee noon kaya’t sila ang magkatabi sa upuan. Noong una’y nagkakahiyaan pa ngunit paglipas ng panahon ay nagkapalagayan din ng loob.

Naging mag tropa ang dalawa kaya naging malapit ang loob nila sa isa’t isa. Mas komportable rin kasi si Celestine na kasama ang lalaki kaysa makihalubilo sa mga ‘maaarteng’ babae. Madalas ngang napapagkamalan pa siyang may pusong lalaki dahil doon.

Minsan ay lumapit sa kaniya si Louie para humingi ng tulong para sa nililigawan nito.

“Bespren, baka pwede naman magpatulong sa’yo o?”

“Ano na naman iyon ha?” mataray na sagot ng babae.

“Wala pa nga akong sinasabi, iritable ka na agad,” natatawang sabi naman ng lalaki. “Magpapatulong lang sana akong gumawa ng love letter para sa crush ko. Libre ko na yung burger at fries mo mamaya!”

Tila ba masarap na tunog sa tainga ang burger at fries kaya walang alinlangang sumagot ng ‘oo’ si Celestine. Bukod doon, madali lamang din talaga kasi siyang mauto kaya sunod agad siya sa gusto ng best friend.

Dahil nga gwapo si Louie, mabilis nitong napapasagot ang mga babaeng kanilang sinusulatan.

Nakailang nobya rin noon ang lalaki at yung ibang mga ex niya, kaibigan pa mismo ni Celestine. Ang totoo niyan, ang isa pa sa mga ex ng chickboy na lalaki ay pinsan pa ng dalaga!

Nang mag 4th year sila, napapansin ni Celestine na nagsisimula nang lumayo ang lalaki. Napapabarkada na pala ito sa mga pasaway at basagulero! May pagkakataon pang pumasok ito na late sa mismong examination day at amoy na amoy sa katawan ang singaw ng alak.

“Bespren, baka pwede manghiram naman sa’yo ng ballpen, please?”

Umuusok na ang ilong ni Celestine sa galit noon, “o bakit hindi ka humiram ng ballpen doon sa mga kabarkada mo? Simula ngayon, bahala ka na sa buhay mo. Wala na akong pakialam sa’yo!”

Akmang tatalikod na sana ang dalaga nang bigla siyang hawakan at hilahin ng lalaki. Walang pasintabi bigla na lamang sinabi nito na:

“Bakit ang sungit mo naman? Baka ‘di ako makapagpigil, bigla kitang halikan diyan e.”

Napatigil si Celestine at napalunok lamang. Dahil sa sobrang inis, bigla na lamang niyang nasampal si Louie.

Simula noon, umiwas na ang dalaga sa kaniyang best friend. Ilang linggo silang hindi nag-uusap hanggang sa humingi ng tawad ang binata at naging maayos na silang muli.

Dumating ang panahon na si Celestine naman ang nagkaroon ng kasintahan. Dahil doon, naging limitadong muli ang pag-uusap nila ni Louie.

Isang buwan bago ang JS Prom, nagkahiwalay si Celestine at ang kaniyang nobyo. Eto namang si Louie ay tulad din niyang brokenhearted din pala!

“Bespren, tutal wala naman nang asungot na magagalit, pwede bang ikaw na lang ang maka-date ko sa prom?”

Pumayag naman din ang dalaga sa nais ng matalik na kaibigan. Pero noong gabing iyon, umaasa si Celestine na aayain siya ng ex-boyfriend upang isayaw, ngunit na-hopia siya. Umasa lamang sa wala.

Pero si Louie, hindi iniwan ang kaibigan hanggang sa matapos ang programa. Hindi na ata mabilang kung ilang beses nitong isinayaw ang dalaga.

Dalawang linggo matapos ang prom, may natuklasan si Celestine. Hindi sinasadyang nakita niya ang kanilang larawan ni Louie sa wallet nito nang minsang bumili ng meryenda. Hindi siya maaaring magkamali, litrato nila iyon noong JS Prom.

“Hoy! Picture ba natin yung nasa wallet mo?” pang-uusisa ng dalaga.

“Ah, e, oo… pero remembrance lang naman ‘yan,” tugon naman ng binata.

“Sus! Remembrance? E bakit kailangang nasa wallet mo aber?”

Napalunok lamang ang lalaki at tila ba naestatwa. Pulang-pula ang mukha nito na parang sasabog na lamang bigla. Kinuha ng lalaki ang bag at saka nagmadaling umalis.

“Hoy, Louie, ano na?! Bakit may pag walk out? ‘Di mo pa nga nasasagot yung tanong ko e,” pang-aasar pa ni Celestine.

Humarap si Louie at saka tinignan ang dalaga ng mata sa mata, “e kasi gusto kita. M-mahal na kasi kita, Celestine. Iyon ang totoo!”

Matapos marinig ay tila ba ang dalaga naman ang nautal. Uminit ang kaniyang mukha kasunod ng pamumula ng mga pisngi. Para bang gusto na niyang maglasing ng mga oras na iyon.

“Celestine, sorry… pero kasi noon pa man ay gusto na kita. Natatakot lang ako kasi baka ‘pag nalaman mo ay layuan mo ako,” paliwanag ni Louie.

Nagwalk-out na lamang si Celestine ng walang kahit anong sagot. Pero ang totoo, umalis siya dahil hindi niya magawa pang itago ang kilig at pagkalito.

“Seryoso ba talaga ‘tong si Louie? Baka naman pinagtri-trip-an lamang ako nito…” gulong-gulo na tanong ng dalaga.

Sa sumunod na mga araw ay nagsimula na ngang manligaw ang binata. Hinayaan na lamang ito ng babae, hinayaan niya lang na mahulog dito ang kaniyang puso.

Ngayon, sampung taon na silang mag-asawa ng dati niyang best friend na si Louie. May isang anak sila na saksakan din ng gwapo tulad ng ama nito. Sa tuwing maaalala ng babae ang kanilang kwento, hindi niya maiwasang kiligin muli at mapangiti.

Hindi niya alam kung anong bang nagawa niyang sobrang buti at biniyayaan siya ng mabuting asawa at makulay na buhay pag-ibig. Kaya sa mga sabik nang magkaroon ng jowa riyan, kaunting hintay lamang dahil darating din ang tamang taong magpapatibok ng puso niyo!

Advertisement